Chapter 3

16 2 2
                                    

Brothers

Kanina pa akong nakaupo dito sa sulok ng kama ko. Hindi na muli akong nakatulog matapos ng mga nangyare kanina. Malapit na rin magumaga. Hindi pwede ito. Maganda ako eh. Hindi pwedeng masira maganda kong mukha kakaiyak sa nakaraan na dapat ay binabaon na sa limot.

Tumayo ako at dumeretso sa banyo. Naligo na agad ako para marefresh naman kahit na papaano. Pagkatapos ko ay naghanap na agad ako ng damit na pang jogging. Nagshorts, t shirt at hoodie jacket na lang ako. Nagsuot na din ako ng rubber shoes. Tinignan ko ang sarili ko sa harap ng salamin.

"Kaya mo yan Ezra! Fighting lang!" Kinuha ko na ang phone ko at nagearphones. Dahan dahan akong lumabas sa bahay dahil mukhang tulog pa silang lahat. Pagkasara ko nung gate ay doon ko napansin na malaki pala talaga ang bahay nila Grandma. Mukha na itong matagal na nakatayo pero hindi mo mahahalatang napakaluma na nito. Napansin ko rin na nasa isang subdivision kami.

Nagsimula na akong magjogging. Ganito lang ginagawa ko araw araw lalo na kapag walang pasok at maaga akong nagising. Ang sabi kase ni Mom ay makakatulong daw ito sa health kaya ginawa ko ng hobby. Medyo mahangin sa labas kase nga pasikat pa lang ang araw. Tumigil muna ako saglit sa isang puno na nasa gilid ng kalsada. Kaharap nito ang buong siyudad. Kitang kita mula dito sa itaas ang naglalakihang mga building at mga sasakyan na nagsisiandaran. Medyo napapikit lang ako ng tamaan ng sinag ng araw ang mga mata ko. Papasikat na ito at bibigyang liwanag ang paligid. Umupo muna ako at sumandal sa puno. I need to forget everything again. New day to start again. Sayang nga lang at wala ako sa lugar kung saan ko nagawang magsimula ulit. Pero baka pwede namang dito rin ako magsimula. Marami naman sigurong pwedeng gawin dito sa Baguio. Nakakarelax ang katahimi--

"BLAG!"

OKAYYYYYY!! Binabawi ko naaaa. Hindi pala talaga ganun katahimik dito. At sino naman kaya ang nag iingay ng ganito kaaga. Nakakainis haa. Ganda ganda ng pageemote ko dito eh. Tumayo ako at pinagpapagan ang sarili ko para tignan kung saan nanggaling ang ingay na iyon.

Sa hindi kalayuan ay may nakita akong lalaki na parang kasing edad ko lang na nagiskateboard. Agad akong pumunta sa puno na malapit sa kinaroroonan niya at nagtago doon. Sinilip ko kung paano siya magskateboard. Kung ano anong tricks ginagawa niya na kung minsan ay nagagawa niya nang maayos at kung minsan ay sumisemplang siya. Matagal ko ng gustong matutong magskateboard kaso bawal. Pinagbabawalan ako ni Dad kase baka daw mabalian ako. Patuloy ko lang siyang pinanuod sa ginagawa niya. Sa sobrang pagkaenjoy ko sa panunuod ko sa ginagawa niya ay hindi ko namalayan na wala na pala ako sa pinagtataguan ko. Nagtaka ako kung bakit siya nakatitig sa direksyon ko. Halaa! Alam niya bang may nagtatago dito?

"Ahm miss? Ano kailangan mo?" Hah?! Ako kinakausap niya? Pero paano eh nakatago-- ohh ghaddd lupaa kainin mo akooo. Hindi na pala ako nakatago sa likod ng puno.

"Ahm miss? Helloo? Ano kailangan mo sabi ko?" Ahm. Wala naman kuya. Pinapanuod lang kitang magskateboard diyan. Narinig ko kase na parang may bumagsak kaya nasira yung pageemote ko.

"Mis--*kokak!* ay shocks palaka!" Palaka?! Shuuutt PALAKAAAA?! PALAKA NGAAA !!!!

"WAHHHHHHHHHH!!!" Sigaw ko. Talon ako ng talon at pagpag ng pagpag sa sarili ko. Ayoko talaga ng palaka. Tawa naman ng tawa yung lalaki sa harap ko. Nadimunyuu kaaa. Sinusumpa kitang lapastangan ka!Dahil sa kakatalon talon ko, may natapakan akong nadulas na kung ano kaya naout of balance ako.

"Wahhhhh---" Ang buong akala ko ay babagsak ako sa matigas na sahig kaya ako napapikit. Kaso kanina pa ako nakapikit pero wala paring matigas na sahig kaya minulat ko mata ko. May isang lalaking maputi, medyo makapal ang kilay at may brown eyes ang nakahawak sa bewang ko. Hindi siya ang lalaking kinakausap ako kanina kundi ibang tao. Sobrang lapit niya sa akin at isang maling galaw lang ay maaari magdikit ang aming mga labi.

Melancholic Finale (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon