Silver Lining - Prologue

27.2K 331 112
                                    

Disclaimer: I do not own "VOICELESS" and "I Met a Jerk whose name is Seven". They belong solely to HaveYouSeenThisGirl.

A/N: This is my first time to write a fanfiction of combined stories (a.k.a. crossover). I feel so sorry for Annika Reyes and Kevin Sy so I thought, "Hey, why don't I create their ending?" Okay, so I just gave you an idea. Haha. It wouldn't be that bad for Annika and Kevin to be together, aye? At first, I wanted to use Yohanne Garcia from "She Died" because I feel like they're just perfect for each other. A bratinella and a nerd, why not right? Just like my username: 'thenerdybratinella'. Haha. But I changed my mind, I'll go for Kevin instead. :DD Okay, so here goes nothing. 

---

I Met My VOICELESS JERK

"If you admire the rainbow after the rain, then why not love again after the pain?"

---

-Annika Marie Reyes' Voice-

"Flight543 of Jet Airlines, please proceed to Gate 345 for boarding. Flight543 of Jet Airlines, please proceed to Gate 345 for boarding." narinig kong iannounce ng announcer. Nandito ako ngayon sa airport dahil may business trip akong pupuntahan. Sa katunayan, kakagaling ko lang sa kasal ni Seven Astute, ang lalaking nagturo sakin ng madaming bagay at ang lalaking minahal ko. Tumingin ako sa labas ng bintana at pinanood ang mga eroplano na nalipad pataas at yung iba pababa habang nagrereminisce ng mga nangyari sakin. Kung hindi dahil kay Seven, siguro wala na ako dito sa mundo. Kung hindi dahil sa kanya, wala ako sa kinatatayuan ko ngayon. Kaya laking pasasalamat ko talaga sa unggoy na yun. Iniligtas niya ako sa lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko noon at naging mas mabuting tao ako.

"Haay, nakakamiss." pagbubuntong hininga ko habang pinagmamasadan ko ang larawan niya sa cellphone ko. Wala na talaga akong nararamdaman para kay Seven pero minsan hindi ko maiwasang ma-miss yung mga panahong magkasama kami ni Seven. He's been a big part of my life.

Ang bilis lang ng panahon, parang kahapon lang inis na inis ako kay Seven pero tingnan mo na lang ngayon, nagmature na yung unggoy na yun at may asawa na. Natatawa tuloy ako sa sarili ko sa mga panahong iniisip ko dati at iniimagine ang sarili ko sa may altar kasama si Seven. Sobrang in love kasi ako dati at ang laki ng paniniwala kong siya na yung pakakasalan ko talaga balang araw. Pero si Seven, parte lang siya ng buhay ko at hindi siya ang nakatakda saken. Kumbaga sa fairy tale na ito, siya ang knight in shining armor ko pero hindi ang prince charming ko. Kung sinuman yung prince charming na iyon...sana dumating na siya, gusto ko na kasi siyang makilala.

Click!

Nadistract ako sa thought ko nang makarinig ako ng "click" ng isang camera. Pag-angat ko ng ulo ko ay tumama ang paningin ko sa isang lalaki na katapat kong upuan na may hawak ng isang cellphone na may camera na nakaangat. At nung nagtama ang paningin namin at napagtanto ng lalaking ito na nahuli ko siya at nagpanic siya, "Pakshet, nakalimutan kong tanggalin ang sound effect ng camera!" Natawa na lang ako sa nagpapanic at nahihiyang itsura ng lalaki sa tapat ko.

"Hi." bati ko habang nakangiti sa kanya. I noticed how he blushed while staring at me. Hmm, siya na kaya ang prince charming ko?

---

-Kevin Sy's Voice-

"Flight543 of Jet Airlines, please proceed to Gate 345 for boarding. Flight543 of Jet Airlines, please proceed to Gate 345 for boarding." 

I sighed as I looked outside the big windows, watching the planes alternately fly up and down. Napaka-peaceful nilang tingnan even if maingay sila. Napangiti ako sa isipan na parang eroplano din ako. One moment you're soaring high up in the sky, the next moment the gravity will suddenly pull you back to the ground. Nakakatawang isipin, after all these years, siya pa rin ang naiisip ko. Si Momoxhien Clarkson pa rin ang laman ng utak ko, pero hindi na ng puso ko. I got over her, after all, I have no choice but to accept the fact that she's really not for me, that she's destined to be with Sync Mnemosyne, and that my feelings for her will always be....voiceless. She wouldn't dare to listen to me, not because she doesn't care, but because she already found her favorite voice. And sadly, that voice doesn't belong to me. I wonder, when will my voice ever be heard? But don't get me wrong, I'm no longer in love with her and to be honest, I'm really happy for her because she found her happiness. 

I stood up and went to a nearby cafe so I can eat while waiting for my flight. Aalis ako papuntang Italy today. Wala din naman ako magawa dito so I guess a little trip and sight-seeing wouldn't hurt. And I need to find myself, too. It's been four years ever since Runaway has been disbanded. Yeah, you've read that right. Nagquit ako sa band dahil...ewan, parang nawalan ako ng gana. Naalala ko pa nga kung pano ako napagsabihan ni Denver dahil ayaw niya ako umalis. Kung hindi ko siya tropa, iisipin ko talaga na bading yun eh. Pero kung nasa posisyon din naman niya ako, ganun din siguro ang gagawin ko. Syempre ayaw niya mabuwag banda. At dahil sa nagquit ako, nagquit na rin lahat. Wala rin daw saysay kung magpapatuloy sila kung mismong ang leader na ang nagquit. Hindi ko naman pinagsisisihan ang desisyon ko, na-miss ko nga ang normal life. At least ngayon, malaya na akong nakakapunta sa kung san ko gusto ng walang nakasunod.

Kumain ako ng tahimik ng may mapansin ako sa bench sa labas ng cafe. Isang babaeng nakatingin sa cellphone niya at pangiti-ngiti. I kept my stare on her and watched her every move. I don't know what that girl possessed, but she intrigued me. Binilisan ko ang kain ko, at lumabas pagkatapos. Ewan ko kung anong meron saken at bigla bigla akong lumabas na parang may sariling utak ang mga paa ko. Nang makarating ako sa harap niya nang di niya napapansin, umupo ako sa bench para mas lalong di siya makahalata. I took out my cellphone from my pocket and took a picture of her. May tama ata ako, bigla bigla na lang kumukuha ng picture ng taong hindi ko kilala. At ang masama pa, nakalimutan kong i-turn off ang sound effect. Napatingin tuloy saken yung babae at nagtama ang mata namin.

"Pakshet, nakalimutan kong tanggalin ang sound ng camera!" sabi ko habang nagpapanic. Nakakahiya talaga. Baliw na ata ako. Dati ako ang kinukuhanan ng picture, ngayon ako naman ang kumukuha ng picture. Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya napatingin ulit ako sa kanya. Nakatingin siya saken at tatawa-tawa paren pero ang sarap pakinggan sa tenga. Ang sarap niyang ulit-ulitin.

"Hi." she smiled at me, showing her perfect white set of teeth. I was stunned, ang ganda niya. Sobra. And right then and there, I swear I felt my heart skipped a beat.

---

A/N: Yey! So done. :))) If ever there are 'bulol' Tagalogs here, please spare me. I'm...not really used sa Tagalog po eh. :DD

I Met My VOICELESS JERK [FanFiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon