Chapter 16

3 1 0
                                    

Chapter 16


Jimin


Nagising si Jimin na magaan ang pakiramdam. Namulatan niya kasing muli ang babaeng mahal sa tabi niya.


And last night was one of the greatest night of his life. He was so insanitable. Hindi niya pinagpahinga ang dalaga hanggang sa ito na mismo ang humiling ng pahinga.


"Good morning, baby." bati niya dito nang magmulat ito ng mata.


"Morning." ungot nito. Halatang antok pa ito.


"You can sleep again, kakain lang tayo tapos matulog ka na lang ulit." sabi niya dito bago abutin ang telepono para um-order ng pagkain sa restaurant sa baba ng hotel.


Bumangon siya at hindi na nag-abalang balutan pa ang sarili. Kumuha siya ng isang pares ng pants at shirt sa maleta bago pumasok sa CR para maligo.


Nang matapos siya ay sakto namang dating ng pagkain nila kaya naman inayos niya lang ang mga ito sa isang lalagyan at dinala na sa kwarto kung saan natulog ulit ang pagod na kasintahan.


"Kain ka na muna, babe." sabi niya dito at pinipilit na tanggalin ang kumot nito.


"Oo na! Maliligo lang din ako." sagot naman nito na nakipag-agawan ng kumot sa kanya.


"Itatago mo pa talaga ah." natatawang biro niya dahil gigil na gigil itong maagaw sa kanya ang kumot. Inismiran naman siya nito.


"Need help?" alam naman kasi niyang nasasaktan ito sa parteng yun kahit na ano pang tago nito.


"Heh!" yun lang at bumangon na ito.


Nang makapasok ang dalaga sa CR ay napalingon siya sa kamang kinahihigaan nito kanina. May dugo. Tanda ng pagiging birhen nito.


He was her first. At sisiguraduhin niyang siya na ang huli, siya lang!


Nagpasya siyang palitan ang bedsheet ng nakita niyang extra sa isang kabinet kaninang naghahanap siya ng towel ng hotel. Sakto namang natapos ang dalaga sa pagligo ay patapos na rin siya sa pagpapalit.


"Bakit mo pinalitan?" tanong nito.


"As much as I want seeing your purity ay kailangan nating palitan ang bedsheet para malinis tayo." sagot niya na ikinapula ng mukha ng dalaga.


"Pupuntahan ko pala sila Mommy pagkatapos nating kumain, ngayong tanghali kasi ang uwi namin." sabi nito na nakapagpalungkot sa kanya, gusto pa man din niya itong makasama sa buong stay niya sa singapore.


"Okay. Ihahatid ko na lang kayo mamaya bago ako pumunta sa session ngayong araw." he suggested which she agreed on.


Umalis sila ng hotel room at nasa parking lot na rin niya ang bagong renta niyang sasakyan kaya yun na ang ginamit nila.

BTS: PARK JIMINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon