Chapter 18

92 2 0
                                    

Mitchie's POV

Okay. This is it. This is the day!!!!!!

"Mitchie! Lutang ka nanaman. Kinakausap ka ni Mrs.Agnes!" Bumalik ako si diwa ko nung pinitik pitik ni Jonalyn yung daliri niya sa harap ng mukha ko.

"Ha? ano daw ba yun?" inirapan niya lang ako tapos tumingin ako kay Mrs.Agnes -teacher namin sa physics- at ang sama ng tingin niya sakin. Nag peace sign ako pero lalo atang nagsalubong yung kilay niya. Uh oh.

"Kung wala kang interest sa pakikinig sa announcement ko,lumabas ka nalang Ms.Dela Vega" Lahat sila nakatingin sakin. Tuwang tuwa nanaman sila dahil pinapagalitan nanaman ako. Yan naman happiness nila eh. Ewan ko ba sa mga to. Ang babaw ng kaligayahan nila. Nag peace sign ako kay mam at tinuloy niya na yung pinagsasabi niya.

"As i was saying,ngayon ang balik ni Mrs.Rivero at in any moment mag oobserve siya. Im hoping for your cooperation class na please behave habang nag oobserve ang principal natin. Okay?" teka....tama ba yung narinig ko? Mag-oobserve yung mama ni Kenneth?Patay ka Mitch. Kaylangan ko makagawa ng paraan para ma excuse sa klase na to.

"Jho!" Tinapik ko yung braso niya. Kung naguguluhan kayo bakit si Jonalyn ang katabi ko at hindi si Igi,pwes ewan ko rin.

"Oh?" sagot niya habang busy siya sa pagkokopya ng notes sa white board.

"Kaylangan ko makaalis dito. Magoobserve yung mama ni Kenneth-este yung principal natin. Kaylangan ko makatakas! Tulungan mo ko!" Lumingon siya sakin with her most annoyed face. Nakakatawa! Hahaha

"Mitchie Anne! 4 na taon kana dito sa WVU at 4 na taon ng nagoobserve si Mrs.Rivero satin,ba't ngayon ka pa kakabahan? Ano ka ba naman" nangopya siya ulit ng notes. Ilang beses ko na nahuhuling nakatingin sa Mrs.Agnes samin.

"Basta! Boyfriend ko lang naman yung anak niya na si Kenneth Kurt Rivero at panigurado akong kinukwento na ako ni Kenneth dun. Kaya utang na loob Jonalyn,tulungan mo ko" Padabog niyang sinarado yung notebook niya at humarap sakin. Nag puppy eyes ako dahil alam kong hindi makakatagal to at papayag din siya.

"Ano bang gagawin ko? Sige,magpanggap ka nalang na hinimatay jan. Bilis!" nangamot siya ng ulo niya. Halatang asar na asar na to sakin. Hahahaha.

"Di effective yun eh" napansin kong nakatingin si Jona sa harapan

"Oh eto effective talaga. Patay tayo" tinaasan ko siya ng kilay at dun ko lang nalaman na papalapit na si Mrs.Agnes samin.

"Mitchie Anne Dela Vega! Where's your notebook? Aren't you supposed to be copying notes? Hindi ka ba nakikinig?!" Nanahimik buong classroom. First time ko masigawan ng teacher.

"Sorry po" Dali dali ko kinuha yung notebook sa bag ko pero bigla niya kinuha yun.

"I dont need your sorry. Step out of my class!!" Napapikit nalang ako sa lakas ng sigaw niya sakin. Tutal,last subject na kinuha ko yung bag ko at nakayukong lumabas ng room.

Sa ibang dako ng utak ko,tuwang tuwa ako dahil hindi ko makikita yung mama ni Kenneth at sa ibang dako naman,patay ako dahil baka bumagsak ako ng physics. Baka mawala ako sa pagiging valedictorian. Hindi pwede to. Kasi naman Kenneth eh! Aish.

Naglakad ako papuntang canteen. Nagugutom ako eh. Tyaka hindi ako makikita ng mama ni Kenneth dun. Walang tao sa hallway though last subject na. Kadalasan kasi,yung mga nag diditch ng class last subject talaga yung pinupunterya nila.

Everything Was UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon