Age Gap

17 0 0
                                    

It's weird to fall for someone who doesn't know you, but it's weirder to  fall for someone who's way older than you..

"Hoy pumasok na tayo! Nanjan na si ma'am oh!" Tawag ng barkada nya sakanya.

"OO susunod na!" Asik nya. Tss. Istorbo sabi nya ng pabulong.

Nang muli nyang tignan ang babaeng kanina nya pa pinagmamasdan sa malayo ay naglalakad na palapit sa kinaroroonan nya.

"Ayan ka nanaman." Bulong nya sa sarili nya. "Kalma ka lang." Habang kinukumbinsi ang kanyang puso na kumalma.

Diretso ang tingin ng babae at at tila bahagyang napatalon sa kinaroroonan nang tumingin ito sakanya na walang ekspresyon ang mukha.

"Hay, ang ganda nya. Ang cool pa tignan. Ano kayang pangalan nya?" Bulong nyang muli sakanyang sarili habang minamasdan ang babae na naglalakad hanggang sa mawala na ito sa paningin nya atsaka na rin sya pumasok sa silid-aralan nila.

"Late ka nanaman. Kung bakit kasi tsaka ka lang papasok kung kelan nagumpisa na ang klase?" Tanong ng teacher nya sakanya. Tinignan nya lang ang teacher nya atsaka dumiretso sa upuan nya.

KRINGGGG~

Lumabas na ang mga FS student sa kanilang room of observation dahil tanghali na din at kailangan na nilang bumalik sa kanilang university.

“Uy! Alam mo ba may gwapong high school dito! Emege crush ko na sya.” Sabay na saad ni Jolina at Giana kay Jessa habang naglalakad sila. Puno na ng mga estudyante sa hall way dahil nga lunch break na din.

“Ngeek? Uy child abuse ‘tong mga ‘to!” Sagot ni Jessa na natatawa.

“Ayan sya oh!” ! Turo nya sa lalaking matangkad, maputi at may bag na panda. Imbes na sa mukha ng lalaki lumanding ang mata ni Jessa, napunta ang atensyon niya sa bag ng high school na iyon dahil nga may obsession sya sa mga gamit na panda.

“Hindi yung bag girl, yung mukha ang tignan.” Sarkastikong sabi ni Giana.

Unti-unting naglandas ang mata ni Jessa sa mukha ng lalaki at muling ibinalik ang atensyon nito sa kanyang bag. Napa-facepalm nalang ang kanyang mga kaibigan.

Pagkatapos nyang natitigan ng matagal ang bag, naramdaman ni Jessa na tila may tumitingin sakanya. True enough, nakita nya yung lalaking nakatingin sakanya habang naglalakad sya sa hallway papuntang room na pag-oobserbahan nya kaninang umaga.

 Ngayon nya lang napansin na gwapo at matangkad pala ito. Hindi maputi at hindi rin maitim. Sakto lang. Hindi mo aakalaing high school ito kung hindi lang sya payatot. Naka-suot sya ng v-neck white shirt at pomelo pink na skinny jeans, vans at may kapartner na pink na jansport backpack. Hindi nagbitaw ng tingin ang lalaki sakanya kahit na nakatingin na din siya dito kaya nama’y si Jessa na ang kusang nagbitaw ng tingin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BERRYdeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon