TPOT # 5 THE PRODUCT

32 2 1
                                    

AKIKO'S POV:

Buti na lang na-approve yung mga product namin ni Ryoma na cake na kakaiba ang ichura. Ngayon magtutulungan tulungan kami nang Seishun Gakuen Tennis players kasama syempre si Hannah at si Syusuke siya ang nag-propose na tutulungan kami sa pag-gawa nang product lalo na si Kawamura-Senpai na magaling siyang gumawa nang pastries.

Nandito kami ngayon sa bahay ni Syusuke napaka-sweet niya grabe sana ganito rin si Ryoma sa akin pinakilala na rin niya ako sa mga magulang niya "Niligawan mo na talaga siya" wika ni Yuuta ang nakakabatang kapatid ni Syusuke "naglakas lang ako nang loob" ani Syusuke.

"Umpisahan na natin ang gagawin natin" supladong pagkakasabi ni Ryoma problema niya ? Parang laging may PMS to ...

****

"ihh naman ang sweet ni Kuya Syusuke san kaya ako makakakita nang guy na manliligaw gaya mo ?" pagtitili ni Hannah sa kusina "Hannah will you please shut up ?" sabi ni Ryoma

"Oo nga Hannah para agad nang matapos to" sabi naman ni Kuya Momo "ayy naku kuya imbes na pagalitan mo si Echizen ako pa tong pinagagalitan mo uhmmmppp !" Inis na wika ni Hannah sa kuya niya.

Hindi ako umiimik kasi parang naiilang ako sa ginagawa ni Kuya Syusuke pinupunasan niya ang pawis ko at pinangkukuha nang tubig at pinapakain lagi nang chocolates.

*****

"Salamat po sa pagkain !" unison namin dahil naghanda nang makakain si Tita Noriko ang mama ni Syusuke kitang kita na welcome kami sa pag-treat nya sa amin.

"Walang anuman yun mga bata kumain lang kayo anggat gusto niyo wag kayong mahihiya" wika niya saka na siya umalis dahil may business meeting pa raw siyang pupuntahan.

Natapos na namin nang hapon ang mga product namin at sinimulan na namin planuhin ang marketing strategy namin sina Kuya Eijie at Kuya Tezuka ang bahala doon.

"Since mga tennis balls at volleyball at heart shape ang mga cakes na ginawan natin parang mala-love story ang concept" sabi ni Kuya Eijie habang nagsasalita siya nakikinig kaming lahat.

"Since it was Ryoma and Akiko's project sila rin magiging bida nang commercial" sabi ni Kuya Tezuka.

"Syusuke , yung story board pag-isipan mo muna" sabi ni Kuya Tezuka "oo sige ako nang bahala diyan" sabi nito.

"Ako na rin ang bahala sa mga camera at video cam" sabi ni Kuya Momo

"Sa story kailangan ko si Hannah , Kaidoh , Tezuka at kawamura kayo ang magiging extra sa commercial" sabi ni Syusuke

"Kailan natin gagawin ang commercial ?" Tanong ko si Ryoma hindi pa rin nagsasalita anggang ngayon nakakabuysit siya hindi siya nakiki-cooperate at gusto ko marinig ang boses niya.

"Bukas din natin gagawin" sagot ni Kuya Eijie.

*****

7pm na kailangan na namin umuwi nasa labas na kami "ihahatid na kita tutal malapit ka lang sa amin" offer ni Ryoma pero poker face pa rin siya.

Sasakay na sana ako sa motor hinawakan ni Syusuke ang kamay ko "ako na maghahatid sayo" sabi nito "hi-ndi na si Ryoma na lang" sabi ko

Buti na lang hindi na siya naging mapilit pa nag-back ride ako kay Ryoma "humawak ka nang mabuti" kalmadong sabi ni Ryoma humawak ako sa balikat niya "ano ba bakit diyan nakikiliti ako" supladong sabi niya.

Kaya wala ako magawa napayakap ako sa kanya humigpit ang yakap ko dahil mabilis ang pagpapatakbo niya sa motorsiklo.

"Dahan-dahan naman Ryoma" sabi ko hindi siya umiimik nakarating na kami sa bahay namin "baka gusto mo munang mag-dinner dito sa bahay" sabi ko

"Hi-----"

"Ryoma ! Salamat sa paghatid mo sa anak ko tara na sa loob sakto nakahanda na ang hapunan" sabi ni Mommy tatanggi sana siya kaso hinila na siya agad papasok sa loob nang bahay.

I owe you bigtime mommy !

Nasa mesa si Daddy hinihintay na kami ata galing siyang Europe dahil may ginagawan siyang project doon isang Architect si Daddy kaya lagi siyang nagta-travel sa iba't-ibang lugar.

"Magandang gabi po" bati ni Ryoma sa kanya ngumiti si Daddy "magandang gabi rin sayo hijo" "Daddy si Ryoma kaklase ko siya at kapartner ko sa project namin ginagawa kaya hinatid niya ako dito sa bahay Ryoma si Daddy." pagpapakilala ko sa kanila.

Masyado naman ata akong defensive baka akalain ni Daddy boyfriend ko siya pero okay lang din kung OO hahaha ! Strict si Daddy kasi ee kaya minalinaw ko na sa kanya.

Umupo na kami sa mesa maya maya pa lumapit si Yaya sa amin na may bisita raw ako sino naman kaya yun ?

"Papuntahin mo siya rito" utos ni Mommy bawal kasi may ibang ginagawa habang kumakain except lang ang mag-usap dahil sa hapag kainan kami nagkakaroon nang time na magkamustahan nang personal.

Nabigla ako si Syusuke yumuko siya "magandang gabi po pasensya na po sa pang-iistorbo sa pagkain niyo gusto ko lang po ibigay ang ipad ni Akiko" sabi niya

"Daddy , Mommy si Syusuke po kaibigan ko Syusuke sina Dad at Mom" ngumiti ang magulang ko "halika join us" yaya ni Daddy.

Nakasimangot na naman si Ryoma habang kumakain "Echizen nandito ka pa rin pala" sabi ni Syusuke sa kanya.

"Inimbitahan akong kumaen nang hapunan dito" sagot nito pero bakit iritabg irita siya.

Habang kumakain "Sir and Ma'am may I ask something" sabi ni Syusuke napalunok ako ano kaya sasabihin niya ?

"Gusto ko po sana umaakyat nang ligaw sa anak niyo dito sa bahay niyo kung papayagan niyo po ako. Hindi naman po ako nagmamadali na maging girlfriend ang anak niyo gusto ko lang po na patunayan sa inyo na sincere po ako malinis ang intensyon ko sa anak niyo" sabi ni Syusuke.

Tumango si Daddy "tutal nasa tamang edad na si Akiko at okay naman niya ang grades niya sa school okay lang sa akin." sabi ni Daddy.

"Believe ako sa katapangan mo hijo" ani Mommy.

Hindi ako makapagsalita hindi ako maka-imik.

"Hindi po masasaktan ang anak niyo sa akin at aalagaan ko siyang mabuti" sabi pa niya.

*****

Monday:

Umupo na ako excited akong pumasok sa classroom dahil makakatabi ko si Ryoma.

Maya-maya pa dumating na siya paupo na siya "good morning Ryoma" bati ko imbes na umupo na siya dumaretso lang siya hindi niya ako nilingon at umupo na siya sa ibang upuan problema non ? -_-

PRINCE OF TENNIS I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon