Chapter 10

3 1 0
                                    

Chapter 10

Nowi

"HANDA na ba ang lahat?" tanong ng mommy niya

"Yes, Mom.' sagot ni Neil na bitbit ang sariling gamit.

Her parents decided to have an out of town trip para naman daw magkaroon sila ng family bonding, for the first time. Makakasama na niya sa iisang lakad ang kakambal.

Dalawang araw na kasi itong nakatira sa kanila ngunit ni-minsan ay hindi pa sila nakapag-solo ng silang dalawa lang. Hindi niya alam kung iniiwasan ba siya nito o talaga lang na naninibago siya sa ideyang may kapatid pa siyang iba maliban sa Kuya Neil niya.

Nakapagpaalam naman na rin siya kay Jimin at pumayag naman ito. Nasabi rin nito na magiging busy muna ito pansamantala sa hospital dahil ipinasa daw sa kanya ang pasyente ng isang doctor na nag-leave.

Ayaw naman niyang idagdag pa sa iniisip nito ang pagdating ng kakambal niya kaya naman hindi na muna niya sinabi. Saka na lang siguro kapag nakauwi na sila galing sa bakasyon nila.

"Excuse me, pwedeng ako dyan?" maarteng sabi ni Pau sa kanya, "Mas gusto ko kasi sa tabi ng bintana."

"Sure." sabi naman niya at lumabas muna para makapasok sa loob ang kapatid.

Ilang sandali pa ay lumabas na ang Kuya at parents nila.

"Anong ginagawa mo dyan sa gitna, Nowi? Bintana girl ka, di ba?" tanong ng Kuya niya na hindi naman niya masagot.

Hindi niya gustong maramdaman ng kakambal na ang gusto niya ang dating nasusunod. Hinahayaan niya ito dahil matagal itong nawala.

Noong magising kasi siya ay sa tabi ng bintana na niya gustong umupo. Hindi-hindi siya papayag kapag hindi sa tabi ng bintana ang pwesto niya.

"Ayaw mo sa tabi ng bintana?" tanong muli ng kapatid niya na nilingon ang kakambal niyang prenteng nakaupo na.

"Come out, ako sa gitna." utos nito na agad niyang sinunod. Her brother always sees what she wants him to see.

Hindi naman nagtagal ang byahe. They arrived in their town house in Laguna. Naaalagaan naman ng caretaker ang bahay kaya walang dapat alalahanin tungkol sa kalinisan.

Nasa tabing dagat din ito kaya naman maganda ang tanawin.

Nagpasyang magpahinga muna ang lahat kaya naman nagkanya-kanyang siyesta muna ang mga ito. Siya na hindi inaantok ay dumeretso sa tabing dagat.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan ang lahat. Papaanong may kakambal siya? Anong nangyare? Parte ba talaga siya ng pamilyang ito?

Bakit ba naman kasi permanente ang amnesia niya eh.

"Are you okay, Princess?" tinabihan siya ng kanyang ama.

"Yes, Dad." ayaw naman na niyang problemahin pa ng mga magulang ang mga bagay na iniisip niya.

"You look bothered." pansin nito, "Hindi naman namin sinasadyang magsinungaling sayo, it's just that it might affect you kapag may mga nalaman ka tungkol sa sarili mo."

"I understand, Dad. Masyado lang akong nacu-curious sa kung ano pong nangyare noon. Paano po ako nakarating sa poder ninyo." eksplika niya.

"Gusto mo ba talagang malaman?" tanong nito sa kanya na kanyang tinanguan.

MAHIGIT tatlong araw nang nawawala ang anak nilang si Nowi or more on naglayas ito. Hindi naman niya gustong tratuhing ganun ang anak niya, gusto lang naman niyang mawala ang ugali nitong nakukuha ang lahat ng gusto kahit pa hindi naman dapat.

BTS: PARK JIMINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon