🄲🄷🄰🄿🅃🄴🅁 005

187 5 3
                                    

Wonyoung's POV

It's been how many days? About 4 days na di ako chinachat ni Yujin. Di nya rin ako kinakausap sa school. Kapag magkakasalubong kami, titingin lang sya saken tapos yun ignore na. Last time na nakapagchat kami is yun nga, yung ni-'prezoned' ko daw sya.

I don't know why ba't sya nagkakaganyan? Argh. Atsaka bakit ba ako apektado? Like duuuh, normal student lang ako tas sya famous na hearthrob student, what do you expect? Edi baka manggagamit yun.

Hay nako! Ewan. Biyernes ngayon, kailangan ko pumunta ng mall, bibili ako school supplies sa NBS. Pero bago yun, gusto ko muna mahiga mga 5 minutes. Kung nagtatanong kayo bat nakahilata lang ako dito, half day kami today kasi may meeting yung mga teacher. 'TGIF' ika nga.

Yung mga kaklase ko ba naman kasi hingi nang hingi ng papel. Baka gusto nila pag-aralin ko na rin sila? Pero syempre mas gusto ko sya yieeEeeEee. Charot.

Bumangon na ako atsaka naligo. Actually nakakatamad maligo. Sinuot ko yung Violet na dress then flat shoes. Ginamin ko yung pabango na bigay ni Yujin. Ubod talaga sya ng bango, ugh.

Bumaba ako ilang minuto pagkatapos, nagpaalam na ako kay mama Jang. "Byebye mama Jang, punta po muna ako sa Mall." I kissed her cheeks. "Oh sige, ingat ka nak ha." I waved my hand bago lumabas ng pinto.

Pumara ako ng jeep going to the mall. "Bayad po, pakiabot." someone stretched her hand para makuha bayad ko, "Salamat po."

Nagtataka ba kayo kung asan si Papa Jang? Well, nasa work naman yun palagi. Pero di sya nawawalan ng oras para samin ni mama. Thankful nga ako na tatay ko sya eh. Kung kaya nyang hatiin yung katawan nya para sa amin tsaka sa trabaho nya, gagawin nya. Nagwowork sya sa company ng family nina Yujin. What a small world, 'no? HAHAHA.

My father served their company for years na. Kilala na kami nung family ni Yujin, trusted pa. May isa pang pamilya ang close at trusted ng pamilya ni Yujin at ito ang Kim family. Nagiging rival yan ni papa when it comes to pwesto ng kumpanya. After nun, magkaibigan na ulit sila.

And speaking of that Kim Family, they are here at the mall. "Para po." Bumaba na ako ng jeep at dumiretso sa entrance. Dapat ay di ko sila papansinin pero sa kasamaang palad, "Wonyoung iha~" lumingon ako at ngumiti kay tita Kim. Hindi naman sa may galit ako sa pamilya nila, pero may times talaga na nagagalit ako sa kanila nang walang dahilan.

"Hello po." I said. Omygash, they are smiling at me. Ang ganda talaga ng lahi nila. Visual family ah~

"Oh, anong gagawin mo dito sa mall?" Asked tito Kim. "Bibili po ako ng school supplies sa National Bookstore po." I answered.

"Oh great, pwede ba pakisamahan si Minju-ah? Lilipat kasi sya ng school at kailangan nyang bumili ng school supplies. May meeting rin kasi kami." Oof? Lilipat siya ng school? Saan kaya?

"Ah sige po." I nodded then nilahad ko yung kamay ko kay Minju. Lumapit naman sya pero nahihiya pa rin

"Sige iha, maraming salamat. Pakibantayan yan ha, nag-iisa namin yan." Paalala ni tita Kim. Haha. Pati naman ako, ganyan lagi sinasabi ni Mama sa mga kaibigan ko.

"Haha, opo. Ingat po kayo," I waved my hand kina tito at tita Kim. "Minju, text me if uuwi ka na ha?" Minju nodded sa sinabi ni tito Kim. Mga tatay talaga.

Nung nakalayo na yung parents ni Minju niyaya ko na si Minju. "Tara pasok na tayo?" She nodded. Mahiyain ba talaga sya? Grabe. Medyo ang awkward tuloy kasi mahiyain siya tapos di pa kami close. Hays.

Pumasok kami sa NBS nang walang imikan. Naghiwalay kami sa loob since magkaiba rin naman kami ng bibilhin. "Magkita tayo sa may cashier ha?" Bilin ko. "Sige." She smiled, finally nagsalita na rin siya.

Kumuha ako ng long and short folders, colored paper, bond paper, highlighters, ballpens. Ansarap bumili ng school supplies pag may pera talaga. Tapos ansarap pa tumambay kasi andami mong makikita, lalo kang matetemp bumili. Hah~

Pumunta na ako sa may tabi ng cashier pagkatapos ko kumuha ng school supplies. Lumipas ang ilang minuto, dumating sya. O m y g a s h, andami nyang dala?! Tumakbo ako para alalayan sya kasi tatlo tatlo yung basket nya, punong-puno pa.

"Minju-ah, andami naman nito?!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

h a p p i e r → a̳n̳n̳y̳e̳o̳n̳g̳z̳ f̳f̳Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon