Chapter 3

4 2 0
                                    

Chapter 3

"Nowi!" tawag ni Jimin sa kanina pang nagmamadaling makalayo sa kanyang si Nowi.

"Bakit mo ba ako sinusundan, dun ka na nga." taboy nito sa kanya.

"Sorry na nga kasi. May urgent lang talagang nangyare kagabi." paliwanag niya ngunit hindi siya nito pinansin kaya naman nang maabutan niya ito ay hinawakan niya na sa braso na pilit namang inaalis ng dalaga.

"Bitiwan mo nga ako, Prankster!" sigaw nito sa kanya kaya naman napalingon sa kanila ang iilan na kasabay nilang naglalakad.

"Prankster? Hindi nga prank yun. I am on my way nang tumawag yung secretary ko para sabihing may emergency." muling paliwanag niya sa text na ipinadala niya dito bandang madaling araw na kanina.

Malapit na sana siya sa village ng dalaga nang makatanggap siya ng tawag sa secretary niya na itinakbo daw ang isa sa mga pasyente niya sa hospital at critical ang lagay. Hindi man niya gusto ay kailangan niyang unahin ang pasyente kesa ang sariling kalagayan.

When he arrived ay agad niyang inasikaso ang pasyente. Wala pa siyang tulog maliban sa 10 minutong idlip niya sa taxi na sinakyan papunta rito.

Narating nila ang café.

"Sa susunod, Huwag mo na akong abalahin kung hindi ka rin naman pala sisipot." ismid nito at tuluyang nang naalis ang pagkakahawak niya.

Hindi nga kasi prank yun! Ito na nga ba ang hirap sa lalaking laging nagbibiro eh, mahirap nang paniwalaan.

Nakita niyang papasok na si Sica sa shop kaya agad niya itong tinawag.

"Oh Doc Jimin, ang aga natin ah." isa rin kasing doctor si Sica sa hospital niya kaya naman kilala siya nito. Hindi naman kasi sikreto ang pagiging doctor niya sadyang iilan lang ang may alam na bukod sa import and export niyang business ay on-call doctor din siya. "Kamusta yung emergency operation mo kanina?"

"Okay naman na, stable na ang lagay ng pasyente ko, buti na lang at madaling naagapan." he answered.

"Buti na lang at madali MONG naagapan." idiniin pa talaga nito ang salitang 'mong' na para bang milagro akong nangyare.

"Emergency happens at nature nating mga doctor na maging handa." he explained.

"Ano nga pala yung favour mo?" tanong ng dalaga na agad niyang ikinalingon sa kanina pang hawak na mga bulaklak. Bumili siya kanina sa daan nang makita niya ito at naisip si Nowi.

"Can you give this flowers to Nowi? Pakisabi I am very, very sorry." inabot ko ang bulaklak at tuluyan nang tinahak ang daan pauwi.

He took a taxi dahil hindi na siya nagdrive kanina dahil baka antukin lang siya habang nagmamaneho at makaperwisyo pa ng iba.

Nang makauwi ay hindi na niya magawa pang maligo o magbihis man lang. Parang may sariling galaw na ang katawan niya at kusang humiga sa kama at inuutusan siyang pagpahinga at matulog na.

May kalahating oras na siyang tulog nang marinig niya ang doorbell niya. Wala naman siyang inaasahang bisita ngayong araw na to. May sariling susi naman sa front desk ang mga kaibigan para mag-doorbell.

Napipilitang bumangon siya at pinuntahan ang nag-iingay niyang pinto. Nang buksan ang pinto ay isang hindi inaasahang tao ang nakatayo sa pintuan niya ngayon.

"Anong ginagawa mo dito?" Nowi is standing in his door step and holding bunch of paperbags kaya naman kinuha niya na ang mga ito. "Pasok ka. Magtutulog lang sana ako saglit pagkatapos ay pupuntahan ulit kita."

"Bakit hindi mo sinabing may operation ka pa lang inasikaso?" mahinang tanong nito, "at Doctor ka." bulong ang labas ng huli nitong sinabi ngunit narinig pa rin niya kaya naman hindi na niya napigilan ang sarili at tuluyang na siyang natawa.

BTS: PARK JIMINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon