PROLOGUE

4.1K 64 11
                                    

Expat Huntress Series is a collaboration project together with my fellow writers, Cady Lorenzana, Cranberry Laurel & Bethany Sy. Nabuo ito noong 2017 sa PHR's Brainstorming sa Baguio City. Para sa mga gustong makabasa ng ibang kuwento, maaaring ninyong hanapin iyon sa mga Wattpad Accounts nila. 

Thank you so much & happy reading!! 

Also, I would like to apologize for some mistake. I happened to post the wrong file yesterday. Iyong na-post ko kahapon ay hindi pa na-revise na version. Kaya pala nagtataka ako bakit Chapter One agad, eh ang alam ko may prologue pa siya. Naalala ko lang siya kaninang madaling araw noong patulog na ako. Kaya mapapansin n'yo may nagbago sa takbo ng storya sa first chapter. Muli, humihingi po ako ng pasensiya. Thanks again. 😁😃

~JA 💜



*****************************************************************



HINDI alam ni Andie kung gaano na siya katagal nakatitig sa papel na hawak. Iyon ang test result ng nakaraan exam niya at buo ang kanyang pag-asa na mataas ang makukuhang score. Pero 'yong totoo, may mga araw sa buhay ng isang tao na tinatablan ng kamalasan.

Napapitlag siya sa gulat ng biglang may umupo sa tabi niya. Nang lumingon ay tumambad sa kanyang harapan ang apat na mga kaibigan. Sina Elissa, Jane, Regina at Edgell.

"Bakit ka tulala?" tanong ni Jane.

Mangiyak-ngiyak na pinakita ang test result niya sa mga ito.

"Uy wow, bagsak!" tila nang-aasar pang sagot ni Edgell.

"Edgell naman eh!" maktol niya.

Tumawa lang ito sabay pinakita rin ang resulta ng exam nito.

"Kung maka-ngawa ka naman diyan, akala mo zero ka, buti ka pa nga may twenty-points ka. Eh ako? Tingnan mo, one lang ang score ko," sagot nito sabay tawa.

Natawa rin si Elissa, Jane at Regina.

"Huwag mong masyadong damdamin 'yan, bawi ka na lang sa next exam," pag-aalo sa kanya ni Jane.

Bumuntong-hininga si Andie sabay sandal sa backrest ng mahabang upuan na kahoy.

"Iniisip ko nga kung mag-shi-shift ako ng course next semester," sabi niya.

"Ay, hala! mang-iiwan ka?" tanong ni Edgell.

"Nahihirapan na rin kasi ako," sagot niya.

"Sabagay, ikaw ba mag-Major ng Math?" sabi naman ni Regina.

"Pero totoo 'yan, kahit ako gusto ko rin mag-shift ng ibang course. Napilitan lang naman ako mag-Education dahil hindi ko pa alam totoong gusto kong course noon, bahala na!" sabi naman ni Elissa.

Bigla silang natahimik ng tila isang anghel na dumaan ang crush nilang lima na si Andrew Dixl. Isang half-british at half-pakistani. Ang foreigner na estudyante na crush ng bayan sa campus nila. Ang guwapo naman kasi talaga nito at balita nila ay mabait pa kaya maraming babae ang humahanga dito.

"Hallelujah, dumaan na naman ang sugo ni Lord," tulalang sabi ni Regina, habang sinusundan ng tingin si Andrew.

"Grabe, ang guwapo..." sabi naman ni Jane, sabay buntong-hininga.

Expat Huntress Series 2: Kinō, Kyō No Ai (Yesterday, Today's Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon