Kilig

2 0 0
                                    

"The worst feeling is falling for someone and knowing that they wont be there to catch you."
- Rashida Rowe

July 15,20XX

Mahal kong Y,

Ang lamig ng panahon sana ika'y hindi tumulad dun. May bagyo na paparating... Parang ikaw, binagyo ang puso ko nung ikaw ay dumating.
Dalawang araw ang lumipas na hindi kita nakita. Miss na miss na miss kita ng sobrang sobra. Yung mga ngiti mo na ang ganda pagmasdan.

Magkakaroon kami ng pagsusulit sa isang sub namin ngayong umaga. Heto pinagmamasdan ko yung mga kaklase ko na nag-aaral. Ang cute lang tignan na nag-aaral sila ng mabuti. Di nga ako nakapag-aral ng maayos dahil ikaw laman ng isip ko eh. Habang sumasagot ako ng exam, natatawa ako dahil ang ganda ng teamwork. Nakakuha pa ako ng paraan para makuhaan ng picture yung test. Desparada na kung desperada. Gustong gusto kitang maging kaklase.

Tinawag kita pagkatapos ng exam namin paglabas ko. Hinawakan ko kamay mo. Alam mo bang kinakabahan ako? Gusto ko na talagang maging kaklase ka eh.

Sumapit ang hapon. May exam ulit kami ngayon. Nag go-group study kami ng mga kaibigan ko. Umalis muna ako para puntahan ka sa room niyo pero di kita nakita kaya pinuntahan ko si CJ. Pinasa ko sakanya yung pic tas bigla siyang may sinabi sakin. Pinagsasalitaan mo pala ng masama ang ex ko. Secretly, sa isip ko masayang masaya ako. Baka may pag asa ako. Baka nga..

Pagbalik ko sa room, hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Hindi rin ako makafocus sa pagreview dahil sa nalaman ko. Mahal na mahal kita. Sana nga may pag asa ako sayo. Kapag alam ko na talaga na may pag-asa ako. Hinding hindi na kita bibitawan.

Nagmamahal,
S

Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon