Pasensya kana

17 0 0
                                    


"You know you're inlove when you can't fall asleep because reality is finally better than your dreams"
- Dr. Seuss

July 8, 20XX

Mahal kong Y,

Maghahating gabi na. Heto ako umiiyak at ikaw ang dahilan. Nasaktan ako sa sinabi mo na may gusto ka. Wala naman akong karapatang magselos. Walang tayo,di mo alam na mahal kita at magkaibigan tayo.

May isa akong rule sa sarili ko. Ang barkada ay barkada lang, ang kaibigan ay kaibigan lang. Pero ako'y nahulog sa isang kaibigan.Disappointed ako, sobra sa sarili ko dahil nahulog ako sayo. Pasensya kana ha? Di ko naman kasi sinasadya. Ayaw ko nito eh. Mahal kita pero di ko masabi sabi sayo. Teka nasabi ko pala pero sa pabirong paraan.

Ganun ako diba? Palabiro, kaya yung mga bagay na seryoso akala mo isang biro. Pasensya kana at mahal kita. Ang sakit sakit sa puso na magmahal ng isang kaibigan. Mahal kita pero magkaibigan lang tayo.

Nagmamahal,
S

Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon