Chapter 25

441 5 0
                                    

TAMARA

"Mama!" impit na tili nang bata ng buksan ko ang pintuan.

"Teamarie, Anak!!" hindi agad ako naka galaw sa gulat.
"Oh! Ang baby ko!" mangiyak ngiyak kong niluhod ang anak at pinupog ito ng halik sa mukha. Muling yakapin.

Nag mutawi ako ng pasasalamat kay Neptune. Nag paalam sa kanya si Neptune na may pupuntahan matapos maka tanggap ng tawag mula sa isang kaibigan na Kyle ang pangalan.

At habang wala ang lalaki ay nagaayus ayus muna ako rito sa unit.

"Sandali. Padaan muna ako." si Neptune na tatawa tawa habang madaming dala.

Umayos kami ng tayo ng anak at isinara ang pinto.

"Kaya pala ang tagal mu, nag grocery ka pa." akmang kukunin ko ang hawak nitong mga grocery bag ng iiwas ng lalaki.

"Siyempre. Andito si Baby girl eh." sabay halik nito sa labi ko na ikinalaki ng mga mata ko.

"Haha. Halika, anak. Tulungan mo si Papa."

Naka ngangang sinundan ko na lang ng tingin ang dalawa na patugong kusina.

Wala sa loob na nailagay ko ang isang kamay sa tapat ng dibdib.

Nangangamba ako.

Isang klase nang pangamba na alam na alam ko.

Ang sabi ni Boss Howard huwag akong bumigay basta basta. Ginawa ko. Pero... Mukhang iba na ang sitwasyon ngayon.

Gusto kong pigilan dahil hindi lang ako ang masasaktan pati na rin ang anak ko, ngunit paano na ito ngayon?

Ngayong hulog na hulog na ako?

Kahapon, kilig na kilig ako kay Neptune. Masasabi kong effort kung effort ngunit wala pa akong naririnig na nag papatunay ng nararamdaman nito.

Humakbang ako tungo sa kusina.

Magka tulong ang dalawa sa pag aayos ng mga grocery. Binubuhat pa ni EN si Teamarie upang mailagay nito ang ilang stocks sa cavinet.

"Ah! Anung gusto mong ulam mamaya?" si EN na karga ang bata.

"Uhm, chicken? Fried chicken!"

"Sige--" nang mapa dako ang tingin sa akin ni Neptune.
"At ano naman ang gustong ulam ng Mama namin?" naka ngiting lumapit sa akin si Neptune.

"I-ikaw?" medyo nailang ako dahil hinapit ako ng lalaki mula sa bewang. Kaya ang anak ang binalingan ko.

"Palit na muna tayu nang damit, anak."

Ngunit iniiwas ni Neptune ang bata. Sabay bulong..
"Baka dumugo na naman iyang sugat mo. Si Papa na lang mag papalit ng damit sa iyo, ah?"

Muli, sinundan ko na lang ng tingin ang dalawa.

Pocus ako sa ginagawa kong pag gagayat ng patatas at carrots habang si Neptune nagagawa ng sandwitch na mimiryendahin ni Teamari. Inihahanda ko ang gagawing ulam para sa tanghalian.
Si Teamarie ay nasa sala, abala sa panunuod nang t.v.

"Honey ko..."

Anak nang!! Mabuti na lang ay maingat ako sa pag gagayat dahil muntik ng mahagip ang daliri ko sa pag yakap mula sa likuran ni Neptune.

"EN---"

"I miss you na." tila ito batang paslit kung umungot sa aking balikat.

"Kuu! Tigilan mu nga ako EN." bumalik ako sa pag hihiwa.

"Honey ko... Please." mula sa bewang umangat ang kamay nito sa aking mga dibdib.

"Neptune!" naeeskadalo at natatarantang napa tayo ako ng tuwid at tumingin sa entrada ng kusina.

Circle of Friends 2; NeptuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon