MASAKLAP NA PANGARAP <//3

82 2 3
                                    

"CRUSH"

Sabi sa wikipedia: "An informal term for feelings of love, romance, or infatuation felt by young people during their childhood and even adolescence."

Sabi sa dictionary: "You are inlove with them but do not have relationship with them"

Sabi ng mga tao: "Crush is paghanga."

Ano pa bang ibang definition ng crush? May alam pa ba kayo?

Lantaran ba kayo kung magka-crush? Yung tipong mangingisay kayo sa kilig pag dadaan na sya.  O kaya naman, lalakasan nyo yung boses nyo habang nakikipag-usap at nakikipagtawanan sa kaibigan nyo sabay tingin sa crush nyo? O yung dadaan kayo ng ilang ulit sa harap nya sabay tatawa ng malakas? Syempre anjan din yung habang nasa klase ka, kunwari mag-ccr ka para lang makita mo kung nasaan sya. Yung, mag-sstalk ka pati sa FB nya. 

Tapos pag nakatabi mo sya ng hindi sadya, aariba na sa kakaasar yung mga kaibigan mo. Yung tipong imbis na sikreto nyo yun, malalaman na ng buong mundo dahil lang sa simpleng pagdaan o hindi sadyang pagtatabi nyo? Yung tipong gusto mo nalang lamunin ng lupa KASI nga, inaasar ka nila. 

Ako? Ewan ko. Hindi ako lantarang magka-crush. Basta ang alam ko, pag nakikita ko sya, ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Yung tipong, natataranta ako. Yung bigla bigla nalang mananahimik. Medyo papawisan ka dahil sa kaba. Lalamig yung mga kamay mo at medyo manginginig pa. Ako lang ba nakakaramdam non? Kayo din ba nararamdaman nyo yun?

"UY PRINSESA! TULALA KA NANAMAN! NANLALAMIG KA PA OH, MAY MASAKIT BA SAYO?" nagising ako sa sigaw sakin ng classmate slash Barkada kong si Kileng.

"ARAY! Makasigaw ka naman! ampupu." Sigaw ko din sakanya.

"Sino ba kasing tinitignan mo jan? Kanina ka pa tulaley!" Sabi nya sakin habang tinitignan ang direksyon na kanina'y tinitignan ko."

"Wala! Lika na nga! Anjan na yung instructor nat--" Hindi pa natatapos yung sasabihin ko ay bigla na syang nangisay sa kilig. 

"AAH! Prinsesaaaa! Tignan mo oh! Si Lawrenceeee! Ang gwapo gwapo nya talaga! Haaaay, kahit maging kaibigan lang natin sya masaya na ako! Ay, hindi. Kahit mabangga ko lang sya okey na eh! <3" Sabi nya sakin habang tumatalon at niyuyugyog ako.

"OO NA! Ayan, kitang kita ko naman sya Kileng, di mo na kelangang ipagsigawan. Bulag ba ako? Bulag?! Lika na nga sa loob! Andun na kaya si Ma'am."

"Dapat pag nakasalubong natin sya prinsesa isa satin yung kunwaring masusubsob sa kanya para tumatak tayo sa isip nya!" Sabi nya sakin na kilig na kilig.

"Oo. Sige. Ihahambalos kita sakanya para talagang damang dama nya. Para sobrang linaw na tatatak sa isip nya."

"Grabe ka naman Prinsesa! Buzz Killer ka talaga! Hanggang pantasya na nga lang ako eh." Sabi nya habang nakasimangot.

BERRYdeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon