Chapter 8

3 1 0
                                    

Chapter 8

Nowi

"Babe, tama na yan. Dun ka na lang maupo sa counter." pigil ni Nowi sa pagngunguha ni Jimin ng mga bagong stock ng cakes mula sa kusina.

"Stay there. Hangga't may oras ako, mas gusto kong nagpapahinga ka." sagot naman nito sa kanya. Ang pasaway talaga.

"Ikaw dapat ang nagpapahinga. Tatlong araw na tuloy-tuloy ang duty mo. Dapat nga umuwi ka na lang para dun nagpahinga." kumuha siya ng bimpo at siya mismo ang nagpunas sa pawis ng binata nang huminto ito dahil puno na ang mga stante.

Ganito ang set-up nila sa tuwing walang duty sa hospital si Jimin. Ilang beses na niyang sinabihan ito na mas magandang umuwi na lang ito upang sa condo nito magpahinga pero matigas ang ulo. Na kesyo mas gugutuhin pa daw nito nakikita siya.

"Wala ka bang ibang gagawin?" tanong na naman niya ilang saglit ang lumipas.

"Pinapaalis mo na talaga ako?" nag-pout pa ang loko. May pa-hawak-hawak pa ito sa dibdib na para bang nasasaktan.

"Hindi naman sa ganun, I am just concern about the things you should do pero nandito ka at nagpapakapagod dyan kung pwede namang iba ang gawin mo." mahabang sermon niya,

"Huwag kang mag-alala, may ipapakain pa rin ako sa'yo kapag nagpakasal na tayo, hindi tayo magugutom." hirit nito na may kasamang kindat.

"Bakit ang advance mo mag-isip? Kasal, pinagsasasabi mo dyan?" hindi niya mapigilan ang pamulahan ng mukha.

"Dun din naman kasi punta natin." hirit pa nitong muli, "Hinding-hindi ako bibitiw, hinding-hindi." maramdaming saad nito.

Hindi man niya sagutin ang mga hirit nito ay alam nilang pareho na nasasapuso niya ang mga bawat salitang lumalabas sa bibig nito.

"Uyy, kinilig. Di ka maka-react noh? Ang gwapo ko kasi." nabitin ang matamis na ngiti niya at nauwi sa ngiwi.'

"Okay na, eh. Masaya na sana ako eh, kailangan talagang haluan pa ng kahambugan?" alam naman niyang totoong gwapo ito, pero nagiging hobby na kasi nitong ipnag-asar yun sa kanya.

Natapos ang araw niya na hindi umalis si Jimin sa tabi niya. They manage the café together. Nang isara nga nila ito ay dinala siya ni Jimin sa isang baywalk.

Ganito ang nangyari sa mga lumipas na ilang araw. Hindi man ganun kabongga ang mga nangyayari sa kanila ay at least masaya sila.

At morning, hindi siya pwedeng hindi sunduin ng binata sa bahay nila kahit pa nga on duty ito. Kapag nagkakaron naman ng oras ay bumababa ito para samahan siyang kumain sa café, kung hindi naman ay nagsasabi itong kumain na siya at sinisiguro naman nito iyon. Pagdating naman ng hapon at walang itong duty ay ganito lang sila, walking or just siting side by side and just talking about random things between them or even things around them.

"Alam mo bang crush ko si Jungkook?" pagbubukas niya ng topic. She wants to be open with things about her feelings to her boyfriend.

"Ano namang nagustuhan mo dun?" hindi niya alam pero napangiti siya nang maringgan ng tabang ang sagot nito.

"He is my ideal type. He's nice, he's handsome, he's adorable if he wants to and he really is handsome." that was her point of view.

"I am nice, I am adorable all the time and I AM HANDSOME, thank you very much." the last part came out sarcasm.

"Why are you comparing? You're my boyfriend, he's not." and that changes everything. Sa sobrang tuwa yata nito sa nasabi niya ay bigla na lang siyang ninakawan ng halik. Hindi lang isang beses, tatlong beses pa and the last one was a not so long but sweet kiss.

BTS: PARK JIMINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon