Not Again
"Is this love ~~
Is this love ~~
Is this love ~~
Is this love that I'm feeling ~~"Kanta naming apat sa loob ng van. And yah nasa dugo na naming pamilya ang pagkahilig sa music. Dati eh may banda sila mom and dad which is naging way para magkakilala silang dalawa. And since magaling silang kumanta, napamana iyon sa amin. Habang lumalaki kami ng kapatid ko, tinuturuan kami ng parents namin kung paano ienhance yung talent na mayroon kami. Last year ay sumali kaming battle of the bands and luckily ay kami yung nagchampion. Ang saya lang kasi may iisa kayong libangan ng family mo. Yung kapag kumanta na yung isa eh sasabayan na nung iba. Walang basag trip kumbaga.
This year eh sumusubok naman ako ng ibang talent like dancing. I know that I'm not that good at dancing but I really want to learn. Gagawin ko na din itong exercise ko ganun kase di naman ako pwedeng sumali sa vigorous sports kase may sakit ako. Matagal na din akong pabalik balik sa ospital pero until now, ayaw pa din sabihin nila mama kung anong sakit ko. Kahit na ayaw nilang sabihin sa akin kung anong kalagayan ko, di pa rin ako nagtanim ng galit sa kanila kase alam ko naman na they know what's the best for me.
"Nagugutom ba kayo?" Tanong bigla ni dad kaya tinigil ko na pagiisip ko.
"Me dad I'm hungry. I'm craving for fries and chocolates and ice cream and apple juice an---"
"Like seriously Ate? Ganyan ka magutom? May lahi ka bang baboy? Dami dami mong gustong kainin parang di kumain ng ilang taon tsk."
"Ano bang paki mo ah? Edi kumain ka din ng kung ano ano hindi yung papakialaman mo pa kung anong gusto kong kainin!" Sabay irap sa kanya. Kahit kelan talaga kontrabida sa buhay ko. Tulak ko kaya siya palabas ng van? Ohhhh good idea. Buwhahaah.
"Hey! Nagtatalo na naman kayo jan. Nagtatanong lang ang dad niyo eh." Pagsusuway ni mom. Siya kaya nauna duhh.
"Okay since mukha na nga kayong gutom kase nagtatalo na kayo, kakain muna tayo." Sabi ni dad. Yieeeee. Kakain kamii wuhooo gutom na din talaga ako eh hehe.
Huminto muna kami sa isang kainan sa gilid ng highway. Alangan namang sa gitna di ba? Haha. Since puno yung kainan eh nagtake out na lang kami. Baka din kase gabihin kami sa daan kung magtatagal pa kami dito.
Yieeee yum yum!!! Wahahah! Nilantakan ko lahat ng pagkain na inorder para sa akin. Pagkatapos ko maubos lahat ay nanahimik na ako at nilingon ko si Ethan. Gustong gusto ko siyang tanungin kung ano ba talagang problema niya. Ang tamlay niya ngayon. Dati kase kapag may lakad kami at nasa biyahe eh nagcocompose kami ng kanta. Ako sa paggawa ng lyrics at siya naman sa tono at chord. Ganun ang libangan namin para di kami maburyo sa buong biyahe. Hayyy. Mamaya ko na lang siguro siya tatanungin.
Bigla na lang akong dinalaw ng antok habang nagsa sight seeing. Nagising lang ako noong naramdaman kong lumalamig na. Tinanaw ko ang paligid at mukhang nasa paanan na kami ng bundok. Kinuha ko agad ang jacket ko at isinuot iyon.
"30 mins na lang at makakarating na tayo sa bahay ng lola niyo. May gusto pa ba muna kayong daanan bago pumunta doon?" Mom said. Hmmm.
"Hala mom haha we are not familiar with this place haha so we don't know where to go."
"Oh haha I forgot! Haha sorry baby. Maybe it's better to go home first so we can have some rest."
"Much better Honey." Dad replied. I really admire my parents so much. Kahit kailan hindi nawala ang sweetness nila sa isa't isa. Mukha pa rin silang teenager. I wish na hindi mawala ang ganyang treatment nila sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Melancholic Finale (On Going)
Teen FictionDi naman porket masaya kayo sa umpisa eh masaya na kayo hanggang dulo. Hindi naman sa bitter ako, I'm just stating the fact. Not all love story have this so called "Happily Ever After". Sometimes, you really need to be alone to understand things eve...