Chapter 1

368 2 0
                                    

                Isang sorpresa ang natanggap ko mula sa aking mga kaibigan at mahal sa buhay sa aking ika-dalampu’t isang kaarawan. Isang sorpresang hindi ko malilimutan hanggang sa ngayon. Ang huling birthday party ko ay noong ako ay walong taong gulang pa. Makalipas ang labing tatlong taon, nasundan ito. Ito ay sa pangunguna na aking matalik na kaibigang si Aaron John Coronel.

                “Happy kaarawan tol!” bati ni Aaron sa akin sabay abot ng isang kahong kulay blue na may note pa sa ibabaw. “Sa kwarto mo na buksan.” Bulong niya sa akin matapos ang isang mahigpit na yakap.

                “CENSORED!” nakasulat sa note.

                Nang tinignan ko si Aaron, binitiwan niya lang sa akin ang isang nakakalokong ngiti. Yung ngiti na kapag nakita mo, alam mong may pangtri-trip na ginawa ang taong nagbitaw ng ngiting ganoon. Ganun na ganun ang ngiti niya. Ako naman, mapagpatol. Napailing na lang ako at naglagitik ng dila. “Ano kayang balak ni mokong?” isip-isip ko.

                Nagtagal din yung party na iyon. Umabot ng hanggang alas dos ng madaling araw dahil nasundan ng inuman ang balak na hapunan lang. At siyempre, ang inuman ay humantong sa pakikitulog ni mokong. As usual, tulad noon, sa kwarto ko siya natutulog. Magkatabi kami sa foam na inilalatag ko sa sahig. At dahil alam kong hindi nakakatulog siya ng walang yakap-yakap na unan, ipinagamit ko sa kanya ang regalong hotdog pillow ng aking pinsan. Kahit sanay na akong katabi siya, hindi ko hinayaang yakapin niya ako kahit minsan habang natutulog. Ano ako? Bading!?

                Bago ako matulog, naalala ko yung regalo niya sa akin. Habang nakaupo sa tabi niya at naka-sandal sa malamig na sementadong pader, binuksan ko ang lamp shade upang makita ang laman ng regalo. Puro CD ang laman, lima to be exact. Dahil may dvd player ako sa aking kwarto, isinalang ko ang CD. May mga bilang pala ang CD, numbers one to five, kaya yung number one ang inuna ko. VCD pala ang mga ito nang mag-play. Nalaman ko kasi nakakabit ang dvd player siyempre sa TV. Mukha ni mokong ang lumabas na kumakanta-kanta sa aking kaarawan.

%%%%%%%%%%

                “Happy Kaarawan! Two and one, twenty one.” Sa tono ng isang komersyal ng ice cream. Napatawa ako ni mokong sa una pa lang. Hindi ko akalaing magseseryoso ito matapos ang pagkanta. Hininaan ko ang volume ng TV upang hindi marinig sa kabilang silid at upang hndi din magising si mokong sa kanyang mahimbing na pagkakatulog dahil sa kalasingan.

                “Tol, naalala mo pa ba nung una tayong magkakilala? Ang dugyot-dugyot mo pa noon na naglalaro sa kalsada sa tapat ng bahay namin sa subdivision sa Alabang.” Panimula niya dahilan upang magbalik tanaw ako sa aking kabataan.

                “Bata! Bata! Anong ginagawa mo diyan?” tanong sa akin ng batang nasa loob ng isang magarang bahay habang nakahawak ito at pilit dumudungaw sa maliit na siwang ng kanilang gate.

                “Naglalaro. Bakit?” pambarang tanong ko sa kanya.

                “Anong nilalaro mo? Sali ako.” Mahina niyang tugon. Marahil ay natatakot na mahuli ng kanyang yaya.

                “Ito o!” sabay taas ko ng aking kanang kamay na may hawak ng iba’t ibang balat ng candy wrappers at tansan.

                “Basura?” tanong niya sa akin. Hindi ako nakasagot kaagad. Muli kong tinignan ang aking hawak. Tama nga siya sa kanyang pagturing dito. Mga basura ang hawak ko.

                “Pera ko ‘to!” pasigaw ko sa kanya na may halong galit na din.

                “Gusto mo dito ka sa loob? Dito tayo maglaro!” yaya niya sa akin. Pilit pa din niya akong sinisilip.

Si Mokong at Ako (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon