TAMARA
SABADO. Maagang pinaliguan ni Tamara ang anak dahil gagala sila. Tulad nang usapan nila kahapon ni Neptune.
"Ano pong isusuot ko?"
"Kung anong gusto mo? Pero syempre gusto ko yung maganda ka, ahh?" Magaan kong hinalikan ang tungki ng ilong ng anak.
"Mahal kita."
"Ako din Mama. Mahal kita." Mabilis sya nitong hinalikan sa nuo.
"Bihis na po ako.""Itext mo ako kung uuwe kayo mamayang tanghali para damihan ko ang saing." Si Mama na isinasalansan ang mga nabilad na tipay.
"Sige po. Pero tirhan mo parin ako nan, ahh?" Tuloy ko sa ulam nila mamayang tanghalian. Ginataang tipay.
"Sige."
Pumasok na ako sa ng banyo. In-on ko ang phone para maka pag sound habang naliligo. Doon na rin ako nag ipit at nag lagay ng lipstick matapos mag bihis.
Binuksan ko ang pinto ng banyo saka pinatay ang sound. Kumunot ang nuo ko ng marinig ang anak na nag sasalita.
"Sino pong... kausap ni Nene?"
"Ay si ano... si Neptune. Dumating na." Saglit lang akong sinulyapan ng Ina mula sa ginagawa nitong pag kakayod ng nyog.
Dali dali akong lumabas ng kusina. Natigilan ng makita ang posisyon nina Neptune at Teamarie.
Naka kandong ang anak sa lalaki. Nag tatawan habang nag kakantahan sa childrens song with action.
Salat sa atensyon si Teamarie sa ama. Kaya gayon nalang siguro ang lapit ng loob nito kay Neptune o kaya kina Billy kapag napapa dalaw.
"Mama!"
Napa kurap ako ng marinig ang boses ng anak. Agad itong umalis sa pagka kandong at tinungo ang sapatusan.
"S-Salamat." Inabot ko rito ang naka handa kong medyas at sapatos. Bumalik si Teamarie sa tabi ni Neptune. Muling nag kulitan ang dalawa.
"Ang aga mo?" Dali dali akong nag sapatos. Iipitan ko pa ang anak.
"Baka ma traffic kaya inagahan ko."
"Teamarie. Halika. Iipitan muna kita." inipitan ko ang anak, pina banguhan at pinolbohan.
"Hayan! Tapos na. Papaalam tayo kay Mamita." Hinawakan ko ang kamay ng anak pero gayon nalang ang disappointment ko ng inabot rin nang anak ang kamay ni Neptune.
Nakagat ko ng mariin ang labi. Nakaka pang selos ang lalaki. Inaagaw nito ang atensyon ng anak ko.
"Alis na po kami, Tita." Si Neptune matapos mag mano sa ina nya.
"Ma. Yung ulam ko ah?" bilin ko pa matapos magpa alam.
Napa ngiti nalang ako na minamasdan ang anak na masayang nag lalaro sa bump car kasama ang ibang batang naruon sa palaruan.
"Hey Tamara "
Sa pag lingon ko ay eksakto ang pag flash ng camerang hawak ni Neptune na sa akin naka tutok. Ngiting ngiti ang lalaki matapos akong kuhanan. Kanina'y nag paalam ang lalaki na may babalikan sa sasakyan, ang camera lang pala.
BINABASA MO ANG
Circle of Friends 2; Neptune
General FictionAminado si Neptune na walang tinatagalang babae sa buhay. He's sweet and taking care of every women he has. Kaya naman kapag ayaw na nila sa isat isa, walang samaan ng loob. But not until he bump, hump and pump to this woman. Sya ang hinahabol at ni...