Chapter 9

66 0 0
                                    

Mitch's POV

Halos natulala ako sa nakita ko,hindi ko makagalaw. Nandun si Kenneth sa kalsada,nakahiga,duguan,walang malay. Hinila ako ni Ate Pearl papunta sa kanya. Pero huminto ako pagdating sa gate.

"Ate no,hindi ko kaya. Ayoko ng.....ayoko....ayoko ng dugo....tulungan nyo si Kenneth" Nangiginig kong sabi. Ayoko ng dugo. Takot ako sa dugo. Nakita ko kasi dati yung girlfriend ni kuya,si Ate Gabby. Naglaslas s'ya sa kwarto ni kuya. Ako ang nakakita. Kaya ayoko ng dugo.

"Mitch! Pigilan mo muna yung takot mo. Si Kenneth tulungan natin!" Tinignan ko si Kenneth. Nakahilata pa rin dun. Nangingig katawan ko tuwing nakakakita ako ng dugo.

"Tatawag akong ambulance ate.... Ayoko....." Tumakbo ako papasok ng bahay. Magdidial na sana ako pero hindi ko kaya,nanginginig talaga ako.

Umakyat ako sa kwarto. Nagkulong ako. Natatakot ako para kay Kenneth. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko sya natulungan. Kinulong ko yung sarili ko sa sulok ng kwarto ko. Umiyak ako dahil naalala ko nanaman yung nangyari kay ate Gabby.

-Flashback-

Nandito kami ni ate Gabby sa MOA. Kumain kami ng ice cream.Hinihintay kasi namin si kuya.

"Mitchie. Alam mo ang ganda ganda mo. Mag-ayos ka nga" Ginulo ni ate Gab yung buhok ko. 2nd year high school nung naging sila ni kuya tapos grade 6 ako nun. Mag 1-1year na sila ni kuya. 1st year HS na ako tapos 3rd year na sila. Sobrang nakakainggit kasi ang saya saya nila.

"Ate naman eh. Masaya na ako sa pagiging ganto ko. Tyaka na pag dating ko ng college." Patuloy ako sa pagkain ng ice cream ko.

"Alam mo Mitch,mahal na mahal ko yung kuya mo. Hindi ko nga ata kakayanin pag may nakitang iba yun. Baka magpakamatay ako" Binatukan ko sya.

"Ate naman! Hindi maghahanap ng iba yun. Mahal na mahal ka nun. Ipagsisigawan n'ya ba sa buong campus kung di ka nya mahal?" Tumingin lang siya sa malayo.

"Sinabi ko bang hindi ako mahal ng kuya mo? Ikaw talagang bata ka! Haha" Kinurot nya yung pisngi ko. Ayun tawanan lang kami ng tawanan. Sobrang saya ko dahil meron akong ate na nakakaintindi sakin.

-After 10 minutes-

"Mitch,Lika na,8pm.Hindi nagrereply yung kuya mo. Nako magtatampo talaga ako dun" PATAY KA KUYA ZEKE. Hahahaha.

"Sakalin mo yun ate!" Inakbayan nya ako at naglakad na kami papunta sa kotse nya. 3rd year may kotse na. Kaingit T_T

Nag-drive na si ate pabalik ng subdivision. Tinatawagan ko si kuya pero nakapatay cellphone n'ya.

"Ate naka-off phone nya eh" Sumimangot mukha ni Ate Gab

"Hay nako talaga yang kuya mo nakakapagtampo na. Ilang araw na syang nagiging cold sakin" Bigla akong may naramdaman hindi maganda. No! Hindi pwede.. Mahal ni kuya si Ate Gab. Impossible.

Huminto kami sa stop light. Sakto may huminto ring taxi sa gilid namin. Hindi ko maiwasan hindi mapatingin dun.

Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Si kuya nasa loob ng taxi,may kahalikan na babae. Mukhang lasing sila pareho. Tumulo nalang bigla yung luha ko dahil hindi ako makapaniwala. Hindi. Hindi pwede makita ni Ate Gab to. Masasaktan lang siya. Nakita kong nag green light na pero hindi pa rin umaandar si Ate.

"A....ate... tara n----"Huli na. Nakatingin rin sya sa direksyon kung nasaan yung taxi at patuloy na umaagos yung luha sa mata nya. Umiyak na rin ako. Hindi,ayoko masaktan si Ate Gab. Hindi 'to pwede.

Everything Was UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon