"DOMENICO, my Lord, I offer you my son for power and wealth that I want to claim. Please, take it."
"No!" Pigil ni Selene sa kanyang asawa, na inaalay ang kanilang anak sa kanilang Panginoon. Gapos siya ng dalawang lalaki kaya hindi niya magawang lapitan ang kanyang anak na noo'y nasa kamay na ng kanilang Panginoon.
"My pleasure, my dear slave. Your son is my first choice," sabi naman ng kanilang Panginoon.
"Please, no!" naghihinagpis na pigil ni Selene, ngunit biglang bumiyak ang malaking bilog na nasa gitna ng malawak na bulwagan.
Lumapit Ang kanilang panginoon sa butas habang inaangat ang kanyang isang taong gulang na anak na lalaki. Wala siyang nagawa nang ihulog nito ang anak niya sa butas. Hindi kinaya ng kanyang katawan ang labis na emosyon kaya bigla siyang hinimatay.
TUMULO ang luha ni Grego, nang makitang nilamon ng mainit na butas ang kanyang anak. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay biglang iniluwa ng butas ang kanyang anak. Kinuha ito ulit ng kaniyang Panginoon at iniangat. Wala nang malay ang isang taong gulang niyang anak.
"Finally! The son of darkness and death is now born!" anunsiyo nito.
Bigla na lamang namatay ang mga apoy ng kandila na nagsisilbing ilaw nila. Lumindol at pumasok ang kidlat sa templo. Tinamaan ang mga bampirang nakapaligid maliban sa kanya. Inihulog muli ng kanilang Panginoon sa butas ang bata. Tanging pulang liwanag mula sa butas ang nagsisilbing ilaw.
Makalipas ang halos isang oras ay may lumitaw na bulto ng lalaki mula sa butas. Nagulat si Grego nang makita ang kanyang mukha sa lalaking lumitaw. Wala itong anumang saplot sa katawan.
Nang makita niyang pinapatay ng lalaki ang mga kasama niyang alipin ay tumakbo siya palapit sa hinimatay niyang asawa. Akmang bubuhatin niya si Selene ngunit natigilan siya nang makita sa kaniyang harapan ang lalaking pakiwari niya'y kanyang anak. Walang habas na sinunog nito ang kanyang ina gamit ang apoy na lumabas sa kamay nito.
"No!" sigaw niya ngunit siya naman ang sinunog ng lalaki. Mabilis nilamon ng dilim ang paligid niya.
"KAILANGAN kong bumalik ng Pilipinas bago mailibing ang aking ina," sabi ni Alma sa kanyang kasama na nagtatrabaho bilang kasambahay ng pinakamayamang pamilya sa Russia.
"Sige, mag-ingat ka sa flight mo," sabi ni Tanya, ang Pinay na kasama niya.
"Oo."
Bumusina na ang sasakyan ng amo nila. Ihahatid na siya sa airport. Alas-siyete ng gabi ang flight niya.
Tinatahak na nila ang daan patungong airport nang biglang may kung anong bumangga sa sinasakyan nilang kotse. Pagtingin niya sa paligid ay nagkakagulo ang mga tao. May mga sasakyang nasusunog.
"What happened?" tanong niya sa driver.
"I don't have idea. We're trapped. You should walk and look for the taxi," sabi nito.
"Okay." Bumaba na siya at kinuha ang kanyang maleta.
Naglalakad siya sa gilid ng highway nang napansin niya ang babaeng tumatakbo pasalubong sa kanya. Gulanit na ang mga damit nito. Nagtago siya sa likod ng poste. Nilagpasan lang siya ng babae. Nangilabot siya nang makita ang umaapoy na lalaking humahabol sa babae.
Nang lumagpas ang mga ito ay tumakbo na siya habang hila-hila ang maliit niyang maleta. Nahirapan siyang makatakbo dahil sa bigat ng maleta niya. Nataranta siya nang makita niya ang umaapoy na lalaki na tumatakbo palapit sa kanya. Napilitan siyang iwan sa gilid ng kalsada ang bag niya saka tumakbo sa makikitid na kalsada. Binabalot ng takot ang puso niya sa mga sandaling iyon. Panay ang lingon niya sa pinagdaanan niya habang tumatakbo. Hanggang sa bumalya siya sa matigas na bagay. Sumalampak siya sa lupa.
Pagtingin niya sa kanyang harapan ay namataan niya ang matangkad na lalaking nakatayo saharapan niya. Hubad-baro ito at tanging gulanit na pantalon ang suot pan-ibaba.
"H-Help, help me," umiiyak na samo niya.
Nang paparating na ang umaapoy na lalaki ay bigla siyang hinawakan ng lalaki sa kanang braso saka siya hinatak patayo. Hinila siya nito papasok sa abandunadong gusali. Isinara nito ang pinto saka sila umakyat sa ikalawang palapag.
"T-Thank you," hinahapong sabi niya habang nakasandal siya sa dingding.
Hindi nagsasalita ang lalaki. Bigla siya nitong nilapitan at marahang hinaplos ang kanyang pisngi. Tumitig siya sa mga mata nito. Habang nakatitig siya sa mga mata nito ay unti-unti siyang nakakaramdam ng kakaibang init sa kanyang katawan. Nanlulumo siya at naba-blanko ang isip niya. Naramdaman niya ang init ng halik ng lalaki. Gusto niya itong pigilan ngunit wala siyang lakas. Hanggang sa natagpuan lamang niya ang kanyang sarili na walang aumang saplot sa katawan habang angkin ng lalaki. Wala siyang lakas para awatin ang nagaganap. Ginupo na lamang siya ng nakakahibang na sensasyon at tuluyang nagparaya.
NAGISING si Alma na wala na sa kanyang tabi ang lalaking tumulong at umangkin sa kanya. Napabalikwas siya ng bangon nang makatinig siya ng magkasunod na pagsabog mula sa labas. Nagmadali siyang nagbihis at sumilip sa labas. Nataranta siya nang makitang nasusunog na ang mga gusaling katabi ng gusali na kinaroroonan niya.
Tumakbo siya palabas. Nag-aagaw liwanag na. Pagdating niya sa kalye ay bigla siyang hinagip ng itim na kotse. Tumalsik siya. Mabuti na lang hindi nabagok ang ulo niya. Naaninag pa niyaa ng lalaking bumaba ng kotse at lumapit sa kanya. Binuhat siya nito at isinakay sa kotse. Dahil sa bilis ng takbo ng sasakyan ay lalo siyang nahilo, hanggang sa biglang huminto ang kotse.
Naaninag niya ang lalaking driver na hinatak ng kung sinong nilalang palabas ng kotse. May lalaking kumuha sa kanya. Nasilayan niya ang mukha nito. Hindi ito normal na tao dahil sa maputla nitong mukha at nakita niya ang pangil nito at namumulang mga mata.
Akmang sasakmalin siya nito sa leeg ngunit natigilan ito nang mapatingin ito sa kanyang kaliwang leeg.
"P-Please, no," nanlalambot na samo niya.
Nagbago ang isip ng lalaki. Hindi siya nito kinagat, sa halip ay inilayo siya nito sa lugar na iyon. Habang karga siya nito ay bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kirot sa kanyang sinampupunan. Sa sobrang kirot ay tuluyan siyang nawalan ng ulirat.
BINABASA MO ANG
Day Walkers Series 10, Elias (Complete)
VampireMature content. Suitable only for adult and open minded readers