TPOT # 1

125 3 0
                                    

AKIKO POV:

Ohhh my Goodness ! Ohhh my Goodness ! mali-late na ako ! >.< Nagmamadali ako ngayon papunta s a Tennis court para mapanood ang match nang crush kong si Ryoma ! :"> 

Ranking kasi sila ngayon dahil ang pagkaka-alam ko papasok siyang varsity sa school namin ako naman sa volleyball kakatapos ko lang mapasok sa ranking isa na rin akong varsity player nang campus. 

"uyyy Akiko hintayin mo ako !" sigaw nang bestfriend kong si Hannah hingal na hingal siya maabutan ako "grabe ka naman bestfriend ! Bakit hindi mo ako hintayin ? Sabi ni Kuya Momo hindi pa naglalaro si Ryoma" wika niya napatigil ako sa paglakad-takbo kong gawain. 

"Talaga ? ! ? Buti naman kung ganon" wika ko na malapad ang aking ngiti kaya dali dali na ako makapunta sa Tennis court buti na lang may Kuya si Hannah sa mga varsity nang Tennis kahit papano may informer kami hahahaha !

Sorrry readers kong hindi ko pa naipapakilala ang sarili ko ako nga pala si Akiko Kazuo , 18 years old , 1st year college kinukuha kong programa ay Business Management major in Marketing isa akong silent fan girl ni Ryoma Echizen. 

Nandito na kami ni Hannah sa Tennis court  madami dami ring babaeng manonood halos ka-schoolmate namin noong highschool galing kami sa Seishun Gakuen Highschool Seigaku for short. Mga nagtitiliang babae halos Ryoma ang sinisigaw pati ba naman sa Tokyo University dinala nila dito ang pagtitili nila ? 

Iba ako sa kanila kahit halos mahimatay na ako sa kilig kay Ryoma nananatili pa rin akong tahimik sa isang sulok at wala akong lakas loob na lapitan siya kaming tatlo nina Hannah at Kuya Momo ang may alam na ako ang number 1 fan ni Ryoma. 

"Saktong sakto lang kayo paumpisa na ang laro niya" sabi ni Kuya Momo sabay kindat sa akin namula ako sa ginawa ni Kuya Momo dahil alam niyang crush na crush ko si Ryoma actually magbest-buddy sila kaya madami talaga akong alam about sa boyfriend ko since I was a 7th grader nang hindi niya alam hahahahaha ! 

 Sikat naman din akong estudyante sa paaralan dahil naging Presidente nang Student Council , isang gitarista sa banda at isang volleyball player may mga nanliligaw sa akin kaso hindi ko lang talaga gusto ang iba hindi ako interesado kay Ryoma Echizen lang talaga.

Nagsimula na ang laban grabe ang galing galing nang pagkaka-serve niya palibhasa anak siya nang isang sikat na Professional Tennis player noong 1980's walang may alam noon pa-sikreto lang niya yon kasi daw baka i-special treatment daw siya baka sabihin nilang magaling siya dahil mana siya sa kanyang Daddy gusto niya daw na makilala siya sa sarili niyang sikap. 

O diba ? mainit ang laban nila ni Senpai Kaidoh dahil ahead sila nang isang taon sa amin napagkasunduan nila noon na papasok sila sa iisang university they will make a Legacy pumapalakpak lang ako hindi gaya nang katabi namin 

"go ryoma my love !"

"ryoma galing mo ! i love you !" 

"go ryoma ! go go ryoma !" 

What the heck ! >.< Buti pa sila nasasabi nilang mahal nila si Ryoma samantalang ako naging kaklase ko siya nang ilang taon ni nagkaka-usap hindi ko magawa at magka-kaklase na naman kami isang linggo na ang pasukan ni Hi or Hello hindi ko magawa.

Pero bawat hininga , utot ni Ryoma alam na alam ko hahaha ! Obsessed na ata ako sa kanya e hindi ko alam. Basta ang tanda ko ....

FLASHBACK (GRADE 7)

Naglalakad kami ni Hannah hinahanap namin ang Tennis court dahil hahatiran niya nang lunch ang Kuya niya dahil 1st day pa lang naman nang klase medyo nalilito pa kami at hindi pa kami nakapasok sa homeroom namin. nang makarating kami sa Court abala naglalaro ang mga players.

Sa isang court may pinagkakaguluhan ang mga kakabaihan tinignan ko kung sino yun when I saw Ryoma he's graceful swaying his Tennis Racket , jumping , running inside the court habang wiling wili ako sa panonood sa kanya na-realize ko na crush ko na siya :">

Di ko namalayan papunta pala ang bola sa akin hinihintay kong matamaan ako nang bola may tumira non at yun ay si Ryoma ni tinignan hindi man niya ginawa basta focus siya sa paglalaro naamoy ko siya ang bango parang amoy cherry blossom. 

Mula noon crush na crush ko na talaga siya totoo pala ang kasabihan hanggang 1 month lang daw ang limit nang crush pero pag lumagpas na daw yun love na daw akala ko noon gawa gawa lang napatunayan ko iyon.

END OF FLASHBACK

Makalipas ang ilang game nanalo siya at natawag ang kanyang pangalan sa mga varsity gusto ko siyang i-congratulate nangingibabaw pa rin ang hiya ko na lapitan siya hanggang tingin lang talaga ako sa kanya. Maraming babae ang lumapit sa kanya para i-congratulate siya.

"Best tara na may klase pa ako" sabi ni Hannah tumayo ako "wait" sabi ko naglakad ako tungo sa lugar nila "oh my goodness kaka-usapin mo na siya ?" hindi ko kinibuan si Hannah kailangan ko nang mag-take nang risk na kausapin siya humuhugot ako nang lakas. 

Nang nasa pwesto na ako nangingibabaw ang hiya sa akin since ka-close ko si Kuya Kaido iniabot ko sa kanya ang libro na hiniram ko noong last vacation buti na lang may dahilan ako hahahaha ! "Salamat kuya Kaido maganda nga talaga siya" sabi ko habang nakangiti  "ahhh wala yun , diba sabi ko naman sayo" sambit niya habang nag-uusap kami umalis na si Ryoma nakatingin lang ako nang pasimple sa kanya hanggang maglaho siya sa paningin ko.

PRINCE OF TENNIS I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon