Chapter 20: Mitchie's new look

149 2 0
                                    

Mitchie's POV

"Okay class,that's for today! See you all on monday" Inayos ko na yung gamit ko. Dismissal na namin this lunch at wala nanaman kaming pasok mamayang hapon. Ano kayang gagawin ko? Hmm. Ah! Tama! Magbobonding nalang kami ni Mikmik.

"Ah Mitch...." Lumingon ako sa likod ko and i was surprise! Kasi yung taong nakasama ko for almost 2 years eh kinausap na rin ako.

"Ano nanamang kaylangan mo? Ididiin mo nanaman ba si Kenneth sa kaso ni Zac? Tama na nga!!" Okay, nagiging rude na ako pero di ko maiwasan lalo na pag si Igi kausap ko.

"Ganyan na ba talaga tingin mo sakin Mitchie Anne?" Yumuko siya at inayos ko ng sabit yung bag ko.

"Hindi Igi. Actually,namimiss ko na yung bestfriend ko eh." Ayoko umiyak. Kinuha ko yung libro ko at pinigilan niya yung kamay ko.

"Im sorry..." Sabi niya at nafefeel ko na sobrang sincere niya. Kilala ko si Igi.

"3 words,please?" Nilapag ko yung libro ko at nag crossed arms

"I've got food" ngumiti ako at tumango nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng sobrang higpit

"I miss you kulooooot!!!!" Sigaw niya sa room kaya nag-echo yung boses niya.

"Di kita namiss. So,where's mah food?" Nilahad ko yun kamay ko. Yung parang nanghihingi. Napakamot siya ng ulo.

"Nasa canteen. Tara na!!" Kinuha niya yung bag pati yung libro ko. Palabas na kami ng pinto ng napansin kong dumaan si Kenneth sa bintana. Bigla naman akong kinilabutan. Ano ba!! Hindi naman multo si Kenneth eh.

"Ang creepy talaga ng boyfriend mo,Mitch. Kaya napagbibibtangan eh. Pero nagseselos lang yun. Kanina pa siya sumisilip sa bintana" sinamaan ko agad ng tingin si Igi pero nag peace sign lang siya.

Lumabas na kami ng room papuntang cafeteria.

"Mitchie!" Nakita ko tumatakbo papunta si Josiah sa pwesto namin.

"PARENG MIGUEL!!!" Nanahimik buong corridor sa sigaw ni Josh at pinagtinginan sila. Hindi ko na nasabi na dating hearthrob ng WestVille yang si Josh? Ays.

"Josh? Gago ka! Kelan ka pa dumating?!" Nag man-hug silang dalawa at pinagtitinginan parin sila ng mga students na babae.

"Maka-gago naman tong hayop na to. Hahaha. Nung nakaraan lang,kasabay ko daddy ni Mitchie" inakbayan niya si Igi.

"Dumating na si Tito Ritchie?! Mitch! Bat' di mo sinabi?" Pagrereklamo niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Excuse me,Miguel Santos magkaaway tayo. What do you expect? Mag-cling ako sa braso mo tapos sabihin kong dumating na si daddy? Duh." Inirapan ko siya tapos nakatingin lang silang dalawa sakin ng biglang.......

"Hahahahahahahahahahha!! Letche ka pinsan,ang pangit mo talaga!!! Hahahahhahhaha di bagay sayo!!" Sigaw ni Josh kaya yung mga tao sa campus nagsisitawanan na rin.

"Salamat sa pagpapahiya pinsan ha. Mauu-"

"Josh,wag mo naman ipahiya yung girlfriend ko" nagulat ako nung narinig ko yung boses ni Kenneth.

"Ken! I was just joking. Okay lang naman sa kanya eh" di pa rin siya tumitigil sa kakatawa. Aaminin ko na medyo naooffend ako sa sinabi ni Josh dahil napahiya rin ako

"Tara na Kenneth" kinuha ko yung bag ko kay Igi

"Teka,iiwan mo nanaman ako?" Binigyan ko lang siya ng please-look kaya umirap nalang siya

"Kung okay lang kay Mitch yun,sakin hindi. Binabastos mo na yung girlfriend ko eh" Tumigil sa pagtawa si Josh at umayos

"Oh sorry na pre. Di na mauulit" tinapik ni Josh yung balikat ni Kenneth pero blangko lang yung expression niya.

Everything Was UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon