Marupok

7 0 0
                                    

"The world breaks everyone, and afterward, some are strong at the broken places."
- Ernest Hemingway

July 9,20XX

Mahal kong Y,

Hey, heto na naman ako. Hahaha. Ewan ko nga ba't ko ito ginagawa eh. Tinry kong wag kang pansinin ngayong araw pero ayun pinansin pa rin kita sa hapon dahil hindi ko kaya.

Hindi kumpleto ang araw ko na hindi kita inaasar. Hindi kumpleto ang araw ko na hindi mo ako sinasakit,sa pisikal na paraan kahit kaya mo rin akong saktan emotionally. Ang sarap mong asarin. Pikon ka eh. Ewan ko nga bakit ako nainlove sa pikon na tao.

Nung pumunta ka kanina sa room namin,gusto kong lapitan ka seryoso pero ayun nga tinry kong wag kang kausapin ngayong araw. Pero walang epekto. Bumigay pa rin ako. Kaninang 2pm. Wala kaming klase. Nandun kayo sa room namin dahil dun kayo nagklase. Tinawag kita. Pero hindi mo ata ako narinig. Miss na miss kita eh. Di ko kaya ang isang araw na di ka makausap.

Kahit nga sa weekends nag uusap pa rin tayo kahit sa laro lang. Masaya na ako nun eh. Hayaan mo lang akong mahalin ka. Hayaan mo ang isang marupok na katulad ko ang magmahal sayo.

Nagmamahal,
S

Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon