NAITULAK ni Natassa si Tanner nang biglag tumunog ang cellphone niya na nasa kanyang bulsa.
"Shit, si Daddy!" bulalas niya nang malamang Daddy niya ang tumatawag.
Kumagat-labi si Tanner. Puno ng frustration ang mukha nito dahil sa hindi natuloy na paghalik sa kanya.
"Answer his call," sabi nito.
Matamang tumitig siya sa binata. Pagkuwan ay sinagot niya ang tawag ng kanyang ama.
"Where the hell are you? It's time to sleep!" galit na sabi ng Daddy niya.
"Uhm, I'm just around, Dad. Actually I'm here in my room now," pagsisinungaling niya.
"I'll check you. Bye."
"Fuck!" inis na sabi niya.
"It's okay, honey. Marami pa namang pagkakataong magkita tayo. Maybe we will have another fight one day. I'll see you soon," ani Tanner.
"I'm sorry. I have to go. I love you," sabi niya saka hinalikan sa pisngi ang boyfriend niyang matagal niyang itinatago sa pamilya niya.
"I love you too," nakangiting sagot nito.
Pagkuwan ay nag-teleport siya pauwi sa bahay nila. Sa kuwarto niya siya napadpad. Naghubad kaagad siya ng warrior attire niya at nagsuot ng puting pantulog. Nagmadali siyang humiga sa kanyang kama.
Mamaya ay may kumatok sa pinto. Bumangon siya at ginulo ang ga-balikat niyang buhok saka tinungo ang pinto. Nagdrama siya na inaantok nang makita niya ang kanyang ama. Sinuyod siya nito ng tingin.
"I'm tired, Dad. I want to sleep," malumanay na sabi niya.
"Let's talk, first," sabi nito.
"Dad, bukas na."
"I want to talk to you, now!"
Napalunok siya. Inayos niya ang kanyang buhok saka tumayo nang tuwid. Sumunod siya sa Daddy niya sa study. Kinakabahan siya. Umupo siya sa katapat nitong sofa. May hinahanap ito sa cellphone nito. Hindi siya mapakali.
Mamaya ay pinakita sa kanya ng Daddy niya ang litrato na nasa cellphone nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang kanyang sarili sa litrato na kasama si Tanner na magkahawak ang mga kamay.
"Tell me who's this guy?" mahinahong tanong nito.
Paulit-ulit siyang lumunok. "Uhm, he's m-my friend, Dad," gumagaralgal na sagot niya.
"Don't lie to me, Natassa, I can read your mind. I know you lied. Pumunta sa kuwarto mo kanina ang Mommy mo pero wala ka. Wala ka rito sa bahay at wala ka rin sa academy."
Lalo siyang inalipin ng kaba. Hindi siya makatingin nang deretso sa mga mata ng Daddy niya.
"Now, tell me who the hell this guy?" muli'y tanong nito.
Hindi pa rin siya sumagot. Nilamon na siya ng takot.
"Natassa!" paasigaw nang sambit nito.
Kumislot siya at napilitan siyang tumingin dito nang deretso. "B-Boyfriend ko, Dad," mabilis niyang sagot.
Biglang nanlisik ang mga mata ng Daddy niya. Marahas itong tumayo. Sinundan niya ito ng tingin.
"Miyembro siya ng black ribbon soldier. How dare you!" hasik nito.
Napatayo siya. "I love him, Dad!" giit niya habang nag-uunahan sa pagpatak ang kanyang mga luha.
"I don't care! Loving an enemy is embarrassing for our family, Natassa! Forget that man or I'll kill him!"

BINABASA MO ANG
Day Walkers Series 10, Elias (Complete)
VampireMature content. Suitable only for adult and open minded readers