It's a Summer Vacation
6 Months Ago
"ATEEEEE!!!! ANTAGAL MOO NAMAN JAN SA CR!!!MALILIGO DIN AKOOO"
"ANO BA?ATAT KA NAMAN MASYADOO!KAKAPASOK KO LANG!!"
"ANONG KAKAPASOK KA JAN?! MUKHA MO AHH BILISAN MOOOO!!"
"FINEE!"
Kaasar naman. Duhhh kakapasok ko lang kaya dito. Anong matagal sa 30 mins? Tsk. Dapat fresh na fresh ako pag lalabas noh. Malay mo madaming gwapo sa pupuntahan namin oh dba? Haha baka nga dun ko pa makita ang Alladin ng buhay ko eh. Yieeeee.
"I can show you the world,
Shining shimmering splendid,
Nananananananan---""ATEEEEE ANTAGAL NAMAN ISHHHHH"
Hays. Panira talaga kahit kelan. Kitang nagcoconcert pa ako dito eh.
"OO NAAAAA!" Nagsuot na ako ng bathrobe pagkatapos ko banlawan ang sarili ko at nagtungo na ako agad sa harap ng lababo. Habang nagtotoothbrush, bigla na lang akong napatulala. Naisip ko na wala pa pala akong naihandang isusuot ko. Hayss. Bakit kase di ko pa inayos kagabi eh. Sinabay ko na sana sa pagiimpake. Mas inuna ko pa pagtambay at paggawa ng mga poetry ko sa roof top. Hash nakakaasar na ah!! Rawr.
*Blag!Blag!Blag!* Bigla na lang akong natauhan nung sunod sunod na yung kalabog sa pintuan.
"ATEEEEE!!!!ANTAGAL MOOO!! TAENG TAE AT LIGONG LIGO NA AKOO!!!"
Hayss. Bat ba ako nagkaroon ng kapatid na mainipin? Nakakaasar hah. May cr naman siya sa room niya ah. Bat dito pa siya sa room ko makikiligo? And excuse me?! Maghahasik pa siya ng lagim ah. No no noooo.
"SHAGLIT LANG NAHMAN!!NAGCHUCHUTBLASH YUNG SHA OH EHHH!!!" Grrrr. Hayss. Tinapos ko na lahat lahat ng dapat kong gawing seremonyas sa cr bago ko binuksan yung pinto. Nakita ko siyang nakatayo sa harapan.
"Antagal mo naman maligo. Inubos mo na ata yung tubig sa Dam eh. Tabii!" Sabay tulak sa akin pero di ako nagpatinag.
"Aba abaaaa! Kung makatulak ka jan kala mo kung sino ka ah. FYI lang noh? May sarili ka pong cr sa room mo kaya bakit kailangan mo pang makigamit ng cr ah?!"
"Eh sa ayaw ko dun eh! Hmp! Kaya tabi kana jan at maliligo na ako ate. May pupuntahan pa kaya tayo."
"Kung sana naligo kana sa room mo habang naliligo ako edi sana tapos kana rin ngayon. Duh? Papansin lang?"
"Dami daming satsat eh! Jan ka na nga!" Sabay tulak sa akin ng malakas kaya bigla na lang akong napaupo sa sahig. Huhu yung pwet ko.
"Wahhhhhh!!!! I HATE YOUUU ETHAN!!!! I HATE YOUUU" ARGHHH! Kung pwede lang manapak ng kapatid ginawa ko na! Boset siyaaa boset!!
Narinig ko na lang yung malakas niyang pagtawa sa loob. Parang tanga. Madulas ka sana jan. Nadimunyuu kaaa!! Haysss. Imbis na ang ganda na ng gising ko eh sinira pa ng tukmol kong kapatid. Tapon ko siya sa Mars eh.
Pumunta ako sa tapat ng closet ko at namili na ng damit na isusuot ko. Hmm since summer naman na ngayon, magsusuot ako ng something sexy pero di labas kaluluwa haha. Kumuha ako ng denim skirt at loose t shirt na stripes na may touch ng 90's na damit. Ewan ko ba at naaattract ako sa mga damit noon. Ang kyot kase ihh. Maghuhubad na sana ako kaso naalala ko na may demonyo palang nakikigamit sa cr ko. Baka biglang lumabas eh.
"HOY!!! MATAGAL KA PA BA JAN?!" Sabay katok ko sa pinto. Sakto naman na lumabas siya sa cr. Napansin kong mugto ang mata niya na para bang kagagaling niya lang sa pag iyak.
BINABASA MO ANG
Melancholic Finale (On Going)
Teen FictionDi naman porket masaya kayo sa umpisa eh masaya na kayo hanggang dulo. Hindi naman sa bitter ako, I'm just stating the fact. Not all love story have this so called "Happily Ever After". Sometimes, you really need to be alone to understand things eve...