Chapter 2

139 2 0
                                    

Naglalakad ako sa tabi ng dagat ng salubungin ako ng isang lalaking hubad ang pang-itaas na katawan habang tumatakbo papalapit sa akin. Kahit malayo ay tanaw ko kung paano bumabakat ang bawat yapak ng kanyang malalapad na paa sa basang parte ng buhanginan. Nang makalapit na siya sa akin, isang metro ang pagitan sa aking tantiya, buong pwersa niya akong tinalon at ibinagsak sa pinong buhangin at mamasa-masa pang dalampasigan. Nang maglapat ang aming katawan sa isa’t isa, nagpagulong-gulong kami hanggang sa mapadpad kami sa parteng nasisinagan at naiinitan ng araw. Pumailalim ako sa kanya sa aming paghinto. Dama ko ang init ng buhangin sa aking likuran at ang init ng katawan niya sa aking dibdib. Paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan ko at paulit-ulit ko ding sinusuklian ng tanong na “bakit” ito hanggang sa mawala siya sa aking paningin. Nakakasilaw na liwanag mula sa araw ang ngayong bumubulag sa aking paningin.

                “Gising na kumag!!!” sigaw sa akin ni mokong matapos hawiin ang blinder ng bintana. Tama! Nagising ako mula sa liwanag ng araw at pawang panaginip lang ang eksenang naiwan sa aking isipan.

                “Tsk! Aga mo yata nagising?” tanong ko sa kanya habang tinatakpan ko ang aking mga mata ng aking kanang braso. Hindi pa din ako natitinag sa aking higaan at sa halip ay pumaling ako sa kabilang direksyon ng bintana.

                “Sabi ng gumising na e! Uhm!”

                “Arekup!” napasigaw ko. Tulad ng dati, ibinabagsak niya ang mas malaki niyang katawan kumpara sa akin sa aking katawan. Para niya akong ginagawang practice dummy na akala mo ay sasali siya sa wrestling.

                Ilang sandali mula sa pamamaluktot ko. Isang tawag ang di ko inaasahang matanggap. Mabilis kong kinuha ang aking cellphone na nasa ulunan.

                “Hello?” parang musmos na tanong ni Aaron ng maunahan akong damputin ang cellphone at sagutin. Biglang nagseryoso ang mukha nito at tumalikod sa akin. Hindi ko na narinig pa ang boses nito. Kinuha ko ang isang unan at ipinukol sa kanyang likuran.

                “Mokong, tawag ko yan!” sigaw ko sa kanya. Bigla siyang lumingon matapos ko siyang sigawan at ipaalalang akin ang teleponong hawak niya. Inilagay niya ang kanyang hintuturo sa kanyang labi senyales na ako ay tumahimik.

                “Sorry, there is a kid in this room who wanted some attention. Proceed.” Sa malakas niyang boses na ang layunin ay paringgan ako. Kumuha muli ako ng unan at ibinato. Tapul sa mukha si mokong nang bigla itong humarap matapos ang tawag. Kahit di ko sinasadya, halata ko sa mukha niya ang pagkapikon. “Patay!” sigaw ko sa isipan. Inihanda ko na ang aking sarili sa isang giyera na siguradong ikakatalo ko.

                “Uhm!”

                “A-areku! A-arekup!” sa pigil kong boses matapos ang ilang beses na pag-wrestling niya sa akin.

                “Kapag may kausap ako sa telepono, tumahimik ka!” utos niya sa akin habang nakadapa ako at hawak niya ang kaliwa kong kamay sa likuran ko at nakataas naman ang kanan kong paa.

                “Opo… opo…” sagot ko na humihingi ng kaunting awa. Pinakawalan naman niya ako agad matapos ng aking pagsagot, humiga sa tabi ko at inunan ang kanan niyang braso sa ulunan.

                “Sa isang linggo, pupunta tayong Tagaytay. Mag-ayos ka dahil magtatagal tayo ng tatlong araw at dalawang gabi. Ihanda mo na din ang laptop at camera mo.” Sunod-sunod niyang sabi sa akin habang nakatingin sa kisame.

                “Bakit?” takang tanong ko naman. Tumagilid ako para masulyapan ko ang reaksyon ng kanyang mukha.

                “Tumawag yung head ng tourism ng Tagaytay. Nabasa nila ang blogs mo sa iba’t ibang lugar na pinupuntahan natin. They want you to make a blog about their place.” Seryoso pa din siyang nakatitig sa kisame.

Si Mokong at Ako (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon