NEPTUNE
"Sir!" ang bakla kong sekretaryo. Inilapag sa harap ko ang papel na kailangan ko."Salamat. Sige na." taboy ko rito at muling ipinag patuloy ko ang ginagawang pag papatas ng mga dokumento.
Nang matapos ay inabot ko ang papel na dinala ng sekretaryo.
Alas dyes nang gabi ang oras ng flight.Lumabas ako ng opisina.
"Wala ako ng dalawang araw, ah?" bilin ko pa sa tauhan saka tuloy tuloy na lumabas.Lulan ng sasakyan na tinungo ko ang bahay ng mga magulang.
"Ezi! Anak!" si Ezmeralda na sinalubong ako ng yakap.
"Napasyal ka! Teka ikaw lang?" may hinanap pa ito sa likuran ko."Opo. Nasaan si Karly?" huminto ako sa gitna ng living room.
"Andito ako!" si Karly na ngiting ngiti na may dalang miryenda.
"Tamang tama ang dating mo, nag luto si Linda ng bilo bilo. Kumain--"
"Ayoko. Pagkakain ng miryenda ay hakutin mo na ang mga gamit mo. Ihahatid kita sa airport." sabay lapag ko ng printed na plane ticket.
"Ezi?" si Ezmeralda at Karly.
"Narinig mo ako, Karly. Ihahatid kita papuntang California."
Nag liwanag ang mukha ng babae.
"Talaga?!""Oo. Para masiguro kong aalis ka talaga ng bansa. Back and fort ticket ang ticket ko. At this time sisiguraduhin kong hindi kana makaka gulo pa." nag tagis ang mga bagang ko ng maalala ang pinag gagagawa nito kahapon.
"Mommy." nang hihingi ng saklolo si Karly kay Ezmeralda.
"Ezi, Anak."
"Mom. Akala ko ba pinag sabihan mo na iyang si Karly? Hindi ko nga sya gusto. Mahal ko si Tamara! Kung hindi nyo matanggap iyon! Kayo ang magpa kasal na dalawa!"
"Eziekel!"
Napa lingon ako buhat sa pinto. Ang Ama na kapapasok lang.
"Ano't sinisigawan mo ang Nanay mo?!"
"Bakit hindi? Ang landi kasi nito!" napa singhap ang dalawang babae ng ituro ko si Karly.
"Hindi ko nga sya gusto, ipinag sisiksikan ni Mommy na gustohin ko ito. Dad, resperto naman! Pinag hirapan ko si Tamara!" napapagod na ako sa kakapaliwanag.
"Akala ko ba, okey na? So ano ito?" tanong ko kay Mommy.
"Ezmeralda." si Narciso sa asawa.
Nag iwas ng tingin ang Ginang at napa buntong hininga.
"Anak. Pasensya--"
"Pasensya?" pagak akong napa tawa.
"Anong gagawin ko dyan sa pasensya nyo kung mawawala sa akin si Tamara. Na naman." dinampot ko ang plane tickets.Dinuro ko nang papel si Karly.
"Dapat ayos na ang mga gamit mo ng ala sais. Kapag hindi, ako mismo ang kakaladkad sa iyo pa puntang airport."Tinalikuran ko na ang tatlo. Tinungo ang hagdan. Nasa kalagitnaan palang ako ng tumunog ang telepono.
Landline number. Pero naunahan ako ng babae na mag salita.
"Hello?"
"Sino ito?" kumunot ang nuo ko at napa tigil sa pag hakbang.
"Sir, si Candice po ito! Si Ma'm Tamara po."
"Si Tamara? Anong si Tamara?" humigpit ang hawak ko sa aparato. Isang Tamara lang naman ang kilala ko.
"Isinugod po ni Sir Harold sa Hospital."
"Ano?! Saang Hospital!?" napa baba ako ng hagdan. Hindi ko pinansin ang mga magulang na nag tatalo sa sa living room.
BINABASA MO ANG
Circle of Friends 2; Neptune
Genel KurguAminado si Neptune na walang tinatagalang babae sa buhay. He's sweet and taking care of every women he has. Kaya naman kapag ayaw na nila sa isat isa, walang samaan ng loob. But not until he bump, hump and pump to this woman. Sya ang hinahabol at ni...