Chapter Five

3.5K 136 4
                                    


TINATAMAD bumangon si Natassa kahit ilang beses na siyang binubulabog ng Daddy niya ng katok sa pinto. Muli na namang kumatok ang Daddy niya kasabay ng galit nitong tinig.

"Natassa! Hindi ka pa ba babangon diyan? Huling tawag ko na ito!" sabi ng Daddy niya.

Bumangon na siya. "Heto na, Dad! Maliligo na ako!" pasigaw na sagot niya.

"Bilisan mo dahil kanina pa naghihintay si Elias," sabi nito.

"What? Kailangan pa ba niya akong sunduin?"

"Bilisan mo na!"

"Opo!"

Palagi siyang walang magawa. Padabog na pumasok siya sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagsuot siya ng itim na leggings, fitted sleeveless na sinapawan ng fitted leather jacket. Nagsuot din siya ng itim na boots. Pinag-isang bungkos niya ang ga-balikat niyang buhok na mataas.

Pagdating niya sa lobby ay naabutan niya si Elias na prenteng nakaupo sa sofa. Huminto siya sa tapat nito. Awtomatikong tumitig ito sa kanya. Nakasuot din ito ng itim na pantalon at itim na leather jacket. Pati sapatos nito ay itim. Hindi naman sila nag-usap tungkol sa isusuot nila.

Mamaya'y dumating ang Daddy niya. Nakita niya ang posas na nakasabit sa tagiliran ni Elias. Nilapitan kaagad niya ang Daddy niya.

"Dad, may I ask a favor?" aniya.

"What is it?"

"Puwede bang huwag na akong iposas? Promise, hindi ako tatakas," pangako niya.

"Okay. Pero once may ginawa kang hindi maganda, Elias has rights to do some punishment to you. I allow him to decide what he want to do with you," sabi ni Trivor.

"Holy cow! That's too much, Dad. Bakit ba mas may tiwala kayo sa lalaking iyan?" reklamo niya.

"Dahil mas sinusunod niya ako kaysa sa 'yo na anak ko. Walang bad record sa akin si Elias. Siya ang pinakamatagal nang day walker na miyembro ng organisasyon. Kabisado ko na siya. Alam ko ang lakas niya at kahinaan. Don't worry, kung sakaling may ginawa siya sa 'yo na hindi ko gusto, ako mismo ang paparusa sa kanya. Nakuha mo?"

Nalaglag ang mga balikat niya. "Fine."

Tumayo na si Elias at lumapit sa kanya. Hindi pa ibinabalik sa kanya ng Daddy niya ang kakayahan niya sa pag-teleport at ibang abilidad kaya kakapit pa rin siya kay Elias.

"Aalis na kami, sir," paalam ni Elias sa Daddy niya.

"Okay. Mag-ingat kayo. Bye, Natassa," ani Trivor.

"Bye, Dad." Humalik siya sa pisngi nito.

Pagkuwan ay humawak na siya sa kanang braso ni Elias. Nag-teleport kaagad ito. Napadpad sila sa loob ng researching office.

"Aalis na ba kaagad tayo without breakfast?" tanong niya.

"Nag-breakfast na ako. Problema mo na kung hindi ka nag-almusal," sabi nito habang inihahanda ang mga gamit na dadalhin nila sa survey.

"Kailangan ko munang kumain."

"Dadaan na lang tayo sa food center para magpa-take out ng pagkain. Sa chopper ka na lang kumain. Gahol na tayo sa oras." Ibinigay nito sa kanya ang itim na shoulder bag na pinaglagyan nito ng mga gadgets.

"Let's go," sabi nito pagkuwan.

Sumunod naman siya rito hanggang sa food center. Naihanda na ni Charmaine ang babaunin nilang pagkain. Kumuha din siya ng soda in can at tubig. Nang kompleto na ang kailangan nila ay nagtungo na sila sa paliparan sa rooftop. Ang pinakamaliit na chopper ang pinili ni Elias.

Day Walkers Series 10, Elias (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon