*MN20* -- Letter -

84 5 2
                                    

 *MN20* -- Letter –

Tomy’s POV:

Gabi na at papauwi na ako. Papunta ako sa Parking Lot ng WU nang may marinig akong isang napakagandang tinig, isang tinig na nagpa-kilabot muli sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ko parating naririnig ang boses na iyon at patuloy na ibinubulong ang boses ng aking kaibigan na si Rainier.

“Miss, who the hell are you? Bakit mo binubulong ang pangalan ko?” Nakita ko si Rainier na hawak hawak ang braso ng isang dalaga na animo ay galit sa higpit na pagkakahawak ni Rainier sa kanya.

 

”The hell are you, Mr.? I don’t know who you are, para ibulong ang pangalan mo!!” galit na tinaggal niya ang kamay ni Rainier na naka-hawak sa mga braso niya at nagmadaling pumasok sa kotse niya at mabilis na pinaandar ito palabas ng WU..

Nang makaalis na yung kotse nung babae ay umalis na rin si Rainier at dumiretso sa kanyang kotse, naglakad ako papunta sa kanya at nagulat ako dahil habang papalapit ako ng papalapit sa kanya ay lumalakas ang pagbulong sa pangalan ni Rainier.

”Sino ka ba talaga? Huwag kang duwag, mag pakita ka sa akin!!” sigaw ni Rainier, ibig sabihin hindi lang ako ang nakakarinig sa bulong na iyon, ngunit paanong nangyari iyon nung kasama ko si Tyron at Kent ay wala daw silang naririnig na bumubulong, ano bang nangyayari ?? maraming katanungan ang mga nabubuo sa aking isipan, sino ka bang talaga? Kaninong boses ang patuloy na bumubulong sa pangalan ni Rainier, dahil sa pag iisip, bigla nalang..

 

*BBLLLAAGGG!!*

Isang kalabog ang sumunod na nangyari, pagkalingon ko sa may banda ng likod ni Rainier may isang pusang puti ang nagkakalkal ng basurahan.. nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang pusa, akala ko kung ano nang nangyari.

Nakita ko si Rainier na napapikit at biglaan nalamang na natumba, agad ko siyang nilapitan at pilit na ginigising..”Rainier!! Rainier!!”  ngunit walang nangyari, wala siyang malay kaya agad ko siyang ipinasok sa kotse ko, mabuti nalamang at malapit lapit ang kotse ko sa pinagparkan niya ng kotse niya.

Mabilis kong pina-andar ang kotse ko papunta sa bahay namin, hindi ko siya pwedeng dalhin sa bahay nila ng walang malay .. ano naman idadahilan ko? Nahimatay po siya? Ayyttss...

 

”Tomy, juskupong bata ka, anong nayari ki Rinier?” gulat na pagsalubong sa akin ni Nay Linda.

 

”Nang, nawalan ng malay buti nalang at nakita ko, paki-tulungan po ako para maiakyat natin si Rainier sa Guest room.” Tinulungan ako ni Nay Linda buhatin si Rainier at dinala namin siya sa Guest room.

My Note~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon