Chapter 3

8 1 0
                                    

"Mwahahahahaha... Bwahahahaha.. Wahahahaha!" Puta! Malunok niyo sanang mag-iina mga dila ninyong mahahaba na 'sing-haba ng dila ng tiktik. Imbyerna!

"Donya Pilar tama na ho. Maawa na kayo sa amin ng kapatid ko.. Hindi na ho mauulit. Pangako!" Huhuhu. Sira ulo talaga 'tong matandang 'to. Ipabitin daw ba kami ng nakatiwarik sa puno ng narra?! Bopols. Eh kung siya kaya, IBIGTI ko dito? Ng guminhawa na buhay ko't mawalan na ng kontrabida 'tong storya ko?! Aish.

"Magtigil ka Popay! Talagang hindi na mauulit yan at dun na kayo matutulog sa kwadra kasama mga kalahi niyo. Bwahahahaha." Aba! Abnormal na matandang 'to ipapamukha pa talaga samin yung TOTOONG kalahi NIYA.

DAPAK! Eh siya nga itong mukhang kabayo. Take note, DYOSA ng mga KABAYO! Pisti! Isama niya pa yung mga anak niyang pinaglihi sa pwet niya!

"D-Donya Pilar.. Huhuhu! Maawa na ho kayo samin ni Popoy. Kahit po hindi niyo na kami pakainin wag lang po ninyo kami patirahin sa kwadra kasama ng mga lahi-- este kabayo niyo.. Huhuhu!" Drama mode muna ng umepektib! Mwahaha. Muntik na ko dun. Mabuti na lang at naimbento ang word na "este". :3

"Huh! At sinong nagsabing kakain kayo?! Diba mother?!" Hihirit ka pang letchugas na Cydney ka ha! Pagbuhulin ko kayo niyang nanay mo eh!

"Tama! Walang kakain. Dun kayo matulog! At kapag naman nalaman ko na tumakas kayo tuluyan ko na kayong ipapalapa kay Wild!" sabat naman ni Cynthia the flirty bitchy!

Hala! Sige. Magsamasama kayong magiina, total mga mukha naman kayong pwet! Pwet ng kabayo! Litsi!

"Tonyo! Oh TOOOOOONYOOOOOOOOO..!" Shit! Ampanget! Dragon na mukhang kabayo? Pwede pala yun?!

"D-Donya P-Pilar bakit ho?" Flash lang ang peggy ni Manong Tonyo oh. Bilis makapunta dito eh.

"Kalagan mo itong mga kalahi mong hampas lupa! At ikulong mo sa kwadra kasama sina Horsey. Intiendes?!" maka-hampas lupa 'to ah? Hampasin ko kaya 'to ng kawayan at ng matuluyan na! Kainis!

"O-opo Donya Pilar." sagot ni Manong Tonyo.

Kinalagan na nga niya kami. Medyo nanghihina pa 'ko dahil nga bago kami ipabitin ng mag-iinang mukhang pwet eh jinombag-jombag muna ang beauty ko.. Naawa nga ko sa kapatid ko eh, dapat di na siya nadadamay pa dito.

--

Sa Kwadra ng Lahi Ni Pilar (chos)

"Ate.. Nagugutom na ko.." Walang ganang sabi ni Popoy.

"Gago.. sino ba sa tingin mong hindi gutom ngayon? matapos ng paghihirap natin sa mga mag-iinang bruha na yun.."

Hindi na lang sumagot si Popoy at nakatulog na sa sobrang pagod.

Inilibot ko na lamang tingin ko sa kwadra, nagbabaka sakaling may pagkain dito.

Aish! Bigu na naman.

Bakit kasi ganun ang buhay? Noon naman masaya pa kami ng buhay pa ang inay at itay. Bwisit kase! Ang aga nila mang-iwan. Nakakalungkot lang. :'(

Naiiyak na naman ako.. Pisti! Makatulog na nga..

"Psst!" Huh? Si Popoy ba yun?

Sinilip ko si Popoy pero mahimbing ang tulog..

"ano ba yan nag-iimagine na naman ak--"

"Psst!"

"AyKikiNiDonyaPilar!" O.O Uwaaaaaaaah! May mumu ata dito.. Inaaaaay.. Itaaaaaay.. Joke lang ho yung kanina. Ayoko pang sumunod. Waaaah!

"Hihihi." Omo! sino yung bumubungis-ngis na yun? Naaaaa~ Nay, Tay! naman eh.. Wag niyo na ko takutin..

"H-hoy! K-kung sino k-ka man t-tigilan m-mo ko! Hindi a-ako t-takot sayo!" Buong lakas kong sambit kahit di ko nakikita yung kung sino mang demonyong nananakot sakin.

"Talaga?" Sabi nung.. T-teka

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

(O.O)

Y-yung BILOG NA BAGAY?!

"OMO!"

OMO! Who's My Real HLF? [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon