*MN7* ~Her POV~

274 12 9
  • Dedicated kay darianne elizabeth c. baldeo
                                    

*MN7* ~Her POV~

 

SOMEONE's POV:

 

 

 

Maaga akong nagising at pumunta sa kwarto ng ate ko tutal tulog pa ang ate ko at maagang umalis sila Mama at Papa para sa panibagong ritual na kanilang gagawin, napag-isipan kong mag lakad lakad sa Town namin, isinama ko ang kaibigan kong si Mary Cris para narin may kasama ako. Hindi pa kasi ako pamilyar sa aming Town, kahit na 8 ta0n na kaming nakatira rito, hindi kasi ako mahilig mag lakad lakad, kapag naisipan ko lang, dalawa ang bahay namin sa Town na ito, isa sa 5th street at isa sa 2nd street, maganda at maaliwalas ang bahay namin dito sa 5th street sa 2nd street naman ay kabaligtaran ng bahay namin sa 5th street, mala-haunted house ito dahil old fashi0n na iy0n. NPA kami No Permanent Address, palipat lipat kami ng bahay dahil secret nalang muna. . Mahabang istorya kapag sinabi ko sa inyo, pumunta ako sa bahay nila Mary Cris, magkatabi lang ang bahay namin, si Mary Cris kaibigan ko siya ang pangalawa k0ng kaibigan simula nang lumipat kami rito sa Town.

 

 

"Oh, liwanag ang aga m0 ngay0n? For the first time lumabas ka ng mansy0n ninyo" bir0ng sabi sa akin ni Mary Cris.

 

"Liwanag ka diyan! Tara samahan mo ako libot libot tayo sa Town!" sabi ko sa kanya.

"Talaga? WOW! Himala! May himalang nangyari sa tana nang buhay mo!" exaggerate na sabi ni Mary Cris.

 

"Bakit, ayaw m0? Di wag na nga lang dito nalang tayo sa bahay niyo, pakain ako hihihi" sabi ko sa kanya, sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ako lumabas ng bahay namin, para kasing may mangyayari na hindi maganda, gusto kong mg libot libot para mawala yung isipin ko na iyon.

 

 

"Hindi, joke lang tara dali, baka mag bago isip mo! 8 years ka na sa Town na ito at ito ang PANGALAWANG BESES NA LUMABAS KA NG BAHAY NINYO!" sigaw sa akin ni Mary Cris. Yes, tama kayo ng basa sa l0ob ng wal0ng taon ito ang pangalawang beses na lumabas ako ng bahay namin, natatakot kasi ako na baka kutyain at katakutan ako ng mga tao, mer0n kasi ak0ng maputlang balat na animo'y may sakit na leukemia, kung ikukumpara sa aking kapatid, dahil siya ay may kayumangging balat, tahimik ako di tulad ng kapatid ko, may mahaba at itim na itim na buhok, at may itim na mabilog at mapungay na mga mata.

Maraming nag sasabi na aswang, ako. Maraming nag sasabi na pangit, nakakatakot ako. Kaya natakot na akong lumabas ng bahay dahil iisipin ko pa lamang na may mga taong natatakot sa itsura ko ay napanghihinaan na ako ng loob na lumabas kaya naisip ko na sa bahay na lamang ako.

"Huy ano nanamang iniisip mo diyan? Iniisip mo baka katakutan ka ng mga tao at kutyain ka nila? Wag kang mag alala, as your one and only True bestfriend! I'm here to protect you to those kind of people, so tara!" hinila na ako ni Marycris palabas ng bahay nila, si Mary Cris siya ang bestfriend ko alam niya ang tunay na pagkatao ng pamilya namin, nung una natakot siya sa amin, pero nung tumagal nawala ang tak0t niya at siya na ang aking tagapagtanggol. Tatanggi pa sana ako na wag nalamang kaming tumuloy sa pag alis pero sadyang makulit ang kaibigan ko kaya napa-payag na rin niya ako na lumabas.

Sa hinaba haba ng paglalakad namin may nakita ak0ng anim na lalaki sa may c0urt at naglalaro sila ng basketball, lahat sila seryoso sa paglalaro, at hindi lang iy0n may isang lalaki na nakapukaw ng pansin ko, parang kilala ko siya, tinitigan ko ang mukha niya at pamilyar talaga ang mukha niya, kamukha niya yung naging kaibigan ng ate ko dun sa dating village na tinitirhan namin, nakalimutan ko na ang pangalan niya, Rain ba? Rinar? Raindear? Ewan ko.

 

"Hoy! Sinung tinitignan mo diyan? Tara na, punta tayo dun oh, bili tayo ng maiin0m nauuhaw na ako" tumango tang0 ako bilang sagot kay Mary Cris, binalik ko ang tingin ko dun sa lalaking nagbabasketball at pagkatingin ko parang may hinahanap siya, at natuon ang pagtingin niya sa kabilang side ng court, sinundan ko ang tingin niya kung san siya nakatingin at pagkakita ko sa tinitignan niya. .

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Ate Mun. . . . !?" O.O

.

.

.

.

.

.

 

.

.

.

End of SOMEONE's POV.

Itutuloy...

My Note~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon