*MN1* His POV:

547 25 12
  • Dedicated kay Chrizel Ann Penamante
                                    

   *MN1* His POV:

 

Naalala ko nung bata pa ako nagkaroon ako ng kaibigan, ngunit nang lumipat sila ng tirahan nawalan na kami ng komunikasyon sa isa't isa, NPA sila No Permanent Address palipat lipat ng tirahan kaya hindi ko alam kung nasaan siya, halos walong taon na rin ata ang nakaraan ng huli naming pag uusap at pagki-kita, hindi niya nabanggit sa akin ang buo niyang pangalan ang alam ko lang "Mun" ang pangalan niya, weird ba? Ako din sa umpisa unang rinig ko sa pangalan niya, na-weirdohan na ako, kahit kaibigan ko siya may part sa akin na may pagkainis at pagka-gusto sa kanya, wag ninyong bigyan ng kahulugan ang pagkagusto ko sa kanya, let me explain.

May pagkainis ako sa kanya dahil mataray siya, prangka, matapang at palaban. At may part na pagka-gusto, kasi kahit na maldita siya, maunawain at mapagmahal siyang kaibigan. Ang pagkakaalam ko, meron din siyang kapatid, bihira lang itong lumabas ng bahay nila noong kapitbahay pa namin sila, maganda siya maganda tulad si Mun, pero may kakaiba sa kanya, maputla ang kanyang balat na animo'y may sakit na leukemia, kung ikukumpara kay Mun, dahil si Mun ay may kayumangging balat, tahimik ito di tulad ni Mun, may mahaba at itim na itim na buhok, at may itim na mabilog at mapungay na mga mata.

 

 

Ang pagkakaalam ko ang nabanggit na pangalan ni Mun sa kanyang kapatid ay "Layt", weird diba? "Mun" at "Layt" saang planeta kaya nakuha ng mga magulang nila ang pangalan ng kanilang anak? Bihira ko lang makita ang parents nila dahil maaga itong umaalis sa kanilang tirahan.

Tahimik lang sila, paminsan minsan lamang lumalabas ng bahay, ang ipinagtataka ko lang si Mun ay may parang marka na mata sa kanang bahagi ng kanyang braso na aking nakita noong naglalaro kami, sabi pa niya tattoo lang daw, pero iba, parang nakita ko na iyon. . Isina-walang bahala ko nalamang iyon. .

Nasaan na kaya sila? Magkikita pa kaya kami? Anu na kaya ang itsura nila?

End of POV.

 

 

 

Itutuloy…

My Note~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon