*MN 27* "The Beautiful Woman in our Driveway Part I"

66 1 12
                                    

:*MN27* the Beautiful Woman in our Driveway Part I"

Rainier’s POV:

 

 

 

Isang linggo na ang nakaraan nang mapuntahan namin ni Tomy si Kent sa bahay nila . . Isang linggo narin ang nakakaraan nang mapanaginipan ko na may tumatawag na tinig sa aking pangalan. Oo tama, isang panaginip ang mga iyon, naikwento sa akin ni Tomy at Kent na parehas din sila ng napanaginpan, isang bangungot na gusto ko, na gusto na naming ibaon sa limot . . Para kasing totoo na hindi ko maintindihan. .

"Kuya tulala ka nanaman dyan?" nagulat ako ng tapikin ako ni Clark. Hindi ko alintana na may sinasabi pala siya.

"ah, ano ulit yung sinasabi mo?" tumingin sa akin si Clark na ngayon ay naglalaro ng LOL sa PC ko.

 

"ah, sabi nila Kuya Tomy punta daw kayo sa Baguio, magbakasyon daw kayo, tutal daw pupunta si Pope dito sa pinas, so may 9days kayong break walang pasok hahaha" natatawang sinabi ni clark. Wilab talaga si Tomy.

 

"Bakit ayaw niya makita si Pope? Hahaha" tanong ko kay Clark.

 

 

 

 

"Alam mo naman yun si Kuya Tomy, di nga nagsisimba yun eh hahaha" sabi ni Clark. ou nga naman, napakatamad talaga ni Tomy pag dating sa pag sisimba. Tinawagan ko agad si  Tomy, tutal wala naman akong ginagawa ito na ang panahon para libangin ko ang sarili ko para makapag pahinga na din. Agad namang sumagot si Tomy at tuwang tuwa ang loko, napakagala talaga ng isang iyon. Pinapasama ko din si Clark pero sabi niya hindi daw siya pwede dahil may pasok pa sila at hindi sila pinayagang magkansela ng pasok dahil masyadong mahigpit ang school nila.

Napag usapan namin ni Tomy na susunduin nila ako dito sa bahay, kasama namin si Kent, Tyron at Black. Nag ayos na ako ng mga damit na dadalhin ko 5 days kami sa Baguio, at libre lahat ni Tomy, ang transpo, accommodation, foods, lahat. Nag paalam ako kay Mom, at yes, pinayagan niya ako haha, ang bait talaga ni Mom.

Mag aalas tres na ng dumating sila Tomy sa bahay, pinapasok ko muna sila at nagulat ako ng nakabusangot ang mukha ni Tomy.

My Note~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon