Blue Feeling

3.3K 77 50
                                    

A/N: Bakit may 'Blue' ulit? Well, pinalitan ko po yung title ng second chapter to 'Gray Scale' na siyang dating 'Blue Sky' and instead of this chapter being entitled as 'Blue Sky', I named it as 'Blue Feeling' kasi...Wala lang po. Hehe. I'm dedicating this chapter to [yellla] kasi siya nakahula why the chapters' title has colors. Anyway, enjoy reading! Vote, comment, be a fan, well that's all up to you guys. Heehee. :3

---

-Kevin Sy's Voice-

"Ui. Vin. Naman eh, bakit ba bigla kang naasar?" tanong sakin ni Marie for the umpteenth time. Honestly, hindi naman ako sa kanya naasar kundi sa sarili ko. Pakiramdam ko kasi, lumalala na itong attraction ko sa kaya. Hell, kelan lang ba kami nagkita at ang bilis kong magkagusto sa kanya? Nababaliw na ata ako. Impossibleng lumalim pa ang pagkagusto ko sa kanya. Tumingin ako kay Marie at nakita kong naghihntay siya ng sagot. Aaminin ko, medyo naasar ako sa kanya kanina. Hindi dahil sa ilang beses ako natalo. Heck, sinadya ko talagang piliin si Xiao Yu para manalo siya sa bawat laban. Sa lahat kasi ng characters sa Tekken, si Xiao Yu lang hindi ko nalalaro. Nakakatuwa nga siya panoorin kapag nananalo eh. Akala mo nanalo sa lotto. Pero bakit ako naasar? Dahil sa sinabi niyang 'Jin ko' kanina. Eh nandito lang naman ako ah?

Shit!

What the hell Kevin? Tama bang magselos sa isang game character? I surreptiously sighed and shook my head. Jeez Kevin, keep your cool, will ya? I looked at her and said: "Wala. Kalimutan na nga sabi." for how many times already. She pouted childishly at my reply and kung hindi lang sa pride ko, baka napangiti na ako at nakurot pisngi niya. Ang cute nya kasi.

"Sabihin mo na kasi. Hindi naman ako magagalit eh." sabi pa niya ulit pero hindi ko na lang pinansin. Naramdaman ko na naman kasi yung abnormal na pagtibok sa may dibdib ko. Patuloy kaming naglakad hanggang sa narinig ko siyang nag-sigh. Bigla ako nakonsensya kaya I stopped dead on my tracks and held her wrist. She looked up to me with a weird expression.

"Next time kasi, imbis na 'Jin ko' sabihin mo, pwedeng 'Vin ko' na lang?" I don't know what made me say that pero isa lang ang alam ko, totoo ang mga sinabi ko sa kanya. Gusto ko siya. Gustung-gusto. At siguro yun yung dahilan kung bakit naasar ako kanina. I saw her put on a weird expression at dapat magsasalita siya pero may narinig kaming tumawag sa kanya.

"Nika." we both turned our attention sa direction where nasan yung tumawag sa kanya.

"Kirby..." Marie said in recognition. Sino tong lalaking ito? At bakit siya nasa labas ng hotel room ni Marie?

"I hope I'm not yet too late." this unknown man said. Then I suddenly remembered the conversation Marie and I had last night when we were at the bar. I knew instantly that this was the guy na nanloko sa kanya pati sa bestfriend niya. My hands turned to fists dahil sa irritation na naramdaman ko. Anong ginagawa niya dito? May balak na naman ba siyang manggulo ulit kay Marie? Bigla nandilim ang paningin ko and I suddenly had the urge to punch the damned guy. Hindi ko alam ang ginawa ko pero para akong natauhan nang marinig ko si Marie na tinatawag ako.

"Vin! Tama na!" she cried, hugging me from the back. It was then that I realized na nakabugbog ako at pinagtitinginan kami nang mga tao. Bigla siya bumitaw saken at nilapitan si Kirby.

"A-Ayos ka lang ba?" I heard her asking him. Nabwisit ulit ako nang yumakap yung Kirby na yon kay Marie at mas lalo akong nabwisit nang hindi man lang tumanggi si Marie sa pagkakayakap sa kanya. Lintek. I really wanted to pull her away from him, but I couldn't move. Ano bang karapatan ko sa kanya? Wala. I have no claims on her. At hindi siya saken. Yayakapin niya ang gusto nyang yakapin at magpapayakap siya sa gusto niyang mayakap. Pero lintek. Lintek talaga. At hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. Sa sobrang sama ng loob ko, tinalikuran ko sila at lumakad palayo. I didn't even look back when I heard her calling out for me.

I Met My VOICELESS JERK [FanFiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon