Dave's PoV
"A-ako rin Dave, may sasabihin rin sana ako sayo" sabi nya.
"Sige, ikaw muna" sabi ko sakanya ng nakangiti
Nanibago naman ako ng hindi sya ngumiti sakin pabalik.
"K-kasi Dave, kelangan ko ng bumalik sa Manila mamaya." sabi nya sakin.
That's the worst thing I heard today.
Hindi ko na sya makakasama. Baka kasi sa makalawa pa ako sunduin ni daddy dito."Ah ganun ba? san ka pala nakatira sa Manila? para mapuntahan nalang kita dun?" I asked
"Sa, ************ Condotel, Dave. Dyan kami pansamantalang tumutuloy" She answered.
Napangiti naman ako dahil malapit lang yun sa Hospital na pinagtratrabahuhan ni Mom. Pwedeng pwede ko syang madalaw.
"Ah, nga pala, Yung sasabihin ko" sabi ko sakanya
Nilabas ko rin yung bracelet sa bulsa ko at pinakita sakanya.
Ng akmang isusuot ko na sana sakanya yun, bigla nalang syang nagsalita.
"K-kelangan ko ng umalis, Dave. Malapit na ang oras ko" Sabi nya at biglang inabot sakin ang isang papel.
"4820" basa ko sa nakasulat dun.
Lumingon ako kung saan ko sya huling nakita para sana tanungin kung para saan yun pero wala na sya.
Sinubukan kong hanapin sya sa paligid pero wala.
Ni hindi ko manalang naibigay sakanya tong ginawa kong bracelet.
Sunny's PoV
Ilang dalawang linggo na ang nakaraan mula nung gabi ng operasyon ni ate pero hanggang ngayon hindi parin sya nagigising.
Nandito ako ngayon sa tabi ng kama nya. Hinawakan ko ang kamay nya.
"A-ate, kelan ka ba gigising dyan?" sabi ko.
Sabi kasi ng doktor, under observation pa daw sya. Hindi pa masabi kung kelan o kung magigising pa sya. Successful naman ang operation ni ate sa puso pero inoobserbahan palang kung kayang tanggapin ng katawan nya ang bagong puso
Iisa lang ang hiling ko ngayon. Sana. Sana kayanin ni ate. Gusto ko na syang magising para magkwento sakanya.
<<Flash Back>>
(Night of the heart transplant)Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga nakahilerang upuan sa tapat ng operating room kung saan naroroon si ate.
12:37am na pero hindi parin tapos ang transplant ni ate.
Tss. Dapat natutulog na ako ngayon eh. Pero hindi ako makatulog. Sina mommy at daddy naman, nandito sa tabi ko. Nagdadasal yata sila.
"Anak nagtatampo ka parin ba?" tanong ni mommy sakin.
aba tapos na yata sila nagdasal para kay ate kaya ako naman ang naharap nya.
Ganyan naman lagi eh. Laging si ate yung inuuna tapos pag tapos na sila kay ate saka naman ako.
Hindi nalang ako sumagot.
"Anak, pagpasyensyahan mo na kung hindi ka namin napapunta sa prom nyo"
Hindi parin ako kumibo.
"Iniisip lang namin ang kaligtasan mo"
I gritted my teeth.
"Iniisip ang kaligtasan ko o iniisip si ate?" mapakang sabi ko
Alam ko na to eh. Sya naman lagi. Sya naman talaga. Sya lang naman talaga ang mahalaga sakanila.
"Anak, hindi ganun yun"
Tss
"Iniisip ka namin lagi ng daddy mo. Lalo na ang ate mo" sabi nya
Tsk mga plastic.
"Ang ate mo ang nagkumbinsi saamin na huwag kang---"
bago pa matapos ang sinasabi ni mommy ay nagsalita na ako
"Edi lumabas rin yung totoo. May pa awa awa effect pa sya eh ang totoo naman nyan ayaw nya lang ako sumaya. Napakamakasarili nya. Sana nga mamatay na sy---"
*pak*
Isang malutong na sampal ang natanggap ko kay mommy.
Parang namanhid ang kaliwang pisngi ko. Napatingin ako sakanya. Puno ng galit ang mga mata nya.
"Ni minsan ay hindi ka pinabayaan ng ate mo, sya yung may sakit pero laging kapakanan mo ang iniisip nya. Pinilit nya kami ng daddy mo na samahan ka sa prom night nyo. Gusto ni Sunshine na magsaya ka ng gabing yun. Kahit wala ng magbantay sakanya basta magsaya ka ay okey sya. Kami ng daddy mo ang tumutol. Masyado kaming busy para bumyahe pa ng napakalayo. Ayaw ng ate mo na hayaan ka naming mag-isang pumunta dun dahil pinroprotektahan ka nya, sa lahat ng bagay, ikaw ng iniisip nya. Sunny, alam mong nasayo lahat ng saya, ikaw lang ang nakaranas mag 7th birthday habang ang ate mo ay nagcelebrate lang sa hospital. Nasubukan mong mag-gown nung 16th birthday mo pero ang ate mo, nagpapakahirap sa sakit nya. Mahal na mahal ka ng ate mo. Wag mo na sanang hintayin na pagsisihan mo lahat ng hiniling mo" sabi nya bago umalis.
Natulala ako.
Ganun na ba ako kasamang kapatid?
Hindi ko manlang inisip na, mas maswerte pa pala ako sakanya dahil nagagawa ko ang mga gusto ko habang sya minsan ay hirap pang makatayo.
Masyado akong nilamon ng inggit at galit.
Napaiyak nalang ako. Ako dapat yung nasa tabi ni ate nung mga panahong nanghihina sya. Pero anong ginawa ko? Lalo ko pa syang sinaktan.
Ang sama sama ko.
Napahagulgol nalang ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Kulang pa ang sampal ni mommy.
Hindi ko dapat hinayaang mag-isa si ate.<<End of Flashback>>
"Ate gising ka na, may isusumbong pa ako sayo eh" sabi ko sakanya. Hawak kawak ko parin ang kamay nya ng may bigla akong marinig.
Isang tunog na pinakakinatatakutan kong marinig.
Sinalakay ng matinding kaba ang sistema ko ng marinig kong tumunog ang monitor na nagpapakita ng kondisyon ni ate.
Agad akong tumawag ng doktor.
Maraming taong nakaputing uniporme ang pumasok dito sa kwarto. Kung ano ano na ang ginawa nila kay ate.
Pero parang tigil ang mundo ko ng makita ko ang nasa monitor.
Straight line
YOU ARE READING
Inlove with the thought of You
Short StoryNasubukan mo na bang magmahal? Ako oo, pero maling mali yun. Dahil maling tao ang minahal ko.