Ever since my dad left us, I started hating Disney movies. You know why? Kase hindi naman talaga totoo ang mga happy ending. Kung totoo yun edi sana kasama pa namin si dad. Edi sana hindi nalulong sa sugal si mom. Edi sana hindi ako nabubully ng ganto at edi sana maayos pa kami ng kapatid ko. Sana nahandle ko pa ang sarili ko hanggang sa nasabi ko sa kanila lahat ng nangayare sa akin dati. Dahil sa nangyareng yun, naging miserable ang buhay ko. Na mas naging miserable pa noong iwan kami ni Dad. Ilang beses ko ng pinagtangkaang patayin ang sarili ko dahil sa sobrang pagod. Sobrang pagod sa buhay. Ni halos wala ngang nagmamahal sa akin eh. Walang kwenta akong tao. Wala na akong nagawang tama. At tulad ng ilang beses kong pagtangka sa buhay ko, ganun din karaming beses na nabigo akong gawin yun. Palagi na lang nauudlot. Pero sa mga oras na ito, sisiguraduhin ko ng hindi na ito mauudlot. Di na ako magpapapigil.
Nasa rooftop ako ng company building namin. Yung company building na ipapamana dapat sakin ni dad. Dahil sa kalandian niya, di yun natuloy. Mahal na mahal ko si dad eh. Mahal na mahal ko ang pamilya namin. Maayos naman ako dati. Naging gago lang ako simula nung iniwan niya kami.
Pagkatapos ko titigan ang lahat ng nasa paligid ko, tumayo na ako sa edge ng rooftop. Pumikit ako at ramdam na ramdam ko ang malakas na paghampas ng hangin sa buong katawan ko. Unti unti kong hinahayaan ang katawan ko na mahulog...
"Tanggap ko na hanggang dito na lang ako.. katapusan ko na...."
________________________________________
Plagiarism is a crime.
Ang storyang ito ay nilikha lamang ng awtor base sa kanyang imahinasyon.
Happy reading mga MelFins💕
-Mon❤💙
BINABASA MO ANG
Melancholic Finale (On Going)
Teen FictionDi naman porket masaya kayo sa umpisa eh masaya na kayo hanggang dulo. Hindi naman sa bitter ako, I'm just stating the fact. Not all love story have this so called "Happily Ever After". Sometimes, you really need to be alone to understand things eve...