Chapter 22

118 3 1
                                    

Mitchie's POV

"Good morning Mitch"

"Ganda natin ngayon ah"

"Bagay kayo ni Kenneth"

Yan. Yan ang mga salitang bumungad sakin kaninang umaga sa school! Grabe. Ngumingiti nalang ako sa kanila.

"Oh,wala pa bang ginagawa sa'yo si Lalaine?" Tanong ni Raven. Nasa cafeteria kami ngayon. Lunch break.

"Wala pa. Pero kinakabahan pa rin ako" sino ba namang di kakabahan? Mamaya lagyan niya nanaman ng palaka yung locker ko.

"Kami reresbak dun pag may ginawa sayo yun" hinarap ni kuya James yung kamao niya na parang naghahamon ng suntukan.

"Igi,bat' di mo pagsabihan yang pinsan mo? Lagi naman ata kayo nagkikita eh" Sabi ni Angelo kay Igi na busy kumakain ng carbonara. Favorite niya eh.

"Pinagsabihan ko yun. Pero nagsumbong kay tito na inaaway ko daw sya. Ako pa yung naging masama sa tito ko. Asar na asar na rin ako dun. Palibhasa,only child kaya spoiled" Sabi nya sabay subo ng carbonara

"Wala pang nahahanap na katapat yang si Lalaine eh. Umalis na kasi si Leanne kaya siya nanaman yung nagrereyna-reynahan sa West Ville" teka....Leanne? Parang ngayon ko lang narinig pangalan nun ah.

"Leanne? Sino yun?" Tanong ko sa kanila kaya napatingin silang lahat sakin.

"Yung ex ni Kenn------" nagsalita si Raven pero bigla tinakpan ni Angelo.

"Ex nino,Raven?" Tinanggal ni Angelo yung kamay nya kay Raven tapos tinignan syang masama ni Angelo

"Ni ano..ni..." Tinaasan ko syang kilay

"Ex ni Kenneth nung second year" napalingon silang lahat kay Igi except sakin. May ex-girlfriend si Kenneth?!

"Ang ingay mo naman Miguel!" Sita ni ate Pearl sa kanya.

"Bakit? May karapatan siyang malaman kung sino si Leanne. Boyfriend niya si Kenneth eh. Dapat nga alam niya na to" Teka...umiinit dugo ko!! Bat di niya sinabi sakin?!!!!

"Wala syang nabanggit sakin" Lagot siya sakin!!

"Mag-usap kayo Mitch. Tutal,matagal na yun. Mukhang di naman na babalik si Leanne dito" Sabi ni Jonalyn at sakto nag-bell.

---

Tapos na ang klase namin sa History kaya dumiretso muna ako ng library. Sakto,walang tao dito. Kaylangan ko rin magbasa para sa talumpati ko next week. Hays.

"Hi Mitch" Halos mabato ko yung libro ko nung may nagsalita sa gilid ko. Teka....

"Jordan?! Diba ikaw yung nag follow sakin sa twitter?!!" Sinarado ko yung libro ko at tinuro-turo siya

"Oo,ako nga. May poblema ba?" Aba! Nagawa niya pang magtanong kung may poblema! Loko to ah!

"Marami. Una,hinuhunting ako ng girlfriend mo.Pangalawa,marami akong natatanggap na death threat sa twitter at pangatlo,papatayin ako ni Lalaine!" Napasigaw ng konti yung boses ko kaya sinamaan kami ng tingin ng librarian.

"Hahaha! Ganun ba epekto ng pag follow ko sayo? Bakit? May ginawa ba si Lalaine sayo?" Tanong niya at nilapag niya yung bola sa lamesa. Bastos to oh!

"Malapit na." Inirapan ko siya at binuklat ulit yung libro ko.

"Hahaha! Ang cute mo talaga!" Nilingon ko sya with all force ng masama kong tingin

"Cute?! Mukha ba akong aso?!" Napasigaw nanaman ako kaya nilapitan na kami ng librarian

Everything Was UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon