Chapter 5

1.1K 71 2
                                    

"Ang tagal ko nang hindi nagawi sa bayan natin. Ang dami nang nabago. Marami akong activities na namiss gawin. Isa na roon ang magsimbang kasama ka. At kaysa magtinda ka, mas magandang ipasyal mo na lang ako," ngumiti pa ito sa kanya pagkasabi noon.

"Kasalanan mo 'yon, hindi ka nauwi," pasimple siyang luminga sa labas, kinagat niya ang labi. Gosh, Owen's naughty smile makes her breathless. Gusto niyang ibaba ang bintana ng sasakyan at sumagap ng hangin. Ang aircon na lang ang binalingan niya, itinapat niya ang buga noon sa kanya.

"Sabi nga ni Lele, busy lang ako pagpapayaman," ani Owen na sinabayan ng pagtawa.

Napailing na lang si Jeraldine. Wala talaga itong ipinagbago, idinadaan sa biro ang lahat. "Mayaman naman na kayo, ah."

"Nah. Parents ko ang nagpundar noon. Sila ang mayaman."

"Sa inyong magkakapatid din naman mapupunta iyon pagdating ng panahon."

"Gusto kong magpundar ng akin. Yung kapag naisipan ko nang lumagay sa tahimik, hindi ko iaasa sa iba ang responsibilidad ko sa pamilya. Yung maipagmamalaki ako ng mapapangasawa ko at hindi ako ikakahiya ng mga magiging anak namin," ani Owen, lumingon ito sa kanya at ngumiti. Pero kung kanina ay magbibiro ito, bakas sa mga mata ng binata ngayon na seryoso ito sa sinabi.

Hindi nakaimik si Jeraldine, napatitig lang siya sa binata. Pero lalo lang lumakas ang tibok ng puso niya.

Muling ngumiti si Owen at nakulong sa lalamunan ni Jeraldine ang kanyang hininga, "Ano, crushmate? Samahan mo na muna ako. At ipapaalala ko lang sa iyo, may utang ka pang movie date sa akin."

Jeraldine exhaled in between her lips. Wala pa yatang sampong minutong kasama niya ang lalaki, pero naglabo-labo na ang emosyon niya. "Wala naman tayong mapapasyalan dito sa bayan natin, at sa Sta. Cruz pa ang sinehan."

Ngumiti si Owen, "Akong bahala."

"Okay," sa halip na tumanggi ay natagpuan niya ang sariling sumang-ayon sa lalaki. Imbes na kumanan papunta sa palengke ay kumaliwa si Owen at ipinasok ang kotse sa gate ng simbahang bayan.

"Magsimba muna tayo saka tayo mamamasyal. May extra mass card ka bang dala d'yan? Naiwan ko 'yong sa akin, wala akong mapapagpapirmahan," bumalik ang mapagbirong kislap sa mga mata nito.

Napatawa si Jeraldine. Tiningnan ng relo sa braso, ten minutes before eight, hindi pa nag-uumpisa ang misa.

Madalas silang magsisimba ng nanay niya sa hapon, alas-sais ng gabi. Pero wala namang masama kung ngayon siya magsimba, tutal, narito na rin lang siya.

"Wala. Bumili ka na lang," itinuro niya ang tindahan makalabas sa gate ng simbahan. Noong high school ay doon sila madalas bumili kapag naiiwan ang mass card.

Tumawa si Owen, "Akina na iyang laptop mo, doon na natin ilagay sa trunk."

Matapos iabot ang gamit sa lalaki ay sabay na silang bumaba sa kotse. Tahimik din silang pumasok sa simbahan. Marami ng tao, pero mayroon pa rin namang mga bakanteng bangko.

Tahimik silang naupo ni Owen. Hindi naman ito ang unang pagkakataong nagkatabi sila nito sa simbahan, pero hindi maiwasan ni Jeraldine ang maconcious. Hindi pa nakatulong ang mga nag-oobserbang mga mata na ramdam niyang nakatingin sa kanila ni Owen. May ilang siyang estudyante na nadaanan nila kanina na bumati pa sa kanya. May namataan din siyang kasamahang guro.

"Sana pala isinama natin sina Lele, Sherin, Mhidz at Shan," ani Jeraldine. Madalas na kasama nila ang mga kabarkada noon kapag nagsisimba.

"Sige, sa susunod isama natin sila. Pero sa ngayon, pagtiyagaan mo muna akong ka-date."

"Owen, nasa simbahan ka, puro ka kalokohan. Tigilan mo na 'yang kabibiro mo," inirapan niya ito para pagtakpan ang biglang pagmumula. Hindi na nga siya mapakali, sasabihin pa nitong nagdadate sila ngayon? Date sa loob ng simbahan? Ano sila, teenager na nagliligawan?

Napailing si Jeraldine.

Nginitian siya ni Owen, at hindi inasahan ni Jeraldine ang paglapit nitong lalo sa kanya at ang pabulong na pagsagot nito sa sinabi niya, "Alin ng biro? 'Yung date ito? Ano ba ang definition mo ng date, crushmate? Sa akin kasi, hindi lang iyon candle lit dinner o panunuod ng sine pagkatapos kumain. Ang date sa akin ay paggawa ng mga activities na parehas gusto nang dalawang tao. At pinakaperfect start ng date ang magsimba. Katulad ngayon. Di ba pumayag ka naman na sumama sa akin? Kaya date ito, crushmate. Start na ng date nating dalawa."

Umawang ang labi ni Jeraldine. Lalo niyang naramdaman ang pag-init ng magkabilang pisngi niya. Gusto niyang iiwas ang mukha sa lalaki, pero sa wari'y namagneto siya nito. Isa pa, gusto niyang basahin sa mga mata ni Owen kung seryoso ba ito.

Kahit naman noon ay madalas nang magbiro ni Owen na "date" ang ginagawa nila. Pero laging "group date" iyon. Hindi pa sila lumabas na silang dalawa lang. Laging kasama ang barkada. At dahil lagi silang may kasama, hindi nagkaroon ng pagkakataon na silang dalawa lang ang nagsimba at namasyal. Maging si Owen din ay hindi siya niyaya na siya lang. Sa tuwina ay lagi din nitong sinasabi na magsama siya. Mas marami raw sila, mas masaya.

"At kaya nga sinabi ko ang totoo," umangat ang sulok ng labi nito, "kasi nasa simbahan tayo. Bawal magbiro."

Napakurap si Jeraldine pero hindi pa rin niya nagawang sumagot. Noon pa man ay alam niyang unpredictable si Owen. Marami itong spur of the moment decision, na kung hindi niya ikinaiinis ay ikanatatawa niya. Ayaw niyang aminin, pero deep inside, iyon talaga ang hinahanap niya sa mga lalaking nakikilala, yung hindi niya mabasa kung ano ba ang naglalaro sa isip. Iyong kahit close na siya at palagay ang loob, kahit inaakala niyang ganito ang iniisip, iba pa rin ang ginagawa sa huli. Owen is like than. She knows him well, but he still makes her wonder on his next course of action.

"Tito Owen!" anang isang batang babaeng lumapit sa kanila. Biglang napakawalan ni Jeraldine ang hiningang hindi niya alam na nakulong sa kanyang lalamunan. Nagbawi siya ng paningin at bumaling sa unahan ng simbahan. She bit the inside of her lip.

She is not ready for this. Hindi siya handa sa mga emosyong ibinibigay ng presensya nito. Ang totoo, crush din naman niya si Owen noong high school sila. Pero maaari bang crush pa rin ang nararamdaman niya ngayon? Heck, she is twenty-nine, turning thirty in a few months time. Sabi nga ni Chen, konti na lang, pwede na siyang tawaging matandang dalaga. Hindi na bagay ang crush sa edad niya.

Sa naisip ay lalo lumakas ang tibok ng puso niya. At kung kanina ay excited siya, ngayon ang kaba niya ay may kasamang takot na.

Ipinagpasalamat ni Jeraldine na hindi na umalis ang bata sa tabi nila. Sa gitna pa nila ni Owen naupo si Kaye, panganay na anak ni Rosette. Matapos magkomunyon ay lumuhod siya at nanalangin.

I am sorry Lord, alam kong dapat ay nasa misa ang buong atensyon ko. I am distracted. Magsisimba na lang po ulit ako mamaya. Nahihiya ako sa Iyo. Hindi ko na po sasabihin kung bakit, tutal, alam Mo naman po kung sino ang dahilan ng distraction ko. Which brings me to my prayer. Can You please help me guard my heart? I am not sure if this is the right time, or if he is the man You made just for me. Kaya sana po, habang inaalam ko pa, pwede po bang tulungan Mo akong bantayan ang aking puso?

Ayoko pong masaktan. Ayoko na pong umasa. Ayaw ko pong maranasan ng mga magiging anak ko ang dinanas namin kay Tatay. Natatakot po akong baka maulit ko lang ang nangyari sa buhay ni Nanay. You gave me wisdom, in time, I can figure it out. But for now, please, help me guard my heart. Amen.

Crushmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon