Siblings
"Ate ansakit sakit. Sobrang sakit." Paulit ulit niyang sabi habang nakayakap siya sa akin. Awang awa na ako sa kapatid ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Masiyahin kase siyang tao kapag titignan mo. Pero hindi ko alam na may ganito pala siyang side. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin sinasabi sa akin kung ano ang dahilan kung bakit siya ganito pero hinayaan ko na lang muna siya umiyak ng umiyak. Kailangan niyang ibuhos muna lahat lahat ng gusto niyang iiyak bago ko siya tatanungin.
"Ethan? Kuha lang muna ako sa ibaba ng tubig hah." Sabi ko sa kanya habang hinahaplos haplos ang likod niya.
"Iiwan mo rin ako? Iniwan na nga ako ni Isabelle tapos iiwan mo rin ako?! Ganyan naman kayo eh!" Sigaw niya sa harap ng mukha ko matapos niyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin.
"Bakit mo ba ako sinisigawan hah! Parang tanga toh! Kukuha lang naman ako ng tubig para sa iyo kase maraming tubig ang nabawas jan sa katawan mo dahil sa kakaiyak!"
"Ah sorry ate. I-I'm s-sorry. Hindi ko nama--"
"Ok lang. Sige maiwan muna kita dito. Kukuha lang muna ako ng tubig. Kumalma ka muna jan." Iniwan ko muna siya doon sa room at kumuha ng tubig sa baba. Parang tanga naman kase. Ang oa oa hahaha. Iba talaga kapag lalaki nabrobroken eh. Magugulat ka na lang na pwede pala silang maging ganun na tao. Mahina tapos sobrang wasted. I didn't expect that I will see him like that. Masayahin siyang kapatid. Siya yung tipo ng tao na gigising ka pa lang eh sira na agad araw mo hahhaha. Ikaw ba naman kasing buhusan ng tubig para lang magising. Hello? Uso namang mangyugyog lang ah! Ni hindi ko nga alam kung pano niya nabubuksan pinto ng kwarto ko. Magnanakaw ata toh eh. Marunong maglock picking.
Kumuha lang ako ng tubig sa ref at San Mig na rin. Kinuha ko na rin yung bag ng chips para naman may makain ako habang nakikinig sa kwento niya. Baka magutom ako noh dzuhhh.
"Oh!" Hinagis ko sa kanya yung bottled water.
"Aray ko naman ate! Muntik na yung gwapo kong mukha ah! Ang epal mo noh?!" Ugh!??? TF?!
"Nasaktan ka na nga lahat lahat mukha mo pa rin inaalala mo. Ang pangit mo kase kaya ka iniwan HAHHAHAHAHAH!" Tawa lang ako ng tawa ng marealize kong tumahimik siya bigla. Awit, heto na po tayo.
"Oh so ano nga nangyare sa inyo ni Isabelle? Makikinig ako." Tumabi ako sa kanya sa paanan ng kama ko at binuksan ang San Mig ko at lumagok. Narinig ko siyang humikbi. Ramdam na ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya. Kada hikbi niya eh parang tinutusok ng punyal ang puso niya.
"Someone send me a picture of her --- kissing someone. Nasa bar sila at nakakandong pa siya dun sa gagong yun! I trusted her! I trusted both of them! Ate... Isabelle cheated on me with my bestfriend... My ... childhood bestfriend ate, si Paolo. Bakit ganun? Why is the world so unfair? Anong nagawa kong pagkukulang? Ginawa ko naman ang lahat para sa kanya ah, para sa kanila. I even treated Paolo as my own brother. Masyado ba akong mabait? Walang thrill? Ate sinunod ko lang naman ang bilin niyo nila Mom and Dad na I should respect her. Ni hindi ko pa nga yun nakikiss sa lips eh tapos malalaman kong nakikipaglaplapan na pala siya sa iba! Nakakagago, nakakatanga..." Nakasabunot lang siya sa buhok niya habang nakapatong yung siko niya sa tuhod niya habang umiiyak.
"The world is indeed unfair. May mga bagay talagang ipagkakait sa iyo kung kailan sobrang saya mo na. Maybe Isabelle was not the one for you. Mas pinili niya ang tawag ng laman at kakatihan niya over you. Ganun din kay Pao. Mas pinili niyang harutin jowa mo kaysa sa pagkakaibigan niyo. Both of them doesn't deserve your loyalty. You must let them go and do what they want." Pagpapangaral ko sa kanya. Totoo naman diba? Kapag toxic na at hindi na healthy eh kailangan mo ng i-let go kasi wala namang magandang maitutulong sa iyo yon. Masasaktan ka lang.
BINABASA MO ANG
Melancholic Finale (On Going)
Teen FictionDi naman porket masaya kayo sa umpisa eh masaya na kayo hanggang dulo. Hindi naman sa bitter ako, I'm just stating the fact. Not all love story have this so called "Happily Ever After". Sometimes, you really need to be alone to understand things eve...