*MN19* -- Strange whispers calling my name! -

126 4 0
  • Dedicated kay jaycelle mae cepeda
                                    

*MN19* -- Strange whispers calling my name! –

 

 

 

Rainier’s POV:

 

Pauwi na ako ngayon, badtrip naman yung professor namin napaka-sungit, pagalitan ba naman kami sa klase, naka-absent lang sa kanya ng isang beses mag-drop out na daw kami, ano siya chicks? Hahaha, utot niya..

Papasok na ako ngayon sa parking area ng WU, nang may bigla akong narinig na tumawag sa akin, dahil gabi na at mag e-8:15pm na at ako lang ang nasa loob ng parking area dala na rin ng curiosity, ay tumigil ako sa aking pag lalakad at minabuting pakinggan kung saan nanggagaling ang mga bulong na umaangkin sa aking pangalan..

 

 

“Rainier..”

 

 

“Rainier..”

 

 

“Rainier..”

 

 

“Rainier..”

Paulit-ulit ang pag-bigkas ng aking pangalan .. nilibot ko ang aking paningin sa buong parking area, nang isang babae na naka-puting damit ang nakita ko malayo-layo sa kinatatayuan ko, hindi ako nag-dalawang isip na lapitan ito..

 

 

“Miss, who the hell are you? Bakit mo binubulong ang pangalan ko?” Hinawakan ko yung babae sa braso niya at awtomatiko itong napa-harap sa akin.

 

 

”The hell are you, Mr.? I don’t know who you are, para ibulong ang pangalan mo!!” galit na tinaggal niya ang kamay ko na naka-hawak sa mga braso niya at nagmadaling pumasok sa kotse niya at mabilis na pinaandar ito palabas ng WU.. nagkamali ako, akala ko siya yung tumatawag sa pangalan ko..

Napag-isipan kong bumalik na lamang sa kinaroroonan ng kotse ko, malapit na ako sa kotse ko nag marinig ko nanaman ang isang tinig na nagpa-taas ng balahibo ko sa aking buong katawan.

”Sino ka ba talaga? Huwag kang duwag, mag pakita ka sa akin!!” sigaw ko.

 

*BBLLLAAGGG!!*

Isang kalabog ang sumunod na nangyari, pagkalingon ko sa may banda ng likod ko may isang pusang puti ang nagkakalkal ng basurahan.. nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang pusa, akala ko may gustong pumatay sa akin, bigla kong naisip, sino naman ang papatay sa akin? Eh, wala naman akong kaaway.

My Note~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon