Chapter 1

2.3K 91 6
                                    

"Crushmate!"

Kahit nakayuko at nagbabasa ng teaser ng pocketbook ay napangiti si Jeraldine nang marinig ang salitang iyon. Akala pa naman niya ay solo niya ang tawag na iyon, pero meron din palang iba na ganoon ang tawagan.

Noong high school ay may classmate siya, si Owen Ocampo, na ganoon ang tawag sa kanya. Kilala ng buong pamilya niya si Owen dahil madalas itong nasama sa lakad ng barkadahan nina Jeraldine. At dahil madalas na sa bahay nila ang antayan ay naging malapit ito sa mga kapatid at sa ina niya.

Pero ilang taon na niyang hindi nakikita ang kaklase dahil hindi rin ito nakakadalo sa annual get-together ng batch nila. At ang marinig ang salitang iyon ay nakapag-paalala sa kanya sa lalaki, sa mga kalokohan at mga masasayang sandali ng kanyang kabataan.

"Crushmate!"

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Jeraldine. Napakunot-noo na siya. Bakit parang pamilyar ang boses? Si Owen ba iyon? Imposible naman yata dahil sa Maynila ang trabaho nito. Weekdays pa. Nakapamasyal lang siya ngayon dahil semestral break.

"Sabi ko na nga ba, ikaw 'yung nakita kong pumasok dito."

Umawang ang labi ni Jeraldine nang mapagsino ang lalaking tumabi sa kanya. Di yata't si Owen nga ang nagsasalita! At siya nga pala talaga ang crushmate na tinatawag.

Owen's presence made her speechless. Noon pa man ay matangkad na ito, at dahil mahilig sa sports ay may porma na ang katawan. Nagbabasketball at volleyball ito, pero ang talagang pinagtuunan nito ng pansin noon ay sepak takraw. May kahabaan pa rin ang bagsak na buhok. Natatandaan niya noon na umiikli lang ang buhok ni Owen kapag nauukatan. Parang walang nagbago sa mukha ng lalaki, ganoon pa rin ang mga matang may malalantik na pilik, matangos na ilong at mga labing laging nakangiti.

"Kuya Owen?" ani Chen na naibalik kaagad sa shelf ang hawak na aklat at tinitigan ang lalaking lumapit sa kanila. "Kuya! Ikaw nga! Kumusta?!" ani Chen na mas una pang nakabawi kaysa sa kanya.

"Ikaw si...?" nakangiti ang lalaki pero bahagyang nakakunot ang noo habang nakatingin sa kapatid niya.

"Ako si Chen, Kuya!"

Lumarawan ang pinagsamang tuwa at gulat sa mukha ni Owen, "Bunso? Ikaw na ang makulit na batang laging nasama sa mga lakad namin? Akalain mo! Dalaga ka na!" anito na sinabayan ng pagtawa. "Ibig sabihin, ang tanda ko na talaga!" Napailing ito pero nakangiti naman. At lalong lumapad ang pagkakangiti nito nang magtagpo ang kanilang mga mata.

"Oo, parehas kayo ni Ate na couple of years na lang, wala na sa kalendaryo," ani Chen na ikinatawang lalo ni Owen, pero ikinaumid lalo ni Jeraldine. Hindi pa rin siya makapaniwalang kaharap ngayon ang lalaki at hindi niya maunawaan kung bakit kailangan niyang kabahan dahil doon.

Dahil ba alam niyang may crush sa kanya ang lalaki noon?

Sinaway niya ang isip. High school pa sila noon. Tiyak na wala nang crush ang lalaki sa kanya ngayon.

"Kumusta, crushmate?"

Jeraldine cleared her throat, "Okay naman. Ikaw, kumusta?" nakaramdam na nang kapanatagan si Jeraldine nang magtama ang mga mata nila ng lalaki. His smile, his eyes, they make her feel at ease. Nasa puso niya ang pakiramdam na parang walang maraming taon ang namagitan nang huli silang nagkita. Ramdam pa rin niya na hindi nagbago ang samahan nila ni Owen. Walang ilang. Kampante pa rin siya sa presensya nito.

At alam niyang base sa bukas ng mukha ni Owen, at sa pagkakangiti nito sa kanya ay ganoon din ang nararamdaman ng lalaki.

"Okay naman. Anong ginagawa n'yo rito, crushmate?"

Wala pa rin talagang nabago. Sa tuwing tatawagin siya nito sa espesyal na paraan na ito lang ng tumatawag sa kanya ay naroon pa rin ang masarap na pakiramdam at kiliti sa kanyang puso.

Crushmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon