Chapter 2

6 0 0
                                    

Her PoV

"Anak, lumaban ka hah, please" mangiyak ngiyak na sabi ni mommy habang hawak hawak ang kamay ko. Katabi nya si Daddy at ang nakababata kong kapatid.

Kambal kami actually, pero sabi nila ako daw ang panganay dahil ako ang unang lumabas. Hindi kami magkamukha dahil kamukha ko si mommy samantalang nakuha naman nya ang hitsura ni daddy. Mas maputi sya saakin dahil namana nya ang kutis ni daddy samantalang nakuha ko naman ang pagka-morena ni mommy.

"Ma naman, strong kaya tong anak mo" nginitian ko sya

"Promise po, kakayanin ko. Lalaban ako" pagpapalakas ko ng loob nya

Ngumiti sakin si Daddy pero kita sa mga mata nya ang kalungkutan,  habang ang kapatid ko naman ay nakatingin lang sakin ng walang emosyon.

Alam kong nahihirapan na sila mommy sa kalagayan ko. Minsan ay gusto ko na rin sumuko pero sa tuwing iisipin kong sumuko ay naaalala ko sina mommy at daddy na patuloy ma lumalaban para saakin. Yun ang ginagawa kong inspirasyon para mabuhay.

Bata palang ako ay mahina na ang katawan ko. May sakit rin ako sa puso, may tatlong butas ang puso ko at kung hindi ito agad mapapalitan sa lalong madaling panahon ay baka hindi na magtagal ang buhay ko.

Mabuti na lang at nakahanap sina mommy ng heart donor kaya pwede na akong operahan  bukas ng gabi.

Sana kayanin ng katawan ko, sana kayanin ko. Sana...

Umalis sandali sina mommy at daddy para kumuha ng gamit ko sa bahay.Medyo malayo ang probinsya dito kaya baka matagalan sila. Naiwan si Sunny,  ang nakababata kong kapatid para bantayan ako.

Naalala ko pa ang huling eksena dito sa kwarto bago sila umalis

[Flashback]

"Sunny, Ikaw muna ang magbantay sa ate mo, Uuwi kami sa bahay para kumuha ng gamit na kakailanganin ng ate mo at ihahatid ko na rin ang mommy mo sa trabaho nya"

"What?  but daddy, Prom namin mamaya" reklamo ni Sunny

"Anak, intindihin mo nalang muna ang sitwasyon, kelangan mong bantayan ang ate mo--"

"but daddy, nakaprepare ang gown k----"

"aalis na kami ng mommy mo. No more buts Sunny" lumabas ng kwarto si daddy bago pa makasagot si Sunny.

Naaawa ako sa kapatid ko, kahit na gusto kong makiusap kay daddy na payagan syang pumunta sa Prom nya alam kong hindi papayag si daddy. May isa syang salita.

Alam kong pangarap ni Sunny na makaattend ng prom. Dati nya oa nakwekwento sakin yun nung mga bata pa kami.

Nung mga panahong close na close kami.

[End of Flashback]

Ilang araw na rin akong nandito sa Hospital. Naghihirap sa kung ano anong ikinakabit nila sakin at sa mga gamot na kailangan kong inumin.

Isang nakakabinging katahimikan ang  nagdaan bago nagsalita si Sunny.

"Ano na ate? nasayo nanaman lahat ng atensyon nila, masaya ka ba? masaya ka ba na ako nalang lagi ang nagdudusa?" mapaklang sabi nya

Hindi ko pala nasabi sainyo, Hindi kami magkasundo ng kapatid ko.
Nawawalan ng oras sina mommy at daddy sakanya dahil sa sakit ko. Lagi nalang ako ang inaatupag nina mommy at daddy.

Hindi ko sya masisisi kung nagkaganyan sya sakin dahil kasalanan ko naman talaga ang lahat. Kung hindi sana dahil sa pesteng sakit na ito, sana lagi akong nasa tabi ni Sunny sa tuwing kailangan nya ng ate.

Nagiging pabigat pa ako sakanya dahil hindi sya pinapayagan nina mommy na gumala kasama ng mga kaibogan nya dahil sakin. Laging sya ang naiiwan para bantayan ako sa tuwing nacoconfine ako sa hospital.

Sya nalang ang nag-aaral saaming dalawa dahil hindi kaya ng puso ko na masyadong mastress sa eskwelahan.

"Sunny---"

"Ate Sunshine ikaw nalang lagi. Mula palang nung mga bata pa tayo ikaw na ang pinapaburan. Kahit gaano kadami ang awards ko sa school hindi nila ako napapansin dahil sayo. Tapos ano?  maaalala lang nila ako kapag walang magbabantay sayo?  tss grabe" putol nya sa sinasabi ko

Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak. Nakakalungkot isipin na naghihirap ang kapatid ko dahil sakin.

Busy lagi sina mommy at daddy sa trabaho kaya halos hindi rin sila umuuwi sa bahay at sa tuwing may free time sila ay ako agad ang pinupuntahan kaya nawawalan na sila ng time para kay Sunny.

Awang awa ako sa kapatid ko. Hindi nya dapat nararanasan ito. Kung hindi lang sana ako mahina.

pinunasan nya ang mga luhang naglandas sa mga mata nya at muling humarap sakin.

"Alam mo ang hiling ko ngayon? sana hindi ka na gumising pagkatapos ng operasyon mo"

yun lang ang sinabi nya bago umalis

Dave's PoV

"Bad trip naman! I'm bored!" I hissed at pinagsisipa ang puno ng mangga na nasa harapan ko.

"alam mo bang nasasaktan din ang mga puno? " Napatigil ako sa ginagawa ko

May narinig akong cute na boses. Boses ng babae.

Lumingon ako sa likuran. Walang tao?

Napalinga-linga ako sa paligid pero wala talagang tao.

Shit ito ba ang nagagawa ng boredom?!  takte!  I miss my gadgets!

"hmm... kung lilingon ka po sa taas makikita mo ako hihihi"

at dahil dun napalingon ako sa may taas ng puno.

And boom! May anghel!

Ang ganda nya shet! Sakanya pala yung boses na yun.

Maybe,  if I'm not in the state of shock ay mapapakanta nalang ako ng...
I found the love... for meee...

"Ahm... kuya patulong po bumaba hihihi"

Baliw rin pala to =_=

Ang lakas ng loob na umakyat sa puno pero di marunong bumaba. Galeng =__=

Pasalamat sya cute sya tss

I was about to hold her hand ng bigla syang madulas. And with my fast reflexes ay nasalo ko sya.

dug-dug  dug-dug

Ghad! my heart!

"A-ah,  sorry po ah,  tawag na yata ako samin hehe" sabi nya sabay tumakbo papalayo

I was stunned. Hindi mawala sa utak ko yung mukha nya,  she's really an angel.

Pero may bigla akong naalala kaya napatakbo ako papunta sakanya.

"Oh?  bakit po?" tanong nya ng makita akong hinihingal

"I forgot to ask your name" I said

"I'm Dave, by the way" dugtong ko pa

Kita kong parang napaisip sya sandali bago sumagot

"A-ako si Sunny" sabi nya

What a nice name. Bagay sakanya.

"It's nice to meet you Sunny, till we met again." sabi ko

"same here Dave" sabi nya saka naglakad na ulit papalayo.

Inlove with the thought of YouWhere stories live. Discover now