NAGISING si Natassa nang maramdaman niya ang manit na bagay na humahaplos sa pisngi niya. Nang imulat niya nang tuluyan ang kanyang mga mata ay mukha ng kanyang ina ang nasilayan niya. Bumalikwas siya ng upo. Iginala niya ang paningin sa paligid. Naroon na siya sa kanyang kuwarto.
"Why the hell I'm here?" balisang tanong niya.
"Anak, tama nang pagrerebelde. Hindi makakatulong sa 'yo ang paglalayas. Pinapalala mo lang ang sitwasyon," sabi ng Mommy niya.
"Mom, sino naman nagdala sa akin dito?" inis na sabi niya.
"Hinatid ka rito ni Elias."
"Sinong Elias?"
"Ang piloto ng sinakyan mong aircraft."
"Damn that man!" Nanggalaiti siya nang maalala ang simpatikong piloto.
"Please lang, Natassa, huwag mo na ulit uliting tumakas. Kapag nalaman iyon ng Daddy mo, lalo lang lalala ang sitwasyon," samo ng kanyang ina.
Bumuntong-hininga siya. Tumayo na ang Mommy niya. Sinundan lamang niya ito ng tingin habang humahakbang patungo ng pinto.
"What would you like to eat, sweetheart?" pagkuwan ay tanong nito.
"Nothing. I just want to be alone," aniya.
"Pauwi na ang Dad mo. Wala akong sasabihin sa kanya tungkol sa ginawa mo," anito.
"Malalaman din naman niya 'yon."
"Fine." Tuluyan na siyang iniwan ng kanyang ina.
"Kainis! Buwisit talagang lalaking 'yon! Go to hell, Elias!" Inihagis niya ang unan sa pinto.
Kinagabihan ay dumating na ang Daddy niya. Naririnig lang niya ang boses nito pero hindi siya lumabas ng kuwarto. Mamaya ay may kumatok sa pinto.
"Hey, sister! Open the door!" boses ng nakababatang kapatid niyang lalaki na si Nathan.
"What?" mataray na sabi niya.
Bumukas na ang pinto at pumasok si Nathan. Pinulot nito ang inihagis niyang unan saka ibinalik sa kanya.
"Ano'ng kailangan mo?" masungit na tanong niya sa kapatid.
Uupo pa ito sa paanan ng kama niya. "Gusto kang makausap ni Dad," anito.
"Tell him I'm not feeling well."
"Come on, you're over reacting."
"Puwede ba, Nathan, hindi mo ako naiintindihan kaya huwag kang magsalita ng ganyan sa akin."
"Alam ko ang feeling na nasasakal sa batas ni Daddy, Ate. Hindi ako robot para hindi magkainteres sa pag-ibig. Alam ko magkaiba tayo ng sitwasyon pero iisa lang ang proseso kapag nagmahal tayo. I trust Dad because he's our father."
"Ikaw 'yon. Ibahin mo ako."
"Hindi ka naman pinagbabawalang magmahal, eh. Ang problema lang, nagmahal ka ng isang kaaway."
"And what's wrong with Tanner?"
"He doesn't deserve you. Sabihin na nating dati siyang tao na naging bampira. Maaring mabait siya noon, but dark reincarnation changed him."
"Shut up! You don't know everything about him and you don't have rights to judge him! Pare-pareho lang kayong lahat dito sa bahay."
Tumayo na si Nathan saka siya tinalikuran. Malapit na ito sa pinto nang maalala niya ang lapastangang piloto na nag-uwi sa kanya roon sa bahay nila.
"Nathan, did you know Elias?" tanong niya.
Huminto si Nathan at pumihit paharap sa kanya. "The pilot?" anito.
BINABASA MO ANG
Day Walkers Series 10, Elias (Complete)
VampireMature content. Suitable only for adult and open minded readers