Chapter 5

9 2 0
                                    

Chapter 5

Jimin

"Dude, nababaliw ka na?" bungad ni Taehyung sa pagpasok niya sa opisina ng kaibigan. Nabungaran kasi niya itong ang laki ng ngiti at tulala sa malayo. "Hoy!"

"What?" nabalik naman ang pansin ni Jimin sa kadarating lang na kaibigan. "Anong ginagawa mo dito?"

"I was about to tell you na may meeting tayo mamaya sa café nila Nowi. May ipapakita daw na business proposal si Hoseok sa atin." Nagsisimula ng mainis si Taehyung dahil tulala na naman sa kung saang lupalop si Jimin.

"Aray! Siraulo ka ah! Bakit mo ko binatukan?" sa sobrang inis ay hindi na nga nito napigilang batukan siya.

"Kanina ka pa tulala, mukha kang tanga. Ano bang meron at mukhang masaya ka?"

"I am courting her." munting sagot niya.

Ilang araw na rin ang nakakalipas ng simulan niyang ligawan ang dalaga. He always make sure na hinahatid sundo niya ito mula sa bahay nila hanggang sa café. Binibigyan niya rin ito ng isang petal ng bulaklak kada araw. Kung hindi nga lang siya busy sa opisina at sa hospital ay baka nakatambay na naman siya sa café.

"Alam ko. Ano pang bago bukod dun?" tanong ni Taehyung na ipinagtimpla na ang sarili ng kape dahil mukhang walang balak ialok ni Jimin yun sa kanya.

"I am just happy." muli na naman niyang sagot.

"Alam ko na rin yan, wala na bang bago?" tila nang-aasar nitong sabi sa kanya kaya naman tinignan niya ito ng masama.

"Huwag ka ngang dito ng dito naglalagi sa opisina ko! May sarili kang opisina, dun ka!" taboy niya sa kaibigan na sinisira ang magandang araw niya.

"Nandito lang naman ako para ipaalala yung meeting natin mamaya." inilang higop lang nito ang kape na alam niyang mainit pa base na rin sa mukha ng kaibigan.

"Meeting saan?" tanong niya, wala naman kasi siyang maalalang meeting na napag-usapan.

"Ito na nga bang sinasabi ko eh! MAY MEETING MAMAYA! SI HOSEOK ANG NAGPATAWAG! OKAY NA?!" sigaw nito na ikinangiwi niya. Masyadong masakit sa tenga ang sigaw nito.

"Bakit kailangan isigaw! Punyeta ka!" inis niyang bulyaw.

"Sinabi ko kasi kanina hindi mo naintindihan, akala ko nabingi ka na eh." sagot nito na hawak hawak ang lalamunan. Mukhang nasaktan din ito sa ginawang katarantaduhan.

Hindi naman na nag-stay pa ang kaibigan dahil may pupuntahan pa daw itong ibang lugar.

Inasikaso naman niya ang mga papeles na pinasa sa kanya ng mga department heads ng kompanya at sinuri ang mga dapat suriin at permahan ang mga dapat pirmahan.

Hindi naman niya napansin ang oras ay kinatok na siya ng sekretarya niya.

"Sir, Sir Taehyung told me to make sure na nakaalis na kayo dito by 11." paalala nito kaya naman napalingon siya sa orasan sa table niya and it says 10:45 am.

"Salamat. I'll just fix my thing." hindi naman niya kailangang ayusan ang mga gamit dahil wala naman siyang ikinalat. Kinuha niya lang ang coat niya at ang cellphone bago lumabas para bumaba sa parking lot.

'You doin?" he sent the message to Nowi. Ni minsan ay hindi niya naisip na makipag-text sa ibang tao ng walang dapat pag-usapan. This is his first.

'Naghahanda para sa meeting niyo.' sagot naman nito makalipas ang dalawang minute niyang paghihintay. He always make time to ask Nowi what she's doing. Hindi dahil nanliligaw siya kundi dahil gusto lang niyang malaman.

BTS: PARK JIMINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon