Parang tayo

4 0 0
                                    

"When you can't remember why you're hurt, that's when you're healed."
- Jane Fonda

July 12,20XX

Mahal kong Y,

Araw araw nalang akong naghihintay. Ewan ko nga ba't kita mahal eh. Basta isang araw natanggap kong mahal nga kita.

Kay gandang pagmasdan ng mga mata mo. Yung ngiti mong nakakaadik. Mga mata at ngiti na hindi nakakasawang pagmasdan. Minsan nga nahihiya na ako sayo dahil baka makita mong nakatitig na ako sayo. Mahal na mahal talaga kita eh.

Nitong hapon lang. Kakatapos lang ng last subject namin at nagclean kami. Nakita kita habang paakyat ako sa room. Ayaw kitang pansinin kasi yung puso ko nagwawala pero ikaw mismo ang lumapit sakin. Sa totoo lang gusto ko palaging katabi kita eh. Natawa pa ako sayo na yung cellphone na ginamit mo yung sa mama mo pala. Buang ka talaga.

Magkasama tayong dalawa na pumunta sa isang tindahan para bumili ng photopaper. Dami mong knows-.- Tayong dalawa lang. Alam mo bang grabe yung pagtibok ng puso ko? Na inaasar mo ako at inaasar kita. Parang tayo pero wala. Sana nga may tayo eh.

Nagmamahal,
S

Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon