Epilogue

2 0 0
                                    

Dave's PoV

Nandito ako ngayon sa Office ni mommy dito sa ******** Hospital.

Kararating ko lang dito sa Manila kagabi at dito agad ako naisipang dalhin ni mom.

Gamit ang cellphone ko ay nag sscroll lang ako ng mga memes sa fb ng maisipan kong hanapin ang pangalan ni Sunny.

I searched the name Sunny.
Eh? Ang daming lumabas na may pangalang Sunny.

The heck! I forgot to ask her surname damn! Napakatanga naman Dave!

Dahil sa frustration ay naisipan ko nalang na lumabas ng office ni mom at maglibot libot nalang muna.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ko ng may maaninag akong isang babaeng tumatakbo.

Parang familiar yung likod nya. Napatakbo ako papunta sa direksyon nya ng marealize kong sya si Sunny.

"Sunny!" tawag ko sakanya

Bigla naman syang napahinto sa pagtakbo at humarap sakin.

Shez! buti nalang dala ko yung bracelet na ginawa ko para sakanya.

Kinuha ko yun mula sa bulsa ko at akmang isusuot na sa kamay nya ng bigla syang magsalita.

"I'm so sorry, Dave. I need to go, my time is up" sabi nya. Kasabay nun ay ang paglabas ng isang babae sa hospital room na nasa tapat lang namin.

Hindi ko alam pero mag kung ano na nagtutulak sakin na pumasok sa kwarto na yun.

Lumingon ako ulit sa kinaroroonan ni Sunny pero wala na sya dun.

Nilibot ko ang paningin ko pero imbis na sya ang makita ko, numirong 4820 ang tumambad sakin. Yun ang number ng kwarto na nilabasan nung babae.

Naalala ko yung binigay na papel sakin ni Sunny. 4820 rin ang nakalagay dun.

Hindi kaya?..

Papasok na sana ako sa silid ng bigla namang bumalik yung babae kanina pero sa pagkakataong ito ay may mga kasama na syang hindi bababa sa limang doktor o nurse.

Pumasok silang lahat sa room 4820

Bakit? anong meron?

Sumilip ako at hindi ko akalaing pagsisisihan ko pala na ginawa ko yun.

I saw Sunny, lying in the bed habang nirerevive sya ng mga doktor.
Pero ang pinaka nakapagpahinto ng oras ko ay ang nakita ko sa monitor.

Straight line

"Time of death, 2:34pm. I'm so sorry miss, pero hindi kinaya ng katawan nya na iabsorb ang bagong puso na sinalin sakanya." sabi nung doktor dun sa babaeng ngayon ay humahagulgol.

Hindi ko namalayan na may tumulo na rin palang luha sa mga mata ko.

Bakit naman ganun? Naguguluhan ako. P-paano nangyari yun?

B-bakit, bakit nya ako iniwan agad?

Walang pasentabe akong pumasok sa room 4820. Nakalabas na rin yung mga doktor at malamang ay kinokontact na nila ang mga magulang ni Sunny sa may front desk.

Naiwan lang dito sa loob yung babae kanina.

"S-sino ka?" tanong nya sa pagitan ng paghikbi.

"Ako si Dave, K-kaibigan ako ni Sunny" sabi ko.

Bigla namang tumaas ang isang kilay nya.

Naglakad ako papunta kay Sunny at hinawakan ang malamig nyang kamay.

"Sunny, bakit? n-naguguluhan ako" sabi ko.

P-pano nangyari?

"Teka, bitawan mo ang ate ko" hinablot nya ang braso ko

"N-nagpakita sya sakin, nagpakita sakin si S-sunny" sabi ko sakanya

Sunny's PoV

"N-nagpakita sya sakin, nagpakita sakin si S-sunny" sabi nung lalake. Sino ba to?

Magsasalita na sana ako ng biglang pumasok sina mommy at daddy sa pinto.

"Sunny anak, anong nangyare sa ate mo?" tanong ni mom.

Umiling ako. Hindi ko kayang magsalita.

Limapit sila sa bangkay ni ate Sunshine.

Binigyan naman sila ng daan nung lalaking weirdo.

Kita pa ang pagtataka sa mukha nya ng tinawag ni mommy na Sunshine si ate.

May bigla namang pumasok na doktor.

Kinausap ni mommy at daddy yung doktor about kay ate.

Hindi parin ako makapaniwala. Iniwan nya na kami.

Ni hindi manlang kami nagkabati bago nya ako iniwan.

Dinala na nila si ate sa Morgue pero nagpaiwan ako dito.

"I-ikaw si Sunny?" tanong sakin nung lalake.

Tumango lang ako bilang sagot.

"Sya si Ate Sunshine" sabi ko

Dave's PoV

"Sya si ate Sunshine"

Mas lalo akong nalito. B-bakit?

Sumunod ako sa mga magulang ni Sunn---eh? Sunshine papunta sa morgue.

Kinakausap nila ngayon yung doktor kaya lumapit muna ako kay Sunny---err Sunshine rather

"Heto nanaman yung mga luha ko. Takte kasalanan mo to eh. Bakit ka bigla biglang umaalis" sabi ko.

Napansin kong iisa lang ang hikaw na suot nya.

Alam ko na to eh. Unti unti ko nang naiintindihan.

"Bakit ka nagpakilalang si Sunny? Bakit? Bakit ka nagpakita sakin? " tanong ko sakanya

"Pwede bang ipaliwanag mo sakin kung bakit? nalilito na ako" sabi ko.

Nahulog ako sakanya sa maikling panahon, hindi ko inasahan na masasaktan pala ako ng sobra sobra.

Iniwan nya ako. She left me dumbfounded.

Inlove with the thought of YouWhere stories live. Discover now