20

42 3 0
                                    

Kimberly's Point of View

"Uuwi ka na talaga?" Tanong sakin ni Jungwoo pagtayo ko. "Wala ka nang klase?" Dagdag niya pa.

"Yep. Free cut kami mamaya." Sabi ko tsaka naglakad na palabas ng canteen.

Kinuha niya bigla yung bag ko tsaka inunahan ako maglakad. "Tara, hatid na kita." Sabi niya.

"May klase ka pa diba?" Tanong ko sakanya.

"Babalik nalang ako after. Hatid muna kita" Sabi niya at ngumiti. Can he stop being so sweet? Kaya ako nalilito eh!!

"Hoy!" Sabi niya tsaka ipinitik yung fingers niya sa harap ko. Natulala pala ako.

"Ang sabaw mo talaga kahit kelan." Tumawa siya tsaka ako pinapasok sa kotse niya.

"Magpplay ako ng song, okay lang?" Tanong ni Jungwoo sa'kin. Nagbabasa kasi ako ng notes sa Algebra.

"Kotse mo naman. Bahala ka." Sabi ko nalang. Siguro naman chill songs pinapakinggan niya diba?

Tapos narinig ko yung intro ng I Like Me Better ni Lauv. OMG!!!! 😍

"You listen to Lauv? OMG!" Masiglang tanong ko kay Jungwoo.

"Wow, I never thought you can be this hyper." Sarcastic na sambit niya tsaka tumawa.

I rolled my eyes at him. "Gusto ko yung mga ganung type ng music. Do you also listen to LANY? They're the best! Buti naman maganda taste mo sa music. Di gaya sa babae hays." Sabi ko pero medyo ibinulong ko yung last part.

"Ha? May pinapahiwatig ka ba?" Tanong niya.

"Bakit na-offend ka ba?" Tanong ko pabalik.

"Excuse me kasing ganda ko ang taste ko sa music." He said in a very sassy tone tapos ni-flip niya pa yung bangs niya.

"Bakla." Pang-aasar ko.

"Baka naman gusto mong malaman kung gaano ako kalalaki." Inihinto niya yung sasakyan sa may tapat ng bahay tsaka ako tiningnan ng nakakaloko.

Napatingin ako sa labas ng bahay nila Alexi. "Gege?!" Sigaw ko.

Nagulat naman siya sa'kin at napatingin sa labas. Nag-uusap si Gege tapos si Alexi pero mukha silang nag-aaway.

"Gege!" Pagkuha ko sa attention niya. Napatingin naman silang dalawa sa'kin at kay Jungwoo na kakalabas lang nung kotse niya.

Nagulat ako nung kinuha ni Jungwoo yung bag ko tapos tumayo sa may likod ko. Tinignan ko muna siya bago ibaling ang attention ko sa kapatid ko na naglalakad papunta samin.

"I hate you! Di ka man lang nagsabi na uuwi ka!" Sabi ko nung makalapit ang kapatid ko saakin.

"Sorry na. I wanted it to be a surprise eh!" Sabi naman niya.

"Bakit ba gustong gusto niyong mga lalake ng surprises? Hays. Nakaka-stress kayo." Sabi ko pero tumingin ako ng kaunti kay Jungwoo na nakatingin pala sakin. He smiled when he saw me looking at him kaya inirapan ko.

"Bakit? May lalake na bang nag-surprise sayo, mei?" Tanong niya sa'kin.

"NOPE. TSAKA EW. ANG CORNY KAYA!" Sabi ko naman. Natawa lang sa'kin si Gege.

"Boyfriend mo?" Tanong ni Gege sa'kin.

"Ge, si Jungwoo. Classmate ni Veronica di ko siya boyfriend." Pakilala ko kay Jungwoo.

"Future husband ni Kim." Nakangiting sambit ni Jungwoo tsaka inilahad yung kamay niya. Kinuha naman yun ni Gege. Ako? Gulat! Pinagsasasabi nito?

"Cyrus. Kuya ni Kim. Nanliligaw ka ba sa kapatid ko?" Nakangiti naman niyang sambit.

TEKA ANONG NANGYAYARI? GAGO BA SI JUNGWOO?!

Pumasok na kami sa bahay at nagpaalam naman na si Jungwoo na babalik sa school kasi may pasok pa siya. Mamaya ko na nga lang siya aawayin.

"Bakit parang may beef kayo ni Alexi kanina?" Tanong ko sakanya.

"Ah yun. Wala. Inaasar ko kasi siya tapos nainis sa'kin kasi ang tagal na daw naming di nagkikita tapos asar yung bungad ko sakanya." Natatawang sambit ni Gege.

"Well. You two used to be so close." Sabi ko.

"We still are." Sabi niya naman.

"Whatever. I still don't like her." Sabi ko tsaka tumaas na sa kwarto ko.

Caught In Between | JungwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon