Ang kakaibang init mula sa kanyang labi ay parang bagong lutong kanin na kay sarap kainin. Hindi ko maipaliwanag ang kakaiba kong nararamdaman sa mga nagdadaang segundo na nakalapat ang labi ni mokong sa labi ko. Nais kong sundin ang ibinubulong ng isip ko na itulak si mokong ngsilid mas pinakikinggan ng aking kaluluwa ang pinagsisigawan ng puso kong magpaubaya. Maraming mga bagay ang pumapasok sa isip ko. Pamilya, kaibigan, kapaligiran at ang aking katauhan. Gaano ko ba kakilala ang sarili ko?
Pinilit kong tanggalin ang kamay niyang nakalapat sa aking mga kamay. Sa pagdampi ng labi ni mokong ,na tumagal lamang ng wala pang isang minuto, ay natauhan ako sa katotohanang pareho kami ng kasarian. Itinulak ko siya at natumba siya sa kanyang pagkakaupo.
Napabuntong hininga ako matapos ang ginawa kong aksyon. Ang aking mga mata namilog sa pagkagulat at pagtataka sa ginawang iyon ni mokong. Napatingin ako sa kanya matapos ko siyang itulak.
Nakatukod ang siko ni mokong at kunot noong nakatingin sa akin na para bang nagbabato ng katanungang “BAKIT”. Ang mga mata ay nagungusap, nagsasabing siya’y nabigla. Ramdam ko ang kasabikang kinahantungan ay pagkabitin. Lumipas ang ilang segundong pakikipagtitigan at siya ay nagsalita.
“Bakit?” tanong ni mokong habang iniaayos ang sarili para umupo. Hindi nagtagal ang tingin niya sa aking mga mata. Matapos umupo sa ayos ay ibinalik niya ang mga tingin sa telebisyon.
“Bakit?” balik kong tanong sa kanya. Hindi ko pa din inaalis ang tingin ko kay mokong. Hawak ko ang ibabang labi ko at pinakikiramdam si mokong.
Hindi niya sinagot ang tanong ko at sa halip, pinatay na niya ang TV at tumayo. Kinapitan niya ng mahigpit ang kanang braso ko nang kaliwa niyang kamay at ako’y itinayo. Pilit niya akong itinulak sa pintuan ng kanyang silid. Binuksan ni mokong ang pinto at dinala ako palabas.
“Bakit!?” tanong niya sa tonong mataas. Salubong ang kilay niya pataas na wari ko’y pinahihiwatig niyang alam ko ang sagot sa tanong ko.
“Moks!?” magulo pa din ang utak ko. Naguguluhan sa kanyang ikinikilos. Pumasok na si mokong sa kanyang silid at nang bigla niyang isasara ang pintuan ay iniharang ko ang aking kanang kamay para pigilan ito.
“Arekup!” pigil kong sigaw upang hindi marinig ng mga katabing silid. Napapikit ako sa sakit pero binalewala ko ito para makausap pa ng mas matagal si mokong.
“Kung hindi mo aalisin yang kamay mo diyan, dudurugin ko yan!” nanlilisik ang kanyang mga mata habang sinasabi ang mga katagang iyan. “Bakit di mo kaya panoorin yung CD#4 para malaman mo ang sagot sa tanong mo!” at pwersahan niyang ibinalabag muli ang kanyang pinto. Hindi ko pa din inalis ang kamay ko.
“Arekup!” pigil ko uli. “Kausapin mo nga ako ng maayos!” sigaw ko na sa kanya ng mapuno na ako. Kumuha muli siya ng pwersa para ibalibag ang pinto. Sobrang sakit na ng kamay ko kaya tinanggal ko na lang ito kaysa kumuha muli ng panibagong pitpit mula sa pinto. Tuluyan ng naputol ang usapan namin ni mokong.
Gamit ang kaliwang kamay, kinuha ko ang susi ng pinto ng silid ko sa bulsa ko. May katagalan din bago ko mahugot ang kaliwa kong kamay mula sa kanan kong bulsa. Nanginginig pa ang kaliwa kong kamay habang ipinapasok ang susi sa doorknob at pihitin ito hanggang sa magbukas.
Kinabig ko ang pinto at naupo sa kaliwang parte ng kama. Inilaylay ko na lang ang kamay ko kaysa itukod ito sa higaan gaya ng pagtukod ko ng kaliwa kong kamay. Naisip ko ang CD#4 at bumalik sa isip ko ang sulat mula sa kahon. May pumasok sa silid ko ng walang paalam at kinuha ang isa sa regalong CD ni mokong sa akin. Kinuha ko mula sa kahon ang sulat at muling binasa.
BINABASA MO ANG
Si Mokong at Ako (boyxboy)
RomanceKayo ba talaga sa isa't isa o papakawalan mo siya? May destiny ba talaga? Please Comment & Share. :)