Chapter 3

3 0 0
                                    

Dave's PoV

"Ipasok ang isa.Hilain.Ipasok ulit.Tas hilain.Gawing dalawa,ipasok tas hilain uli.----Hoy Jetro!  tama ba tong ginagawa ko?" tanong ko dun  sa bakla

Takte ang hirap naman pala gumawa ng bracelet.

"Jessy nga kasi fren ang kulit mo naman naku pasalamat ka pinsan kitang fafable ka kundi gagahasain talaga kita-----uy joke lang sama naman ng tingin!" sabi nya habang tumatawa.

=__=

"Naninibago talaga ako sayo,  akala ko ba ayaw mo gumawa nyan?  Niretohan mo pa nga ako ng Iphone 7s para lang ako gumawa nung 30pcs na bracelets eh"

Bat ba ang daldal nitong baklang to?  =_=

Pero he has a point,  bat ko nga ba ulit ginagawa to?

Yeah,  because of her. I wanna give her this bracelet whenever we meet again. Sana makita ko sya ulit.

Sunny's PoV

Pabagsak akong humilata sa sofa na nasa kaliwang bahagi ng hospital bed na kinaroroonan ni ate Sunshine. Natutulog lang sya kaya tahimik madyado dito.

Napagod ako sa byahe kanina, pagkarating kasi nila dito galing probinsya ay sinamahan ko si Daddy na umalis. Si mommy muna ang naiwan dito kasama ni ate.

Masyado na silang busy ngayon kasi mamayang gabi na ang operasyon ni Ate.

At dahil bakasyon na,  sigurado akong ako nanaman ang magbabantay dito.

Naiinis parin ako kasi dahil sakanya hindi ako nakapunta sa prom night namin kagabi.

Nakakainis!

Hays makatulog na nga lang tss.

………

"huhuhu" daing ko dahil sa pagkakadapa. Nasugat pa ang tuhod ko huhuhu pagagalitan nanaman ako ni Mommy nyan eh

Bigla naman akong nilapitan ni Ate Sunshine

"Hala Sunny, anong nangyare? may sugat ka" tanong nya. Tinulungan nya akong tumayo at pinagpagan ang damit kong nadumihan

"Tara,  hugasan natin para hindi na sumakit" sabi nya sakin

Tumango nalang ako. Mas maalam kasi sya sakin tungkol sa paggagamot. Pangarap ni ate ang maging doktor pag lumaki na kami. Noong eight years old palang kami marami na syang alam sa paggagamot. Lagi rin kasi sila sa hospital nina mommy at daddy kaya sya natututo.

Pagkatapos hugasan ni ate ang sugat ko ay nilagyan nya naman yun ng bandaid para daw hindi marumihan.

"Hala ate,  bat mo hinalikan yung band aid?" tanong ko.

"Para madaling dumaling hihihi" sabi nya sakin

Niyakap ko sya sa sobrang tuwa. Ang sweet sweet talaga ni ate.

"Thank you ate" sabi ko

"You're welcome Sunny,  sa susunod mag iingat ka na hah, wag mo nalang ipakita yan kay mommy para hindi ka mapagalitan" sabi nya.

Lagi akong pinagtatanggol ni ate kina mommy kaya mahal na mahal ko sya.

………

Nagising ako sa katahimikan ng paligid,  minsan talaga hindi mahimbing ang tulog ko pag hindi ako nakikinig sa kanta.

Nagtaka ako ng pagkagising ko ay may kumot at unan na ako.

eh?

Napatingin ako kay ate Sunshine na mahimbing paring natutulog sa kama.

Napatingin naman ako sa pinto ng bigla yung bumukas.

Dumating na pala sina mommy at daddy.

Humalik ako sa pisngi nila.

"Kamusta ang ate mo?"

Yan agad ang bungad sakin ni daddy.

Si ate nanaman tss

Hindi manlang nila tinanong kung kamusta na ako.

"H-hindi pa po sya gumigising" sabi ko

May tampo parin ako sakanila dahil sa hindi nila pagpayag na pumunta ako sa prom kagabi.

Pinuntahan na ni daddy si Ate para gisingin samantalagang si mommy naman ay tumabi sakin.

May dala pala silang mga pagkain.

"Pakiayos nga muna itong mga pagkain dun sa lamesa anak, para makakain na tayo at sigurado akong gutom na ang ate mo" sabi ni mom

Hindi na ako sumagot at sinunod nalang ang sinabi nya.

Bakit ba puro nalang si ate ang iniisip nila?  tss ano ba ako?  anino?

"D-dad" dinig kong sabi ni ate.

"Yes daughter?  may masakit ba sayo?" nag aalalang tanong ni daddy

"wala naman po,  dad. Medyo nanghihina lang po"

tss kadramahan.

"Halika na at maghapunan na tayo para lumakas ka" inalalayan ni daddy si ate na umupo.

Sabay sabay kaming kumain pero nanahimik lang ako habang nagkwekwentuhan sila.

Matapos ang ilang oras ay may mga pumuntang doktor para kunun si ate,  ooperahan na daw sya.

Dave's PoV

Maaga akong nagising dahil sa gutom.
Nakalimutan ko nga palang maghapunan kagabi. Nawili kaya ako sa paggawa nung bracelet eh. Pero hanggang ngayon hindi ko parin nagegets yung tamang pagkakaayos ayos ng mga sinulid kaya hindi ko pa matapos tapos.

Lumabas na ako ng kwarto at nadatnan si grandpa na nagtitimpla ng kape. Si grandma naman at yung bakla ay umiinom na ng kape at kumakain ng biskwit sa hapagkainan.

Takte 4am palang ah,  ang aga naman nilang nagising.

"Oh,  Jupiter apo,  gising ka na pala" sabi ni Grandma. Muntik pa akong mapa irap dahil sa tinawag nya sakin

Oh come on guys,  masanay na kayo sakin,  lagi akong umiirap. Marami akong mannerisms na gawain ng mga babae dahil puro babae ang mga kababata ko sa Manila. Pero lalaking lalaki ako.

I really hate it when they're calling me by my second naman tss

umupo na lang ako sa bakanteng upuan , tumabi naman sakin su Grandpa at nag offer ng kape kaya tinanggap ko yun.

Nagsimula nanan silang magkwentuhan about some random topics. Pero madalas ay hindi ako makarelate.

I really missed my gadgets.

"Ikaw, Jupiter, may nililigawan ka na ba?" biglang tanong sakin ni grandpa

"w-wala po" sagot ko

"Talaga lang dai?  eh nagugustuhan?" tanong naman ni Jetro.

Bigla ko namang naalala si Sunny.

"Yes, meron" sagot ko. I won't deny it

"Hala hala lo namumula oh" sabi nya sabay naman turo sakin

The heck is he talking about?!

Ako?  namumula??

Bakit ba napunta sakin ang topic?  nananahimik lang ako dito eh =__=

"Naku napakaswerte naman ng nagugustuhan mo,  pero bakit hindi mo pa sya nililigawan?  sigurado ay maganda sya" komento ni grandma

Am I supposed to tell them that I just met her yesterday?





Inlove with the thought of YouWhere stories live. Discover now