Dave's PoV
Nandito nanaman ako ngayon sa silong ng puno ng manggan kung saan ko unang nakita si Sunny kahapon.
To be honest inaasahan kong makikita ko ulit sya ngayon dito.Maganda rin pala dito sa Probinsya. Ang ayaw ko lang talaga ay yung wala akong gadgets!
Hindi ko rin alam pero bigla nalang akong nalungkot. Parang masyadong tahimik dito. Hinahanap hanap ko rin yung mga ingay ng sasakyan sa Manila.
"Huhuhu nasan na kaya yun?" napamulat ako ng mata ng marinig ang mala anghel na boses na yun. Ang pamilyar na boses na yun.
"Hmmm. Ano ba hinahanap mo?" tanong ko
bigla naman syang napatingala dito sa taas ng sanga kung saan ako bahagyang nakahiga.
"Yahhh! Hellooo Daveee" sabi nya.
Napangiti ako. She's so cute.
Tumalon ako pababa na medyo ikinagulat pa nya. Hindi naman ganun kataas yung sanga kaya madali lang para sakin na talunin yun.
"Hi, hmmm. ano nga ulit yung hinahanap mo?" tanong ko sakanya
"Ah yung isang hikaw ko, nahulog yata dito kahapon" sabi naman nya.
Hikaw?
ohhh maybe the sunflower earing she's wearing yesterday. Yeah! napansin ko nga yun na suot suot nya.
Bahagya pa syang yumuko upang hanapin sa damuhan ang hikaw nya.
I did the same thing. Yumuko ako at sinimulang hanapin yung hinahanap nya.
"A-anong ginagawa mo?" napalingon ako sakanya ng bigla syang magtanong
"Auh, helping you?" patanong na sabi ko
"Wieeee really?. Thank you" masiglang sabi nya
*chuckle*
She's really cute.
"Taga saan ka po pala?" She asked
Magkataliguran kaming naghahanap kaya hindi ko sya makita
"Hmm. Ngayon lang kasi kita nakita dito eh" dugtong pa nya
"Yeah haha, Nung nakaraang araw lang ako dumating dito. Pinagbakasyon lang, how about you?" I asked
This time ay nakaharap na ako sakanya at ganun rin sya.
Naghahanap parin kami sa damuhan pero pasimple akong sumusulyap sulyap sakanya.
Napaka seryoso nya sa paghahanap. Ganun ba kaimportante yung hikaw na yun sakanya?
"Dito kami nakatira. Eksaktong 50 meters away dito sa punong to ang bahay namin. "
Tumango lang ako habang nakatingin sakanya
Hindi ko talaga maialis ang titig ko sakanya. Lalo pa at naaarawan ang maganda nyang buhok.
She's beyond beautiful.
Isang mahabang katahimikan ang namayani saamin. Tumigil na ako sa paghahanap at nakatingin nalang sakanya habang sya ay patuloy parin sa paghalungkat sa damuhan.
"Lagi akong nakatambay dito sa silong ng puno na to" panimula nya. Hindi ako sumagot at nag antay na lamang ng sasabihin nya.
"Mahangin kasi dito at magandang matulog. Minsan pa nga ay kinakausap ko ang mga ibon na naglalagi dito sa punong to" Humagikhik sya
Shet ang cute! Sarap sa ears amp!
Bigla namang nalungkot ang ekspresyon ng mukha nya.
"Kaso hindi na ako madalas na makapasyal dito. Lagi kasi kami sa Manila."
"Lagi sa Manila? bakit?" Tanong ko
Hmmm. Madali ko lang pala syang mapupuntahan kung sa Manila.
"Kelangan kasi. Medyo marami ring ginagawa ang parents ko kaya yun. Madalas na kami sa Manila."
Sabi nya rin
"Pero paminsan minsan ay Umuuwi kami dito" dugtong pa nya
Tumango lang ako. Shems ang cute nya talaga.
Tumigil na rin sya sa paghahanap at nag indian seat sa harap ko.
"Hays, hindi ko na yata mahahanap yun" She said. Kita ko ang lungkot sa mukha nya pero ngumiti rin naman sya agad at humarap saakin.
"Wow, may caterpillar oh" sabi nya sabay turo sa parte ng puno. Oh meron nga.
Hmmm. Obviously she's a Nature lover .
"Hey Sunny, do you wanna see some magic?" I asked.
Natigilan sya at lumingon saakin.
"Yeah hihihi" excited na sabi nya
"Wait here, I'll be back" I said.
Dali dali naman akong naglakad papunta sa bahay ni grandma at grandpa.
Nadaanan ko pa nga si Jetro
"Huy baklush! kanina ka pa hinahanap ni lola. May ipapagawa yata"
What the heck did he just called me?
Tss hayaan na nga. Masyadong maganda ang mood ko ngayon kaya yeah.
"I'll just do it later" sabi ko at umalis na matapos kong makuha ang pakay ko
Narinig ko pang bahagya nyang sinigaw ang mangalan ko pero hindi na ako lumingon.
Napangiti ako ng matanaw ko si Sunny na parang naiinip na sa kahihintay sakin sa silong ng puno ng mangga
Tinago ko muna sa may bandang likuran ko ang dala ko bago tuluyang makalapit sakanya.
"Hi ulit Dave, bat ang tagal mo?" sabi nya
pffft may pagkamainipin pala ang isang to.
"Nothin' pffft" I replied
"Oh? nasan na yung Magic yieeee dalina Hihihi I'm so excited"
Ngumiti lang ako sakanya at inilabas ang isang pirasong sunflower na pinitas ko kanina sa bakuran nina grandma.
I saw her smiled. Namula ang pisngi nya at hindi makatingin sakin ng diretso pero kinuha nya parin ang iniaabot kong bulaklak
Sheeez! Cuteee!
"T-thank you" she said.
Yung feeling? Priceless. Ang ganda ng ngiti nya.
*lub-dub* *lub-dub*
I- I think I'm in love.
YOU ARE READING
Inlove with the thought of You
Short StoryNasubukan mo na bang magmahal? Ako oo, pero maling mali yun. Dahil maling tao ang minahal ko.